Callousheart 19

1047 Words
chapter 19 Nakauwi ng matiwasay ang pamilya Alonzo.Nasurpresa din si Threena nang makita ang kanyang mga pamangkin sina Loyd at baby Amie na anak ng kanyang kuya Robert kasama ang asawa nito na si Emely, naroroon din ang nag iisang anak ni Lanie na si lenlen, wala ang asawa ni Lanie dahil may trabahaho ito. Umabsent naman muna si Robert sa trabaho nito upang makasama ang kanyang pamilya at makapagpahinga din. Masayang masaya si Threena at ang mga magulang nito dahil may ibang boses ng naririnig sa kanilang bahay sa loob ng mahabang panahon. Mabilis at masayang sinalubong ng yakap ni Loyd at lenlen ang kanilang momy Threena.Yes, mommy Threena ang tawag nila sa kanilang tita. Sumunod na sumalubong si Emily karga si Amie Maliit na salo salo ang kanilang hinanda at umorder na lamang ng makakain para sa hapunan. "Wait lang mga bata, dahan dahan lang. Hindi na kayo makakarga ni mommy threena nyo, may baby syang dala", ani ni Robert. "wow, kaya pala malaki ang tummy ni mommy tin", sagot ni Lenlen. "Sana boy para may playmate na ako kasi girl ang sister ko tapos girl din ang cousin ko", sabat ni Loyd "Gusto ko girl", sagot naman ni lenlen Nag aasaran na ang magpinsan ng awatin sila ng lolo nila. "Mga apo, di nyo pa kami ni kikiss ni lola", sambit ni daddy Fred at nagtatakbuhan ang mga bata para magmano at magkiss sa kanilang lolo at lola. "Kamusta ka na Threena", tanong ni Emily "Ayus naman ako ate, buti at nandito kayo. Hindi ko alam, nasurprise talaga ako." saad ni Threena "Actually si Robert dumiretso na kagabi dito nung malaman yung nangyare sayo. Umuwi at sinundo kami para dumito. Alalang ala ang kuya mo kagabi, iyak ng iyak. Di nga nakatulog". "Talaga ate, sorry. Napag alala ko kayong lahat".Ani ni Threena "Mga bata maglaro muna kayo sa labas para makapagpahinga ang mommy tin nyo", ani ni Lanie sa mga batang hawak ng hawak sa tyan ni Threena. Paalis na ang mga bata ng tinawag ni Threena ang mga ito. "Kiss muna si mommy tin", ani ni tin na binasa muna ang labi ng laway bago humalik. Madalas nya itong ginagawa sa mga pamangkin na kinaiinisan naman ng mga ito. "Yakkk mommy tin naman, ang laway laway", ani ni lenlen na unang hinalikan at pinahid ng braso ang pisngi "Loyd, halika dito pakiss", utos ni Threena sa pamangkin na hindi lumalapit. "No mommy tin. No laway!" ani ni Loyd na ayaw lumapit. "Halika dito.... Hindi mo na ko love?" tugon ni Threena sa pamangkin na napilitang lumapit. "hmmmmmmm", matagal na halik na may kasamang mahigpit na yakap. "Tama na mommy tinnnnnnnnn", nagpupumiglas na sabi ni Loyd. Nagtawanan ang mga kapatid at magulang ni Threena sa inasal ni loydat pangungulit ng tita. Lumabas na ang mga bata at naglaro. Samantalang seryoso ang usapan ng mga matatanda sa loob . "Dad, ano na pong nangyare kay Noli. Asan na po sya ngayon?", tanong ni Threena "Nahuli na sya, nabawi na yung kwentas ni daddy." saad ni Robert "Nasaan na po sya?" usisa ni Threena "Nakakulong habang pinag iisipan pa namin ang isasampa sa kanya. Nagmamakaawa nga kagabi, hindi na daw sya uulit." dugtong ni Robert "Kaya dumadami ang kriminal sa mundo e, kung pababayaan lang". saad ni Lanie Lumipas ang ilang oras, maghahapon na ng may narinig silang kumakatok sa gate at si Robert ang nagbukas. Mag aalas sais na ng hapon nang dumating si Dexter sa bahay ni Threena na may dalang 3 pizza box. Nakita nito ang may kaidaran ng babae kasama ang dalagitang tila anak nito na kumakatok sa gate nila Threena. Papalapit na sya ng makitang lumabas si Robert. "Ano pong kailangan ninyo?", tanong ni Robert na nasa harap na din si Dexter "Sir, Ako po ang nanay ni Noli, humihingi po ako ng tawad sa ginawa ng anak ko", saad ng babae na nasa tabi lang nito ang anak na dalagita. "Nanay, nagnakaw po ang anak ninyo, muntik na nyang mapatay ang kapatid kong buntis.Pasalamat nga kayo hindi na namin kayo siningil sa pagpapahospital ng kapatid ko.", galit na sagot ni Robert "Sir parang awa na po ninyo?", pagmamakaawa ng babae kay Robert Nanatili lamang tahimik na nakikinig ni Dexter sa kanilang usapan ng lumabas ibang nasa loob ng bahay kabilang si Threena na napatiningin pa kay Dexter. Sunod na nilapitan ng babae si Threena upang magmakaawa. "Maam Threena, ako na po ang humihinging sorry sa ginawa ng anak ko sa inyo. Patawad po. Kawawa naman po ang anak ko," pagmamakaawa ng babae. Nanatili lamang nakatayo na hindi nagsasalita bagama't nadudurog ang puso nya sa pagmamakaawa ng babae. "Ginawa lang po ni kuya yun dahil kailangan po naming bilhan si nanay ng nebyulizer, hindi na po kasi pinapahiram ng kapitbahay namin," sagot ng batang babae. Napalunok si Threena sa nalaman at hinawakan ang braso ng babae upang itayo ito dahil handa na itong lumuhod sa kanyang harapan. "Nay, sa loob nalang po tayo mag usap",ani ni Threena sa babae "Hindi na po maam, sapat na po sakin na marinig na pinatatawad na po ninyo ang anak ko at makasama na namin sya ngayong gabi", tugon ng babae na may halong pagtatangis. "Ma", paghingi ng pahintulot ni Threena sa kanyang mommy upang hayaan na pumasok ito sa bahay na agad namang tumango. "Sige nay, sa loob nalang po natin pag usapan. Baka tayo pa pag usapan ng mga kapitbahay", ani ni Threena na pumayag naman itong pumasok sa loob. Pumasok na sila sa loob at pinaupo sa lamesa ang babae at ang anak nito at hinainan ni Threena at ng mommy. Tumanggi ang babae ngunit napilitang kumain din sa pagpipilit ni Threena. Nanatiling walang imik ang mga kapatid ni Threena at si Dexter. Tanging si Threena mommy eve, daddy fred at ang nanay ni Noli ang nag uusap. Natapos ang kanilang usapin at napagkaunduan na iatras ang kaso at palayain din sa gabing iyon ang binatang si Noli. Sinamahan ni Dexter si Robert upang pumunta sa prisinto kung saan nakakulong si Noli. Labis labis ang pasasalamat ng ina ni Noli sa kabaitan ni Threena at ng mga magulang nito. Ibinigay pa ni mommy eve ang extrang lumang nebyulizer nya upang hindi na manghiram sa kapitbahay ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD