Callousheart 17

1111 Words
chapter 17 Kumalas sa pagkakaakap si Ptra.Viviene upang malayang makapagsabi si Threena. Matagal bago makapagsalita si Threena pinag iisipan kung paano magsisimula. "Si Dexter po ang ama ng anak ko", sambit ni na may pagluha.Nanlaki ang mga mata ni Ptra. Viviene sa pagreveal ni Threena na may halong pagtatanong kung paano. Hinayaan nyang magsalita si Threena. "Sorry po. Hindi po alam ni Dexter na kanya ito. Ayoko pong sabihin. Ptra.sorry po", patuloy na pag iyak nito. "Sorry,Sorry,Sorry. Mali man pero gusto ko po ang nagyare na magkaka anak ako, ito po ang pinakamasarap at pinakamsayang nangyare sa buhay ko." dugtong ni Threena. "Anak. aaminin ko nabigla ako sa sinabi mo.Paano, kailan nagsimula? Marami akong tanong pero irerespeto ko ang gusto mo. Gusto ko malaman mo na hindi kita huhusgahan. Nung malaman ko na nabuntis ka na walang amang binabanggit, hindi pumasok sa isip namin ni Ptr na husgahan ka, may tanong oo pero hindi nagbago ang tingin namin sayo.Isa kang special na tao, mabait, magalang at maunawain. Walang nagbago anak sa paningin namin sayo. Alam namin na nagkulang din kami sayo, noong panahon na kailangan mo ng makakausap wala kami at wala kang karamay. Alam namin na yun ang dahilan ng pagbabago mo na hindi naipaalam kung anong nangyayari sayo at ginagawa mong biro pag personal mo ng buhay ang tinatanong namin. Hinahanggan ka ng marami sa pagiging positibo mo sa pagharap ng problema pero alam namin ni Ptr na may mali sayo. Anak kailangan mo ding ilabas ang nasa loob mo, kailangan mo ding ipakitang mahina ka, na kailan mo ng tulong ng iba. Hindi mo kakayanin mag isa lalo pa at may bata sa loob mo. Baka isang araw bumigay ka nalang at ikapahamak mo lalo, kawawa ang bata. Di ba mahal na mahal mo ang anak mo? Ingatan mo din ang sarili mo, mentally. Anak dito lang kami. " pag alo ni Ptr.Viviene Luha lamang ang tinugon ni Threena sa sinabi ng pastora nya. "Pero anak, karapatang malaman ni Dexter na sya ang tatay ng anak mo.Hindi ko alam ang dahilan mo para itago sa kanya ito, pero magandang pag usapan nyo. Sa nakikita namin, mahal ka nya at handa ka nyang tanggapin kahit hindi kanya ang bata." payo ni Ptra.Viviene. "Ptra. paano ko pakikisamahan ang tao na pinagkatiwalaan ko ng tunay na ako pero sa loob loob pala nya masama akong babae.Hindi ako perpekto pero hindi po ako masamang babae. Nagkakasama kami na parang ok pero pakawalang babae pala tingin nya sa akin at kung kani kaninong lalake na ako sumasama.Hahayaan ko nalang po na isipin nya ang mga gusto nyang isipin. Hindi ko po ipapaalam na anak nya to." saad ni Threena. Sa mga oras na iyon, dumating na si Dexter at narinig nya ang rebilasyon ni Threena.Natuwa man sya dahil anak nya ang dinadala ni Threena pero nanlambot ang kanyang mga tuhod sa ginawa nyang pagpapahirap sa kalooban ni Threena na lihim din nitong dinala. LUMAYO si Dexter sa hamba ng kwarto at nagtungo sa billing dahil irerelease na din si Threena sa araw ding iyon. Matapos magbayad, naupo sya sa bakanting upuan at inisip ang kanyang mga narinig at nangingilid ang kanyang luha. "Sorry Threena, sorry anak. Aayusin ko ito. Gagawin ko lahat para makabawi sa inyo lalo ngayon na ako pala ang may pananagutan sayo Threena. Gagawin ko lahat para maalis na sa isip at puso mo ang mga sinabi kong hindi magaganda sayo. Threena, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo. Magpapakatapang na ako. Anak, aalagaan ko na kayo ng mama mo, kahit ayaw ipaalam ng mama mo sakin na ako ang papa mo, hindi ko kayo iiwan", sambit nito sa sarili na hindi mapigil ang pagluha. Dumating ang mommy,daddy at 2 nakatatandang kapatid ni Threena na nasa ganun syang stado. "Dexter? Bakit ka umiiyak?", Tanong ni mommy eve na nag aalala. "Dexter, umamin ka? mangyare ba sa anak at apo ko? Dexter?", sunod na tanong ni daddy fed kay Dexter. "Wala po. Ok po sila. Nasa loob lang po kasama si Ptra. Viv "E bakit ganyan ang iyak mo? nakakakaba ka naman. Para kang namatayan.Akala ko kung ano ng nagyare sa anak namin. Papatayin mo ako sa takot," saad ni mommy eve. "Sya nga pala sila Robert at Lanie, mga kapatid ni Threena, ngayon mo lang sila nakita," pagpapakilala ni daddy FRed. Dexter, thank you at naisugod mo ang kapatid namin agad kagabi", saad ni Robert kasabay ng pakikipagkamay. "Salamat sa pag aalaga mo sa kapatid namin. Dexter.Lagi nalang sya ang nag aalaga pero walang nag aalaga sa kanya", . Thank you uli. Malaki pagkukulang namin ni kuya sa kapatid namin mabuti at may kaibigan sya na tulad mo.",tugon ni Lanie kasabay ng pagdaop palad din nila. "Wala pong ano man, sya nga po pala binayaran ko na po ang bill nya, maya maya din po pwede na syang iuwi", sagot ni Dexter. "Nako, kaya ka ba umiiyak kanina? pasensya ka na, magkano ba para mabayaran namin," sagot Robert. "Ay hindi po kuya, wag nyo na pong isipin yun maliit na halaga lang naman po. Halika po, nasa loob po si Threena, hinihintay kayo." aya ni Dexter "Hindi, malaking pabor na nandito ka para sa bunso namin kaya hindi pweding pati ikaw ang sasagot ng bayarin." ani ni daddy Fred "Sya nga naman Dexter, nakakahiya na sayo", sambit ni Lanie "Ok lang po. wala po sakin ito talaga,'' sagot ni Dexter "Oh sige hindi na kami magpipilit. Pero thank you ah", sagot at akbay ni Robert kay Dexter. "Sana kasing bait mo din ang ama ng pinagbubuntis ni Threena Dex", ani ni mommy Eve. "Hindi pa ba nagpapakita yung damuhong na yun kay Threena?", tanong ni Robert sa mommy nya. "Ayaw din ni Threena. Madalas nyang sabihin sa amin noon na ayaw nyang mag asawa. Gusto lang nyang magka anak. Ayaw na nyang magmahal uli, siguro natruma na sya sa mga naging karelasyon nya. Nirerespeto namin ang gusto nya", sagot ni mommy Eve. "Kawawa naman ang bunso namin ", naluluhang sambit ni Lanie na naluluha. "Babawi tayo sa kanya.Babawi tayo lanie sa bunso natin", sagot ni Robert. "Oo kuya'', tugon ni Lanie at napaakap sa kanyang kuya. Yumakap din ang kanilang mommy at dahil hindi makatayo ang kanilang daddy, lumapit sila sa kanilang daddy na naka wheelchair at nagyakapan. "Excuse me po," putol sa kanila ng isang dumadaan dahil nakaharang na sila sa daanan. "Ay pasensya na po", sambit ni Lanie at silay nagsitabi "Tara na bago pa tayo palabasin ng guard" ani ni Robert. At sila'y nagpatuloy sa paglalakad papuntang kwarto ni Threena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD