Episode 2.

1372 Words
“OMG Crystal!” masaya at kinikilig na bungad ni Angel sa kanya. “Oh, Bakit anu na naman nangyari sayo, Angel?” kunot noong tanong niya. “Nakasabay ko na naman siya sa elevator kanina, Girrrl!” napatili pa ito ng baghaya sa sobrang kilig. Nagkita sila ngayon dito sa starbucks ng kaibigan. Isang linggo narin ang nakalipas ng matapos ang graduation day nila sa university, same school sila pero magkaiba sila ng kursong kinuha. Ito kasi ay gustong makapasok sa fashion industry kaya sa fashion design ang kinuha nitong kurso , at siya naman ay major in Marketing. Magkababata sila nito at magkaibigan simula noong nasa day care palang sila. “Oh, tapos? Kinausap ka na ba niya?” “Hindi pa! Pero ngumiti siya sa’kin bago siya lumabas ng elevator, so I think napapansin narin niya ako diba?” “ Ngumiti lang pala eh, kala ko naman kinausap kana niya.” “Atleast diba, kahit papaano naman ay ngumiti na siya sa’kin, ilang buwan narin ang nakalipas ng maging kapit bahay ko siya. At saka alam ko narin ang pangalan niya ngayon sa wakas.” “ Anu?” “ Terence…Terence Cordova girl ang name niya! Tinawag kasi siya kanina ng guard so ayon nalaman ko.” “ Naku mukang pangalan palang n’ya ay mahilig na sa babae.” “ Okay lang! Eh, gwapo naman kasi talaga siya girl so malamang marami talagang babae ang lalapit. At saka girl kung makikita mo lang ang mga kaibigan ni Terence lahat sila ang ga-gwapo sobra para silang mga bida doon sa Flower four na teleserye...” “ Hay, naku hindi ako mahilig sa gwapo sasakit lang ulo ko sa mga ‘yan!” umikot pa ang mga mata niya sa iri. “ Anu ka ba girl? Kailan ka ba mag bo-boyfriend? Kapag expired na ang matres mo? Buti pa ako nagka boyfriend na dati.” “ Oh, tapos? Diba umiyak iyak ka lang din noon.” “ Atleast, naexperience ko! Eh, ikaw? Kailan ka ba magreresign bilang head ng NBSB?” “ Alam mo naman na ayoko talagang ma- stress sakit lang ng ulo ang mga lalake na ‘yan!” “ Hay naku Crystal, graduate na tayo! It’s time to shine! Bigyan naman natin ng kulay ang love life natin, bago tayo mamaalam dito sa mundo. Maiksi lang ang buhay, remember?” “ Masaya naman ako Angel!” “ Ayokong tumandang dalaga ka Crystal. Ayoko ‘yon! Gusto ko na parehas tayong maging masaya someday with our love ones!” “ Ayaw mo noon ako nalang mag-aalaga ng mga magiging apo mo!” “ CHE!!! Alam ko na Girl… Mag bar kaya tayo mamayang gabi? What do you think? Huwag kanang umuwi mamaya.” “ OMG girl! Ayoko nga! Mas masarap pang manood ng movie sa bahay kaysa pumunta sa mausok na lugar na gaya ng bar.” Umiling iling siya sa gustong mangyari ng kaibigan. “ AY! Napaka OA naman nito! Bago lang naman sana tayong magsimulang magtrabaho. Sigurado kasing magiging busy naman tayo niyan sa kanya kanya nating mga career lalo kana dahil sobrang workaholic mo. Sige na naman Crystal oh, huwag OA!” “ Hindi ako papayagan nila Papa at Mama sa ganyang klase ng lugar alam mo naman ang mga ‘yon diba?” “ Ako ng bahala ipapag paalam naman kita sa kanila alam mo naman na malakas ako kina Tito and Tita. Saka doon kana matulog sa condo total sobrang lapit lang naman ng bar napupuntahan natin sa condo ko. Para hindi narin sila mag alala pa sayo! Oh anu payag kana ba?” “ Makakahindi pa ba ako? Naplano mo na ang lahat.” “ Yeheyyy! Sa wakas naman makakalabas tayo mamaya.” Ani Angel na abot tenga ang ngiti. Mag isa lang si Angel dito sa pilipinas dahil nasa new york na ang buong pamilya nito, kaya sila ang tinuturing na pamilya ni Angel dito sa pilipinas. Ayaw naman nitong sumunod doon dahil mas gusto talaga nito dito sa pinas. Kaya madalas itong nasa bahay nila at madalas din siyang pumunta sa condo nito… *** Hindi siya mapakali habang hinihila pababa ang suot na damit, at umikot ikot siya sa harap ng salamin para tingnan ang likod, tagiliran at harap. “ Naku anu ba ‘tong mga damit mo Angel? Ang iiksi kulang nalang makita na pati ang kaluluwa natin.” Halter dress na bakat na bakat sa katawan niya ang suot kulay itim iyon na hanggang tuhod. First time niyang magsuot ng ganito dahil sobrang istrikto din ng parents niya lalo na pagdating sa mga isunusuot niyang damit siguradong hihimatayin ang dalawang iyon kapag nakita s’ya naganito ang suot suot. “ Syempre gagala tayo alangan naman nakasuot tayo ng mahabang palda at long sleeve. Girl baka naman pagtinginan tayo sa bar kasi para tayong magsisimba. At saka paano tayong makakapag attract ng mga boy’s n’yan? Kung muka tayong mga manang.” “ Saka ang kintab ha! Mukang sasayaw naman tayo sa bar nito! Kaloka ka girl!” “ Bagay naman sa lugar girl! Magba-bar hoping kaya tayo hindi tayo pupunta ng simbahan o museum. At saka ang ganda ganda mo kaya Girl! Sigurado kung noon kapa nagsuot ng mga ganyan klase ng damit nagka boyfriend kana man siguro kahit papaano.” “ Ayoko naman talaga mag boyfriend noon kaya wala talagang manliligaw basted agad sila sa’kin.” “ Saka paano kana man talaga maliligawan? Eh, napaka perfectionist mo kaya takot silang manligaw sayo dahil bukod sa sobrang talino mo president kapa ng university. At takot na takot sila sa mga magulang mo ang Mama mo na head ng guidedance counselor ng university natin, at ang Papa mo naman na Judge. Lagi pa silang nakabantay sayo! Oh diba sinong hindi mamatakot? Ako nga lang ang friend mo sa school! Dahil takot lahat sila sayo.” “ Hoy sobra ka naman!” “ O-o nga! Kaya ngayon swerte mo na wala ng makakakilala sayo…at panigurado naman na hindi na ganon kahigpit sina Tito and Tita sayo, dahil graduate kana! Magbagong buhay kana Girl para naman magka love life kana!” “ Naku tigilan mo ko dyan… Kung hindi lang talaga kita best friend, hindi hindi talaga ako mag-susuot ng damit na ‘to at hindi rin ako pupunta ng bar!” “ Ito talaga! Saka wala ka din naman choice ako lang naman ang kaibigan mo.” “ Bakit ikaw may choice ka din ba?” “ Wala natakot narin sila sa’kin dahil kaibigan kita eh… Kaya nga kahit ang taray mo minsan, ay tiis ganda nalang ako sayo!” “ Wow ha?” “ Joke lang, swerte ko kaya na magkaroon ng kaibigan na president at zuma c*m laude, anak pa ng Judge…” “ SIRA!” “ Tara na nga at baka doon ko pa mahanap ang destiny ko.” “ Sus, kala ko ba ay si Terence ang gusto mo?” “ O-o pero malay mo naman may ma meet akong iba ngayong gabi. Diba?” “ Sira! Hindi ka pala faithful sa crush mo.” “ Crush lang naman eh.” “ Tara na nga!” Dahil malapit lang naman ang Bar sa condo ni Angel ay naglakad lang kami mga dalawang kanto lang naman ang layo. Saka nag eenjoy din kami habang nag kekwentohan sa daan, marami din mga business establishment sa paligid kaya maraming tao. “ OMG girl! Tara na!” excited na sabi ni Angel. Hinila siya nito ng makita nila ang mga tao sa loob na nagkakasiyahan, ang iba masayang nagke-kwentohan lang. At ang iba ay sumasayaw ng bongga sa dance floor at meron din tahimik lang na umiinom. Hindi talaga niya gusto ang ganitong amoy, amoy alak at sigarilyo kahit pa sabihin na mga disente at mayayaman ang nandito ngayon. Dahil sobrang sensitive talaga masyado ng ilong niya sa mga ganitong klase ng amoy. Pag pasok palang nila ay medyo nahilo na agad siya. “ Okay ka lang Crystal?” tanong nito ng mapansin na napahawak siya sa kanyang sentido. “ O-o ayos lang ako, medyo nahilo lang ng kunti.” “ Tiisin mo nalang muna ang amoy ngayon lang ‘to! Halika na order na tayo ng inomin.” Hila nito sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD