Episode 3.

1321 Words
“ Hi girl’s.” “ Uy, bakla andito ka din?” gulat na tanong ni Angel. “ O-o mga bakla. Kasama ko din ang mga friend’s ko andoon sila, gusto n’yong mag join samin mukang kayong dalawa lang kasi ang magkasama?” “ Sure Ethyl, mukang masaya kapag mas marami tayo! Diba Crystal?” “ Yup, sure!” aniya sabay ngiti. Schoolmate nila itong si Ethyl or tawagin natin sa totoong pangalan Emanuel. Kilala niya ito personally isa ito sa mga officer niya noon ng siya pa ang president ng university. “ Himala at nandito ang zuma c*m laude at ex-president ng school, at in fairness naman sayo ang ganda mo ngayon Girl! First time kitang makitang ganyan ang suot mo! Grabi you’re so Fuckin hot girl, buti nalang at babae din ako kung hindi I crush you na...” Malanding sabi nito sa kanya habang hinahagod siya nito ng tingin. “ Syempre… Malakas yata ako sa best friend ko kaya ayan nadala ko siya dito at napasuot ko pa siya ng ganyan! Achievements ‘to bakla!” ani Angel. “Tama! At saka bakit kayo nandito? Maghahanap na ba kayo ng mga magiging Jowa n’yo?” “ Yes!” malanding sabi ni Angel. “ Hoy! Hindi anu ka ba…nandito kami ni Angel para mag celebrate. Tsaka next week mag sisimula narin ako sa bago kong work kaya pinagbigyan ko na itong lumabas kami ngayon.” “ O-o nga pala buti kapa may work kana agad at take note sa isang sikat pang kompanya, kami maghahanap at mag a-aply palang. Mapapa sana all ka nalang talaga… Sana all anak ng Diyos maganda na matalino pa!” ani Ethyl. “ Makakahanap din naman kayo, kayo pa ba.” Aniya. Nagulat sila ng biglang tumili si Angel. “ OMG… Girl nandito si Terence kasama ang mga kaibigan niya.” Sabi ni Angel habang halos himatayin sa kilig habang nakatingin sa entrance ng bar. “ Sino naman sila?Asan ba? kunot noong tanong ni Ethyl. “ Ayon sila!” nakangusong sabi ni Angel. “ Ay mga fafa bols…Sino sila girl? At ang ga-gwapo naman!” napatili din na sabi ni Ethyl. “Tumpak bakla ang ga-gwapo talaga nilang lahat! ‘Yon naka blue shirt nakatira siya sa katabing unit ko!” “ Ang swerte mo naman girl may kapitbahay kang ganyan ka gwapo..Hmmm! Ingit naku sayo!” ani Ethyl. “ Swerte ko talaga, saka crush ko ‘yan bakla! Kaya huwag kana sa kanya don kana sa ibang friends niya.” “Kahit sino sa kanila lahat naman ang ga-gwapo! At ang swerte natin ngayong gabi ang ganda ng tanawin.” kinikilig na sabi ni Ethyl. Nakita niyang para nag slow motion pa ang pag pasok ng apat sa loob ng bar at oo aaminin niya ang ga-gwapo talaga nilang lahat. Pero sa tingin niya ay mga playboy ang mga ito, dahil sa mga perpektong itsura nila. ‘Yon isa hindi niya masyadong makita ang muka, naka sombrero kasi ito at nakatingin sababa habang papasok ng bar. “ Mukang magiging napakasaya ng gabing ito mga bakla.” Ani Angel. “ Korek, let’s enjoy the night!” “ Yes mga bakla… Let’s enjoy the night!!!” ani Ethyl na tinaas pa ang dalawang kamay habang winawagay way. Hindi niya alam kung anung klase bang inomin itong ibinigay sa kanya ni Angel pero masarap. Hindi din naman ito ganoon ka pakla ang lasa, kaya nilagok niya ito ng diretso ng isang inuman lang. Sumasayaw sila sa dance floor tinudo na nila ni Angel ang pagsasayaw kasama ang mga kaibigan ni Ethyl nawala narin ang hiya hiya niyang nararamdam kanina, siguro dahil narin sa nainom n’ya. Masaya pala pag ganito ‘yon parang gusto mo lang sumayaw ng sumayaw. Bigay tudo siya sa pag sasayaw hanggang hindi na niya napansin ang nasa likuran niya tumama siya sa likod ng isang lalakeng naka sombrero. “ Ay so-sorry po!” Lingon niya sa lalake na mukang hindi rin naman s’ya pinansin. At sumayaw ulit siya ng walang tingil kahit medyo nahihilo na siya dahil sa pagyug-yog ng katawan at mukang tumatalab narin ang alak na ininom niya kanina. “ Wait…wait, wait nahihilo ako!” tumigil s’ya sa pag sasayaw at napahawak sa ulo. “ Okay ka lang ba Crystal?” nag aalalang tanong ni Angel. “ O-o okay lang ako nahihilo lang ako Angel.” “ Isang lagok lang kasi ang ginawa mo sa mixed juice with tequila kanina eh.” “ Ang akala ko kasi mild lang ang tama noon, parang juice lang di kasi ang lasa.” “ Anu kaya mo pa ba?” tanong ni Angel. “ O-o mauupo lang muna ako doon.” Sabay turo sa may table nila. “ Okay sige halika na girl hatid muna kita doon para makaupo kana ng maayos.” Hindi pa siya matagal na nakaupo at umalis din agad si Angel, nang may biglang lumapit na lalake sa kanya. “ Hi miss bakit mag isa kalang dito?” Tiningnan niya ito muka itong lalake na walang magandang gagawin. Tadtad pa ito ng hikaw sa tenga at amoy sigarilyo at alak pa ang hiniga nito, na kahit na nga malayo naman sa kanya ay amoy na amoy parin niya. “ hindi ako nag-iisa may mga kasama ako andon sila sa dance floor.” “ Pwede kitang samahan dito miss habang wala sila…Im Rj nga pala.” nilahad nito ang kamay sa kanya. Tiningnan n’ya lang iyon, pero mas lumapit pa ito sa kanya, kaya mas lalong naamoy niya ang halo halong amoy nito na mas lalong nakapag pahilo sa kanya. “ Pwede ba hindi ko kailangan ng kasama dito, at pwede ba dumistansya ka nahihilo ako sa amoy mo.” “ Ang taray at ang arti mo naman miss! Pero mas lalo kang gumaganda kapag ganyan ka, gusto ko lang naman magpakilala sayo eh.” Hindi na talaga niya matagalan pa ang amoy nito kaya kailangan na niyang mapaalis ito ngayon din, bago pa siya mamatay sa amoy ng hininga nito. “ Pwes I’m not interested. Pwede ba iwanan mo nalang ako dito mas gusto kong mapag isa.” “ Aba at pakipot ka pa miss! Alam kong gusto mo rin naman ako...” Hahawakan na sana siya nito ng biglang may kamaong dumapo sa muka nito. Ayon sapol sa muka at biglang natakot ang lalake at dali daling itong kumaripas ng takbo habang sapo ang mukang tinamaan ng kamao. Hindi n’ya masyado makita ang muka ng lalake tumulong sa kanya dahil sa nakasuot ito ng itim na sombrero pero matangkad ito at maganda ang pangangatawan. “ Okay ka lang ba miss?” tanong nito. “ O-o okay lang ako maraming sa-salamat sayo.” “ Next time, huwag kang mag so-solo. Maraming manyakis dito.” “ O-o salamat uli!” Mabilis din umalis ang lalake at hindi na niya ito nakita ng pumunta ito sa gitna ng maraming taong sumasayaw. “ Girl anung nangyari? Nakita kita sa malayo. Hindi ako nakalapit agad sa dami ng tao.” takang tanong ni Angel. “ May lalake kasi kanina bastos! Buti nalang may dumating agad na lalake, tinulungan n’ya ako!” “ Anu gusto mo na bang umuwi na?” “ O-o sana nahihilo narin kasi ako, saka hindi ko narin matagalan ang amoy dito amoy alak at amoy sigarelyo na sa paligid. Pero mukang nag eenjoy ka pa dito eh.” “ Sige ganito nalang Girl…hatid ka nalang namin sa main door ng condo para safe kang makauwi. Dala mo naman ang isa ko pang susi diba?” “ O-o nandito sa pouch ko, sorry ha mag enjoy ka nalang huwag mo akong intindihin matutulog lang ako don.” “ Ayos lang ba sayo?” “ O-o ako nga nahihiya sayo! Hindi talaga ako sanay sa ganitong lugar. Pero sobrang nag enjoy naman ako kanina.” “ Okay Girl…Susulitin ko na itong gabi na ‘to! Maaga pa naman kasi eh!” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD