Episode 1.

1315 Words
“Congratulation Damien!” Ani Kent. “ Congrats Bro!” Ani ni Terence sabay akbay nito sa kanya. “Thank’s mga Bro!” “Na sayo na ang lahat bro! Mag asawa kana.” ani Leonard ang pinaka good boy sa kanilang apat, natagpuan na kasi nito ang babaing makakasama habang buhay. “Anu ka ba naman Leonard?! Sakit lang ng ulo ‘yan mga babae! May pera naman si Damien kaya niyang mag bayad sa tuwing makakaramdam siyang init ng katawan.” “Iba parin ang may inspirasyon at may mamahalin. Tingnan mo ko ngayon! I’m In love and happy with my married life.”ani Leonard “ Naku tingnan mo nga itong si Terence, laging masakit ang ulo sa mga nagiging girlfriend niya...” “Naku huwag na nga kayong mag away Kent, Leonard. Masaya akong tumikim lang ng iba’t ibang klase ng putahe. Kapag may gusto akong babae pwede ko agad makuha masaya naku sa ganyan.” “ Sabi ko sayo Leonard… Damien is Damien! Hindi mag seseryoso ‘yan sa babae! NEVER!!!” palatak ni Kent. “ Believe me bro, kapag natagpuan n’yo na ang the one malalaman n’yo agad kapag siya na. Gusto ko lang naman maexperience n’yo ang naramdaman ko, it’s like you’re in a magical moment or something basta ganon ang hirap i-explain ng feeling basta kapag nandoon na kayo, mararamdaman n’yo nalang iyon bigla.” ani Leonard. “ Naku, simula ng ma inlove ‘tong si Leonard the f**k boy, naging makata narin! At saka may pa magical magical moment kapang nalalaman Fairy God Mother!” Sabi ni Kent habang nakatawa. “ Naku sinasabi ko sayo Kent one day kakainin mo din lahat ng sinabi mo tungkol sa pag-ibig, hindi mo ba alam na we are all created to love kaya walang imposible pagtinamaan ka.” “ I don’t think so Leonard! Ayokong matali sa babaeng bubungangaan lang ako ng buong araw. Believed nga kami sayo bro! Kasi look at you now maagang umuwi, bihira ka narin naming makasama, at look tumataba kana rin at lumalaki na ang tiyan. ‘Yan ba ang sinasabi mong masaya?” “ Hindi na ako makikipag away sayo bro, but one day believe me masasabi mo rin na ah, ito na pala ang sinasabi ni Leonard at maniwala kaman o hindi! It’s all worth it when it comes to love.” “ Taas kamay na talaga ako sayo bro! Sobrang nabago kana ng pag-ibig. Maybe the married life is destined for you bro, but for the three off us maybe not...” ani Kent. “ Tama na ‘yan mga bro ayokong pag awayan natin ang mga ganyang bagay! Where here para mag celebrate…How about guys we go out tomorrow night to celebrate for Damien new position as a new CEO of Alegre corporation.” ani Terence. “That’s a bright idea Terence, nakakamis narin mag bar sobrang nakaka stress din sa hacienda lately dami ng mga naging problema.”ani Kent. “How about you Leonard? Makakasama ka ba namin bukas?” “ Naku, kung payagan siya ng kanyang misis.” ani Kent. “Yes off course mga bro! Makakapunta ako, but hindi na katulad ng dati maaga narin akong uuwi.” “Okay lang ‘yon at least makakasama ka pa rin namin bro.” “Hindi kaya sunduin s’ya bigla ng misis niya sa bar?” “ SIRA!!!” ani Leonard sabay tapon ng chips kay Kent. Napuno ng tawanan ang country club na madalas nilang pagtambayan ng mga kaibigan… *** “Congratulation Tito Damien sabi ni Mommy ikaw na daw po ang bagong CEO ng kompanya ni Lolo.” ani Kath pamankin niya ito sa kapatid niyang si Amanda. Six years old palang ito pero parang matanda na kung magsalita. Dumalaw ito ngayon sa bahay nila para mag celebrate silang pamilya bilang siya na ang bagong CEO ng Alegre corporation. “Thank’s Kath, how’s your school baby?” pisil niya