chapter 16
"Threena mahal kita, mahal na mahal, noon pa mahal na kita", mabilis na sambit ni Dexter.
"Anong sabi mo?" pagkabigla ni Threena
"Noon pa lang gusto na kita. Natatakot lang ako aminin dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko at baka masaktan kita, mapaiyak kita o saktan mo ang sarili mo ng dahil sa akin. Ayokong saktan ka.
Noong unang gabi natin, hindi ko alam kung bakit napapapayag kitang sumama ka sakin pero matagal ko ng hinangad yun. Ang makasama ka. Hinintay ko kung gagawa ka pa ba ng mga kakaibang moves para magkalapit tayo pero parang wala lang nangyare sa atin."salaysay ni Dexter.
"So hinihintay mo pala na ako ang mag initiate? Dahil kilala mo akong ganun sa mga nagugustuhan ko?" tanong ni Threena
"Hindi ganun yun. Threena hindi ako marunong manligaw. Hindi ko alam paano magsimula." saad ni Dexter
"Yung pangalawang pagsasama natin, nagulat din ako dahil pumayag ka uli. Alam mo ba ang saya ko nung malaman ko na ako lang sa loob ng tatlong taon. Kaya buo na ang loob ko na makipag hiwalay kay Ivy at sabihin sayo na mahal kita. Pumunta ako sa inyo nun Threena, nakita kitang umangkas sa isang motor. Ang sakit nun. Nagalit ako ng may nagpick up sayo sa harap ng hotel.", pagpapatuloy ni Dexter.
"Para matigil ka na.Mga habal habal yun. sa sss page ako nagbobook. Hindi ko sila mga lalake." Sagot ni Threena
"Ha?" pagkagulat ni DExter.
Inilabas ni Threena ang celphone para ipakita ang mga ilang nakabook nya sa habal.
"Threena. Sorry. Akala ko.....".saad ni Dexter
"Tama na, Gusto ko na magpahinga", sambit ni Threena sa mahinang boses at nahiga.
Magsasalita pa sana si Dexter nang humiga at ibinaling ni Threena ang kanyang mukha sa kabilang direksyon at pumikit senyales na ayaw nitong makipag usap sa lalake.
"Mahal na din kita Dexter, masakit lang na nahusgahan mo ako sa pinakamababa. Habang kasama mo pala ako nakamarka na akong masamang babae sa isip mo. Siguro kapag nagtataas ako ng kamay at umaawit ng makalangit na awitin sa church o nagsheshare, tinitingnan mo na siguro ako na parang hipokrito", saad ni Threena sa sarili at tuluyan ng tumulo ang kanyang luha.
Nakita ito ni Dexter. Nahabag si Dexter at nakonsyensya sa sarili. Gusto nyang marinig ang laman ng puso at isip ni Threena. Gusto nyang magalit at mag mura ito sa kanya. Para syang dinaganan ng mabigat na bato sa dibdib sa nakikitang pagluha ng Threena ng tahimik hanggang sa makatulog ito.
NAGISING si Threena ng maramdaman ang hapdi sa kanyang mga kamay. Epekto ng itinurok sa kanyang dextros. Nasa tabi nya ang nakangiting pastor nya at asawa nito.
"Ptr.Art,Ptra Veviene. Andito po kayo?", tanong ni Threena
"Kamusta ka na anak?" tanong ni Ptra.Veviene at hinaplos ang kamay nito.
"Ok naman po ako, ok na din daw po ang baby ko". sagot ni Threena.
"Anak umuwi muna si Dexter pero babalik daw sya. Mag iistay muna kami dito para bantayan ka hanggang sa dumating ang mommy mo. Irerelease ka na din daw mamaya", tugon ni Ptr.Art
"Nakakahiya naman po sa inyo, naabala pa po kayo. Ok naman na po kami ng baby ko. Wala naman po akong gagwin dito kundi mahiga at matulog.Manood ng tv, Pero thank you", saad ni Threena.
"May dala kaming arroscaldo sayo kain ka muna", saad ni Ptr.Art at inihain ang mainit na arroscaldo.
"Gusto ko din talaga makipag kwentuhan sayo anak. Hindi ka na nagkukwento ng buhay.Hindi ka minsan makausap ng matino dahil puro ka biro", sagot ni Ptra.Veviene
Ngiti lang ang sinagot ni Threena sa kanyang Ptra at sumubo ng arroscaldo ng sunod sunod,hindi pala sya nakakain ng hapunan at mas pinili nyang matulog uli kesa kumain nung magising sya ng alos dos dahil sa sama ng loob.
"Dahan dahan lang anak, mukhang gutom na gutom ka.", saad ni Ptra Veviene
"Mukhang may gusto sa'yo si Dexter ah. Lagi syang nakaalalay sayo," panunukso ni Ptr.Art kay Threena
"Kasi naman po paburito nyo syang inuutusang pumunta o magsundo sa amin", sagot ni Threena
"Hindi ah. Sya ang nagvovolunteer, naghahanap pa ng maiuutos namin para lang pumunta sa inyo", saad ni Ptr.Art
"uyyyy, ano Threena.May pag asa ba si Dexter sayo? Wala naman na sila ni Ivy at hindi ka naman pinanagutan ng tatay ng bata." panunukso ni Ptra.Viviene
Naubos na ang kinakain ni Threena at uminum ito ng tubig.Ngiti lang ang sinagot ni panunukso ng kanyang mga pastor.
"Sya nga pala, may sasadyain lang ako sa church, pero pagpepray ka muna namin bago ako umalis. Si Ptra Viviene muna magbabantay sayo.", saad ng kanyang Ptr.
Sinimulan na ang pananalangin kay Threena hawak ang kamay at balikat nito. Sa kanilang pananalangin ay bumuhos ang luha at paghikbi nito na parang bata para yakapin sya ni Ptra.Viviene.
"Anak mahal ka ng Diyos, mahal ka namin, dito muna ako. Sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo kay Ptra. Ok ba? Ilabas mo lahat para lumaya ka, nakakasama sa inyo ng anak mo yan". Sambit ni Ptr Art at tuluyan ng umalis.