bc

The Run Away Mafia Boss

book_age18+
3.6K
FOLLOW
14.0K
READ
revenge
dark
second chance
arrogant
mafia
mystery
straight
male lead
realistic earth
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Blurb 

"Where am I?" tanong ng binata  nang magising sa isang kwarto. Nakaupo siya sa isang upuan habang nakatali ang mga kamay. 

Napaingit ang binata matapos makaramdam ng kirot sa likod ng ulo. 

"Magpasalamat ka Crimson nagising pa ang lalaking 'yan kung hindi babalatan tayo ng buhay ni Phoenix. 

"Ha? Sino kayo?" tanong ng lalaki sa dalawang babae na nakatayo sa may pintuan. May suot ito na mga puting maskara na hindi alam kung para saan. 

"Mamatay ka din naman bakit pa kami magpapakilala?" bored na sagot ng babae na may suot na pulang leather jacket bago humakbang palapit sa lalaki. 

"Nasaan ang black list?"

"Tanda hindi ko alam ang sinasabi mo. Anong black list? Katulad ba yan ng menu? Mukha ba akong waiter?"

Gumusot ang mukha ng babae at mabilis na hinablot ang leeg ng binata. 

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo."

"Wala akong pakialam kung mafia boss ka."

"Crimson, huminahon ka. Hindi pa niya nasasabi kung nasaan ang black list."

Binitawan ng babae ang binata na kinaubo ng lalaki. 

"S-Sino ba kayo? A-At anong mafia boss. Hindi ko alam ang sinasabi niyo." habol hininga na sambit ng binata. 

"Holyshit," mura ng isa sa mga babae. 

"Huwag na tayo maglokohan dito. Wala tayo sa pelikula para umarte ka! Papatayin pa din kita kahit hindi mo sabihin kung nasaan ang black list!"

"Ano ba kasing sasabihin ko hindi ko alam kung anong blacklist ang tinutukoy mo?!" asar na sagot ng lalaki. 

"Nagtanong ka pa papatayin mo pa din ako," gusot ang mukha na sambit ng binata.

chap-preview
Free preview
01
Chapter 1 -Uncontrolled 3rd Person's POV Napabalikwas ng bangon ang binata matapos magising ito sa kalaliman ng gabi. Dali-dali nitong dinampot ang isang lalagyan sa itaas ng study table at ininom iyon. Nagsalin din ito ng tubig sa baso na agad din ininom. Pawisan itong napasandal sa headboard ng kama at napasapo sa noo. "Same nightmare," ani ng binata. "Darn," dagdag ng lalaki. Matapos damputin ang t-shirt nito sa ibabaw ng kama naglakad na ang lalaki patungo sa bathroom at nag-shower. -- "Aga mo nagising anak.Nanaginip ka na naman ba ng masama?" bungad ng ginang sa anak na pababa ng hagdan. Madilim pa lang nakabihis na ito at handa na papasok ng opisina. "Wala naman bago ma. Minsan parang ayoko na lang matulog," malamig na sagot ng lalaki. Umupo ang binata sa lamesa at duon pinaghanda siya ng ginang ng pagkain. "Dumaan ka mamaya sa hospital. Magpa-check ka ulit kay Doctor Sorell." "Ma, hindi ko kailangan ng doctor. Wala akong sakit," sagot ng binata. Umupo ang ginang sa tabi ng binata at hinawakan ang kamay nito. "Anak buhay ka. Tapos na iyon at aksidente ang nangyari." "Napagbayaran mo na din iyon sa kulungan," kalmadong sambit ng ginang. Yumuko ang binata kaya hinaplos ng ginang ang buhok ng anak at nilapit nito ang mga hinandang pagkain. "Kumain kana. Alam ko papasok ka pa sa trabaho." "Umalis na ba si papa?" tanong ng binata. "Kauuwi niya lang. Nasa taas na natutulog. Maaga lang ako nagluto since ganitong oras nagigising ka at umaalis," sagot ng ginang. Hindi maiwasan masaktan ng ginang para sa anak. Araw-araw nito nasasaksihan ang paghihirap ng binata dahil sa nangyari 7 years ago. Kinakain pa din ito ng guilty kahit sabihin na wala itong kasalanan sa nangyari. Napapanaginipan pa din ito ng binata kahit matagal na iyong tapos at napagbayaran na niya. "Kuya! Good morning papasok kana ngayon sa opisina?" tanong ni Elija Villiegas. Isa sa triplets ng Villiegas. Bata ng ilang minuto sa lalaki at isa malaki ang pagkakahawi sa binata. "Dapat ginising mo ako papasok kana pala." "Magkatabi lang tayo ng building pero hindi tayo magkatrabaho." "Kahit na! Malungkot bumayahe mag-isa," sagot ng lalaki bago umupo sa tabi ng kapatid at kumuha ng sariling pagkain. Tahimik lang kumakain si Elliseo habang ang ina at si Elija nagku-kwentuhan. Maya-maya nagpaalam na din ito na papasok na sa trabaho. Matapos halikan sa pisngi ang ina naglakad na palabas si Elliseo. 'Ganon ang naging daily routine ng binata na si Elliseo matapos makalabas ng kulungan. Training, pasok sa trabaho, uwi ng bahay at mag-training ulit. Nagsisimula na naman ulit mabagot sa buhay si Elliseo. Minsan naiisipan na din nito tapusin ang sariling buhay ngunit sa kasawiang-palad. Hindi niya pa oras. Ilang beses siya nahuli ng ama na parang may laging mata ang ama sa katawan niya. Dumadating ito tuwing may gagawin siya na masama. "Kuya! Sasabay na ako," ani ni Elija sa kapatid. Imbis sumakay sa kotse nito na nakaparada. Kinuha nito ang sariling bike para sabayan ang kapatid. "Sira na ba ang ulo mo? Gusto mo ba malate?" "Kahit malate ako walang sisita sa akin. Isa pa ilang araw ko na itong ginagawa. Hindi ako nalalate," tatawa-tawa sagot ng binata. Nag-pokerface lang ang lalaki at sumakay na sa sariling bike. Simula ng ma-aksidente si Elliseo. Hindi na ulit ito sumakay sa kotse at motor. Lagi na lang din ito naka-bike kahit saan pumunta. Madalas napagtatawanan siya duon lalo na at isa siya sa tagapag-mana ng mga Villiegas. Nakakadumi iyon sa image ng mga Villiegas lalo na sa mga tao na kahit konti na bagay bini-big deal. Natawa si Elija ng pabilisan ni Elliseo ang pag-pedal. Hinabol niya ang kapatid at nag-race sila hanggang sa makarating sa company nila. "Ako panalo kuya! Treat mo ako ng lunch!" tatawa-tawa na sambit ni Elija. "Sino may sabi na iti-treat kit—." "Salamat kuya! Isusumbong kita kay mama kapag hindi ka pumunta sa company ko at hindi mo ako sinabayan mag-lunch!" sigaw ni Elija matapos magpedal ulit at tahakin ang daan papunta sa sariling company. Napalabi ang binata at naiiling na pinarada ang bike sa pinaka-gilid ng parking lot. Bored na pumasok si Elliseo