sa cute na muka nito. “ I’m doing great Tito.” anito na ngiting ngiti sa kanya. “ That’s good baby.” “Mana lang po ako sainyo Tito… Hi Lolo and hi Lola!” Lumapit ito sa Lolo at lola para humalik sa pisngi. “ Congrat’s Bro.” ani Amanda na abot tenga ang ngiti. “Thank you ate Amanda.” “ Asan nga pala si kuya Paul bakit hindi n’yo s’ya kasama ngayon?”nakunot noong tanong niya sa kapatid. “As usual busy parin sa trabaho.” “ Baka naman iba naman ang tinatrabaho ng asawa mo Amanda?” anang Daddy nila. “ We heard na may bago na naman kinalulukuhan iyang asawa mo.” Sabi ni Mommy. “ Saan n’yo naman po nakuha ang chismis na ‘yan?” “ Amanda… Marami kaming naririnig ngayon tungkol diyan sa asawa mo.” “ Mom… Wala pong katotohanan ang mga ‘yan! Marami lang po talaga ang gusto manira sa kanya, lalo pa ngayon na may mabigat siyang kalaban sa politics ngayong darating na election.” “ Hija… Ayaw lang namin na madehado ka pag dating ng araw, at ayaw naman namin na wala lang kaming ginagawa pamilya mo kami and we care for you a lot especially sa apo namin. “ “ Mom… Huwag po kayong mag alala sa’kin, maayos po ang pamilya namin ngayon.” “ Ikaw naman kasi sa dami ba naman ng nanliligaw sayo-” “ Mom…” sumenyas ito para tumigil at tumingin kay Kath na ngayon ay palipat lipat ang tingin sa kanila. “ Basta hija! Nandito lang kaming pamilya mo magsabi ka lang kapag kailangan mo ng tulong.” “ Yes Mom!” “ Kaya nga itong kapatid mo si Damien, binigay ko na sa kanya ang posisyon ko para naman mag seryoso na sa buhay.” “ Damien anak… Stop playing with the women around, maghanap kana ng magiging inspirasyon mo. Tingnan mo ang kaibigan mong si Leonard He had a good wife, at successful ang married life niya. Pati ang kanyang career ay successful at the same time, because he got an inspiration.” “ Si Leonard ang tularan mo hindi ‘yong dalawa mong kaibigan na parang walang balak mag asawa! Tumatanda kana Damien. Kailan ka pa mag se-seryoso kapag uugod ugod kana?” Ito rin ang pinaka ayaw niya kapag magkakasama silang buong pamilya. Dahil pagkatapos nilang pagsabihan si ate Amanda, ay sa’kin na matutuon ang atensyon nila at ako naman ang pag sasabihan nila paulit ulit nalang itong nangyayari . Sa totoong lang ay nagsasawa narin s’ya pero wala siyang magawa kundi padaanin nalang sa kabilang butas ng tenga lahat lahat ng mga sermon nila. “ That’s right little bro, tumatanda kana hindi kana buma bata. Tama naman si Daddy at Mommy mag asawa kana kasi bigyan mo na sila ng apo.” At ito pa ang pinaka ayaw niya sa lahat ang pilitin s’ya sa ayaw niyang mangyari ang pag aasawa… “ I’m turning thirty palang naman bata pa kaya ako.” “ Little bro…kailan pa kapag tumuntong kana sa idad na forty? Lolo kana ng magiging anak mo niyan.” “ At ito ang tatandaan mo Damien may kapatid kang babae, at babae din ang pamankin mo. Kaya itong asawa ng ate Amanda mo ang lakas lakas ng loob mambabae, kasi alam niyang ganon ka din. At ang ate mo ang lahat ng nag sa-suffer ng mga kagagawan mo sa mga babae! At Damien ito ang pakatatandaan mo ikaw ang po-protekta sa kanila. Iyan ang palagi mong tatandaan! Kaya please hijo magtino ka na naman.” pakiusap ng Mommy niya. Ito na naman ang Mommy niya, sa kanya na naman sinisi ang lahat ng mga nangyayari pati sa kapatid n’yang si Amanda kasalanan ba niya na ubod ng babaero ang asawa nito. Tahimik nalang siya kapag ganito na ang usapan, dahil panigurado na hindi naman siya mananalo sa mga ito… ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD