chapter 20
Sinamahan ni Dexter si Robert at ang mag ina sa prisinto upang palayain si Noli. Hindi mawala sa isip nya ang ginawa ni Threena.
"Bakit ngayon ko lang nakita ang mabuting puso mo Threena. Nabulag ako ng takot at pagdududa sayo. Sana noon pa ko nagkalakas ng loob na subukang mahalin ka" sambit ni Dexter sa sarili habang nagmamaneho. Hindi nito naririnig ang usapan at pagpapasalamat ng mag ina kay Robert.
Nakarating na sa prisinto at napalaya na si Noli. Mahigpit ang yakap ng ina at kapatid sa kanya. Ihahatid pa sana nila ito sa kanilang bahay ngunit tumanggi na ang mga ito.
Pabalik sa sana sila sa sasakyan ng makita ni Dexter ang isang stall na nagtitinda ng mga kumpol na bulaklak. Bumili sya nito.
"Oh para kanino yan?", tanong ni Robert
"Kuya para po kay Threena", nahihiyang sagot ni Dexter.
Hinampas ni Robert sa balikat si Dexter.
"Sabi ko na nga ba may gusto ka sa kapatid ko e, wala kaming problema kung liligawan mo sya", ani ni Robert
"Salamat po kuya", tugon ni Dexter
"Pero alam mo Dex kung ano ang gusto nya?, Tulips na puti, yun oh",turo ni Robert sa dako ng tulips
"Nung nasa college pa sya, binabanggit nya yan sa ate lanie nya na sana matanggap sya ng tulips sa manliligaw nya kaso laging rosas ang nakukuha nya kaya binabasted nya din. lalo na kung red rose. Hindi mo napansin ang wall namin na karamihan tulips ang naka display?" dugtong ni Robert.
"Salamat kuya, ate papalit nalang po nun oh", sambit ni Dexter sa tindera sabay turo sa tulips.
"Sana sagutin ka ni bunso.At ingatan mo sya at tanggapin mo din ang baby nya kahit hindi sayo, yun lang ang hiling ko sayo Dex", ani ni Robert
"Opo kuya, mamahalin ko ng buong buo si Threena at ang magiging anak namin", sagot ni Dexter
Inakbayan lang sya ni Robert bilang pasasalamat.
Pag balik nila sa sasakyan ay pinagplanuhan nila ang gagawin.
Nagkalakas ng loob si Dexter manligaw dahil alam nyang hindi sya mahihirapan sa pamilya ni Threena at tutulungan pa nila ito.
Pagbalik ng bahay nila Robert at Dexter ay alam na ng pamilya ni Threena ang planong pagtatapat ni Dexter kay Threena.
Naroroon na din ang mag asawang pastor kasama ang dalawa nilang mga anak.
Natutuwa ang lahat ng malaman nilang nais magtapat ng pag ibig si Dexter kay
Threena dahil boto din sila sa binata.
Kasalukuyang nagpapahinga si Threena sa kwarto nito ng katukin ng kanyang mommy.
"Anak, andyan na sila Ptr.Art at ang family nya. Nakabalik na din sina kuya mo at Dexter galing prisinto. Bangon na, kakain na tayo'', gisining ni mommy eve
"Ma, napalaya na po ba si Noli, nakauwi na po ba sya sa nanay nya?", tanong ni Threena
"Oo anak, nakauwi na sya, magkakasama na sila", sagot ng mommy nito.
"Mabuti naman ma, naawa po ako sa kanila. Parang ang bigat po sa dibdib na umiiyak ang nanay ni noli. Ganun pala yun mommy noh pag nanay ka na? gagawin mo lahat para sa anak mo kahit ibaba ang sarili para wag lang malayo? ", tugon ni Threena
"Yes anak. Ganun yun. Pero alam mo anak. Naawa din ako kay Noli. Para syang ikaw, gagawin lahat para sa nanay.Tulad ng sakripisyo at pagod mo para sa amin ng daddy mo. Hindi ko alam kung gaano na kalaki o kadilikado ang ginawa mo ng lihim para maisalba kami ng daddy mo?, pero thank anak. Sobrang thank ako sa Lord dahil binigyan nya ako ng napakabuting anak at magiging mabuting ina din. Kaya anak nung makita kitang mawalan ng malay kagabi, akala ko mawawala ka ng tuluyan. Anak mahal na mahal kita. Kaya anak ang gusto ko ngayon, maging masaya ka na, lumigaya." sambit ni mommy eve sabay akap.
"Ma masaya naman ako ahh, lalo na ngayon, andito na si ate at kuya. at bumubuti na kayo ni daddy." tugon na Threena
"Alam namin yun. Pero ang gusto namin, yung may mamahalin ka na, yung may mag aalaga na sayo,sa inyo ng magiging apo ko. Anak laging ikaw ang nagpapasaya sa ibang tao, sana may magpasaya na saiyo. At sana tanggapin mo ang taong iyon na gusto kang mahalin at pasayahin.".saad ng kanyang ina
"Mommy naman, para naman pong mag aasawa ako nyan at hinahabilinan na ninyo. Wala pa po akong boyfriend.At sinong tatanggap sakin? instant baby, buy 1 take 1 at Wala pang nag aapply with complete requirements sss,PAG IBIG,
philheath,savings at titulo ng lupa.", pagbibiro ni Threena.
"Puro ka kalukuhan, mag ayos ka na at naghihintay na ang mga bisita'', utos ni mommy eve.
Tumayo at nag ayos na si Threena ng sarili habang iniisip ang sinabi ng kanyang mommy. Sa kanyang pagbaba ay binati sya at niyakap ng pamilya ni Ptr.Art at Ptra. Viviene.
"Anak Threena, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Ptr.Art
"Mukhang bagong gising ka ah, pero maganda ka naman?", tanong ni Ptra Veviene na napansin ang ganda nito na bagong gising.
"Thank you po, pasensya na po kayo kung napag antay ko kayo. Kanina pa po ba kayo?, pag aalalang tanong ni Threena sa mga bisita.
"Hi ate Threena", bati ng dalawang anak na dalagita nina Ptr.art at Ptra Veviene.
"Hindi naman, halos kararating rating lang din namin", sagot ni Ptra.Veviene.
Halika na po kayo sa lamesa, nakahanda na ang pagkain sa lamesa", ani ni mommy eve.
Nakaakbay na naglakad patungong lamesa si Ptra Viv kay Threena. Napansin ni Threena na simula nang dumating si Dexter ay hindi sya nito binati maging sa ngayon na nakita nya itong muli mula sa pagsama nito sa kanyang kuya.
Nakakaramdam man sya ng inis ay pinilit nyang huwag ipakita sa ibang tao.Nagsi upuan na sila sa mga bakanting upuan ngunit nagtataka si Threena kung bakit walang gustong tumabi sa kanya sa kaliwa kahit anong aya nya sa mga ito.Doon naupo si Dexter ng tahimik at hindi tumutingin kay Threena. Kapansin pasin ang ngiti na tila kinikilig sa nakikita ng ilang mga kasama nila sa hapag.
Nag alay ng panalangin si Ptr.Art para sa pamilya Alonzo sa pagsasalo salo at kay Threena na hindi maitago ang maririnig na hagik ikan kahit nakapikit " NAWA AY MATAGPUAN NA NI THREENA ANG TUNAY MAGMAMAHAL SA KANYA AT MAGING MASAYA SYA FOREVER...
"Ano ba yan Ptr. kinilabutan naman ako pati ba naman sa prayer naisingit nyo yun?", ani ni Threena at nagtawanan silang lahat.
Masayang kumain, nag asaran at kwentuhan ang lahat maliban kay Dexter na medyo balisa. At kapansin pansin yun kay Threena dahil magkatabi lamang sila.
Paminsan minsan ay tumitingin ito rito at napansin nya ang isang sobre na nakaipit sa ilalim nito.