sa company na pinagkatiwala sa kanya ng ama. "Magandang umaga, Mr. Villiegas," bati ni Creon Griffin. Yumuko ito at may pag-galang na sinundan ang binata. "Sabi ko sayo huwag ka ng pupunta dito diba?" "Pero sinabi ng daddy mo na pumunta ako." "Sino ba binantayan at kaibigan mo dito?" kunot noo na sambit ng binata bago nilingon ang binata. Ngumiti lang ang lalaki at sumagot. "Ikaw siyempre." "Then tigilan mo ang pagsunod sa akin at bumalik kana kung saan ka planeta nanggaling." "Gusto ko lang iinform kayo Mr.Villiegas na nandito ako hindi lang para bantayan kayo. Nandito din ako para magtrabaho at kumita ng pera para sa sarili ko." "Ako ang bago niyo na secretary," may ngiti na sambit ng binata na kina-pokerface ni Elliseo 'pag pasok ng elevator. "Huwag mo ako paralokohin. Mayaman ang pamilya mo." "Pamilya ko ang mayaman master, hindi ako." "Hindi ka talaga nauubusan ng isasagot noh?" irita na sambit ng binata. "Hindi ka din nauubusan ng sasabihin, Master. Ilang years na din tayo magkasama wala ka pa din ginagawa kung hindi magreklamo." Napailing na lang ang binata at hinayaan ang lalaki. Hindi na ulit siya nagsalita sa reason na tinatamad siya at mas hahaba ang usapan nilang dalawa. "Master kailan mo balak magpagupit?" "Huwga mo ako pakialaman, Creon." "Tinatanong ko lang Master since maari ka ng pumasa na ermetanyo at mas mukha ka pang matanda sa papa mo." "Will you shut up? Ang ingay mo ngayon Creon," sita ng lalaki. Hanggang sa mapamura ito ng mapansin kung nasaan sila. "f**k! Anong ginagawa ko sa elevator?!" nagpapanic na sambit ni Elliseo at pinagpipindot ang botton ng elevator hanggang sa magbukas iyon. Napalabas ito ng elevator at napahawak sa dibdib. Hinahabol ang hininga na tiningnan nito si Creon na umaarte na parang walang nangyari. "Ginagalit mo talaga ako Creon?!" bulyaw ni Elliseo matapos hablutin ang kwelyo ng binata na hindi 'man lang nagbago ng expression. "Master, hindi ko sinabi na sumabay ka sa akin papasok ng elevator. Hindi kita hinila o sinabi na sumakay ka din." Gumusot ang mukha ni Elliseo at tinulak ang kaibigan palayo. Naglakad na ito paalis at hindi pinansin ang kaibigan. Bumuga ng hangin si Creon at naglakad na din para sundan ang alaga. Hindi niya ginawa iyon para asarin ang kaibigan. Ginawa niya iyon dahil iyon ang sinabi ng doctor. Kailangan harapin ni Elliseo ang mga kinakatakutan niya at dapat simulan iyon sa mga sasakyan. Ngunit wala yatang balak si Elliseo na sundin ang isa 'man sa advice ng doctor dahil patuloy pa din ito sa pag-iwas at pagpapatuloy ng boring daily routine nito. Hindi na ito ang ang Elliseo na nakilala niya bago ang aksidente. Masyado na itong takot sumubok ng iba pang bagay. Ayaw na nito ng kalayaan to the point na ilang beses na din nito sumubok magpakamatay. -- "Bilib talaga ako sa katawan mo Jeon hindi ka 'man lang tumataba o nadadagdagan ng weight kahit umiinom ka ng alcohol?" "Ano na naman ginagawa mo dito Kale? Sa pagkakaalam ko walang bagong mission na binigay si Midnight." "Wala nga kaya nandito ako eh," palatak ng babae bago umupo sa tabi ni Jeon na nasa harap ng bar counter ng tambayan nila. "Hindi ka ba sinisita ng manager mo lagi kang umiinom?" "As long as na me-maintain ko ang figure ko at maayos ang pag-arte ko walang irereklamo sa akin ang agency ko," bored na sagot ng babae. Binuksan nito ang isa pang bote ng wine at walang salita na nilaklak. Hindi maiwasan ng babae na mag-alala sa kaibigan lalo na ng makita nito ang isang picture frame na nasa gilid lang ng bar counter. "Hindi ka magiging masaya Jeon hangga't hindi mo sinusubukan mag-move forward." "Nag-aalala na kami ng black circles sayo. Masakit din sa amin ang nangyari sa fiancee at kapatid mo pero mas masakit sa amin na nakikita ka na ganito." "Asawa at anak ko ang nawala sa akin Kale! Huwag mo sabihin na parang ang dali lang lahat kasi Kale sobrang sakit!" "Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Hindi niyo ako naiintindihan!" "Sila na lang ang pamilya ko. Ikakasal na kami ni Fred. Nakuha ko na din ang custody ng kapatid ko! " "Mabubuo na pangarap ko na pamilya! Ilang araw na lang Kale. Ikakasal na kami." "Pero hindi pa kami nakakapagsimula binawi na lang sila! Then tell me Kale dapat ba ako maging masaya?" "May daan pa ba ako na dapat puntahan?" umiiyak na sambit ng babae bago pinagpatuloy ang pag-inom nito ng alak. "Simple lang naman ang gusto ko Kale. Magkaroon ng simpleng pamilya. Iyong tipo na kapag uuwi ako may taong sasalubong sa pag-uwi ko." "May batang sasalubong sakin at tatawagin akong mama." "Iyon lang naman ang gusto ko. Binigay nila pero binawi din agad. Ano ba ito lokohan?" umiiyak na sambit ni Jeon matapos sumubsob sa bar counter. "Jeon, hindi gagawa ng diyos ng isang bagay na walang dahilan. Siguro hindi lang para sa iyo ang pamilya na iyon." "Baka may plano pa ang diyos para sa iyo. Alam ko balang araw magiging masaya ka din." "Makakatagpo ka din ng taong makakaramay mo sa saya 'man iyon o sa sakit," bulong ni Kale. "Jeon," tawag ng dalaga. Paghawak nito sa babae nakita ni Kale na tulog na ang dalaga. Namumula ang pisngi nito sa sobrang kaiiyak. Mataas ang tolerance ng babae sa alak kaya alam ni Kale na nakatulog si Jeon hindi dahil sa kalasingan. Nangingitim ang ilalim ng mata ni Jeon kaya halatang ilang na naman din ito walang tulog. "Hindi natin kontrolado ang mundo, Jeon. Hindi natin alam kung kailan ulit ito iikot. Kung hanggang kailan tayo mananatili na masaya o malungkot." Alam ni Kale kung gaano nasasaktan ang babae lalo na at nagigising pa din ito na unang hinahanap ang dating kasintahan. Hindi pa din nito matanggap ang nangyari. Hindi pa din nito magawang tanggapin na sa isang iglap nawala lahat sa kanya. Saksi ang babae sa ilang beses nito pagsubok na mabuhay kahit mag-isa lumalaban pa din ito. "Nakatulog na ba si Jeon?" Napatingin si Kale nang pumasok ang tatlong nag-gagwapuhan na binata. Nangunguna dito ang may codename na Midnight. Nakasuot ito ng mask at hood. Tumayo si Kale at bahagyang yumuko matapos makita ang lalaki. "Nasaan ang iba at kayong dalawa lang ang nandito?" tanong ng isa sa mga binata. "Iniiwasan nila si Jeon. Hindi ko alam kung nasaan sila ngayon," sagot ni Kale. "Galit pa din ba si Jeon dahil pinipigilan ko siya?" tanong ni Midnight na kinailing ni Kale. "Hindi siya galit. Alam niya ang tama at aksidente iyon. Hindi niya lang matanggap na wala na talaga sina Fred," mababa ang boses na sambit ni Kale. "Nahihirapan pa dinsiya tanggapin kahit ilang taon na iyon lumipas." "May ibibigay ako na mission Kale at gusto ko kayo ni Jeon ang mag-asikaso," ani ng binata. "Kaming dalawa? Mabigat ba na mission iyon? Ako na ang—." "Kapag binigay ko ito alam ko na hindi ka din mangingialam. Ang mission mo dito pigilan si Jeon." "Ano?" ani ni Kale. Nagtataka nito tiningnan ang binata at inabot ang blue folder na inaabot ni Midnight. "Hindi ko alam. Ano ba ang mission na ito at sinasabi niyo na si Jeon ang pipigilan ko?" Bumuga ng hangin ang lalaki na may nakatali na blue na tela sa braso at tiningnan ang babae. "Kahit hindi namin sabihin. Iyon pa din ang gagawin mo." Hindi maiwasan magtaka ni Kale. Hanggang sa umalis ang tatlong lalaki nakatayo lang duon ang dalaga at nakatingin sa blue folder. "Kung blue mission lang ito bakit pumunta pa dito sina Midnight at binigay ito sa amin," tanong ni Kale. Madalas kasi isa sa mga kasamahan nila ang nag-aabot ng mission kung meron 'man. Matapos kasi ang nangyari kay Jeon. Pinutol ni Jeon ang communication niya sa Black circle. Bukod sa kanya wala na itong kinakausap dahil sa nangyari na away. Hindi alam ni Kale kung galit ba ang babae o ano pero isa lang ang alam niya. Hindi pinutol ni Jeon ang connect niya sa grupo dahil tinatanggap pa din nito ang mission na binibigay na kinakampante ng konti ni Kale. Hindi pa din buwag ang grupo. Hindi pa din sila sinasantabi ng black circle kahit may mga binitawan na hindi magandang salita si Jeon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
196.2K
bc

That's my Tomboy

read
72.5K
bc

The FIERCE Wife (Agent SKY) 'Clinton & Sarah'

read
208.4K
bc

Dangerous Spy

read
290.4K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
29.5K
bc

EASY MONEY

read
172.0K
bc

YOU'RE MINE

read
889.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook