Callousheart 18

915 Words
chapter18 Sa loob ng private room ni Threena, naroroon si Ptra Viviene at ang Ob ni Threena "Ligtas naman ang baby mo sa panganib kaya wala kang dapat ipag alala. Mukhang healthy naman sya. Gusto mo na bang makita ang gender at mukha ng baby mo? Ay schedule mo naman sa akin ay by Thursday pa, 3 araw lang naman din pero since andito na kayo. Pwede naman ngayon na", ani ng OB "Talaga doc, sige po!", Masiglang sagot nito sa doctor "Sige ipahahanda ko lang, susunduin kayo ng nurse dito mamaya", ani ng doctor "Thank you po doc", sagot ni Threena Nasa ganung sinaryo sila ng pumasok ang pamilya ni Threena at ni Dexter at binati nila ang papalabas na doctor. Mas lalong nagliwanag ang mukha ni Threena ng makita ang kanyang kuya Robert at ate Lanie na matagal tagal ding panahon nyang hindi nakita. Itinaas nya ang kanyang kamay para yakapin ang hindi inaasahang mga bisita. "Bunso, namiss ka namin", ani ni Lanie at nagyakapan silang tatlo "Miss ko na din kayo kuya, ate", ani ni Threena "Hindi ka na ba nagagalit sa amin ni ate bunso?", tanong ni Robert "Hindi naman ako nagagalit sa inyo, tampo pero wala na yun. Ang mahalaga nandito kayo kasama ko", sagot ni Threena "Kung hindi pa makipagbuno sa magnanakaw ang kapatid nyo at maospital" ani mommy eve "Mom", awat ni Threena at mahigpit na niyakap ang kuya at ate nya na parang bata. "Ano palang balita ng doctor?", tanong ni daddy Fred. ''Ok na naman po ang lagay ng bata, wala pong dapat ipag alala.", sumagot si Ptra Veviene dahil abala ang tatlong magkakapatid na maglambingan. "Ayyy good morning Ptra pasensya ka na, hindi ka namin agad napansin. "Ok lang po, nakakatouch nga po ang mga anak nyo", saad ni Ptra.Veviene "Yes, ganyan talaga sila nung mga bata pa. Spoiled nila ang bunso nila. Namiss nila ang isat isa", sagot ni mommy Eve "Sya nga po pala, sabi ni doc pwede ko na daw po makita ang mukha at gender ng baby ko.", masayang balita ni Threena "Talaga ba maganda yan, siguro kasing ganda ka ng baby mo?" tugon ni Robert "opppss, feeling ko lalake sya dahil napanaginipan sya noon. sabi nya 'hindi na ako mag iisa, hindi na ako malulungkot at mamahalin nya ako forever, hindi lang malinaw ang mukha pero lalake ang kausap ko dun ", sagot ni Threena "Sorry tlga Threena, iniwan ka namin", ani ni lanie. "Ate....." putol ni Threena sa kapatid na naguguilty. Pumasok ang nurse para sunduin si Threena at samahan sa Ultrasound. Present ang buong pamilya ni Threena, Ptra Viviene at Dexter kung saan gagawin ang ultrasound ni Threena. Tinabingan lamang ng OB ang kalahating parti ng katawan ni Threena upang hindi ito lantad sa paningin ng mga kasama nito. Excitement ang mababanaag sa mukha ng mga tao ng makita at maipaliwanag ng doctor kung ano ang nasa monitor. Walang luhang lumabas sa mata ni Threena, marahil ay dahil sa naubos na ito sa kakaiyak ngunit makikita sa kanyang mga mata ang labis na ligaya. Maging ang pamilya ni Threena at si Ptra.Viviene ay ganun din tanging si Dexter lamang ang parang water falls ang luha ngunit makikita din ang labis na ligaya. "Healty baby Girl, Congratulations Threena," saad ng Ob nito. Sabi na sayo Threena, girl ang pamangkin namin", saad ni Robert. "Ito po, ipapakita ko lang ang mukha ni baby, mmmmmmm ok ang kanyang heart bit, ito po".ani ng doctor at lumabas sa monitor ang malinaw na mukha ng baby at doon ng naluha si Threena "Ang ganda ganda ng apo ko, ang tangos tangos ng ilong", saad ni mommy Eve "Oo nga ang tangos ng ilong, hindi mo ilong ito Threena. Ok ka din pumili ng tatay ahh.." tukso ni Lanie Nagtawanan sa loob ng laboratory. Si Threena na napapamoment na ay natawa na sa biro ng ate. "Salbahe ka ate!," sagot ni Threena at nagtawanan silang lahat maliban kay Dexter. Kay Dexter nakuha ang ilong ng baby nila. Mukhang sa kanya nakuha maging bibig nito. Lalong umagos ang luha sa mata ni Dexter habang nakatingin sa motor. "Bro, ok ka lang? Pansin namin mas affected ka pa kay Threena", tanong ni Robert "Wala po, masarap po pala sa pakiramdam", sagot ni Dexter "Lalo na kung sarili mo ng anak, ganyan ang pakiramdam ko nung makita ko itsura ng anak ko sa monitor", ani ni Robert Nagkatinginan lamang si Threena at Ptra Veviene. " Anak Dexter, Ptra Viv sa bahay na po kayo maghapunan mamaya ni pastor," aya ni mommy Eve "Sure po mommy eve, pero may pupuntahan lang po kami ni pastor tapos sa inyo na po kami maghahapunan'', ani ni Ptra.Viv "Ikaw Dexter, hwag kang tatanggi, malaki ang utang na loob namn sa iyo", sabat ni daddy Fred "Sige po tito. Pero mauna na po muna ako, may aasikasuhin lang po muna ako." sagot ni Dexter "Sasabay na ko sa iyo Dex, idaan mo muna ako sa church.", ani ni Ptra Viv kay Dexter "Sige po aalis na po kami", paalam ni Dexter sa lahat maliban kay Threena na napansin nito "Bye Congratulations Threena, lalo kang mag iingat ah. see you soon, mauna na po kami",Paalam ni Ptra. Viv Lumabas na ng pinto si Dexter at Ptra Viv at masaya namang nagkulitan ang mga naiwan .Pero si Threena ay napaisip "Hind sya nagpaalam sakin?", sambit ni Threena sa sarili nang mapansin na hindi binanggit ni Dexter ang pangalan nya upang magpaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD