03

2043 Words
Chapter 3 3rd Person's POV; "Ano?!" "Paano nakawala?!" hindi makapaniwala na tanong ni Kale sa ilang tauhan na nasa loob ng hide out. "Pinagbantay ko kayo dito diba?! Sabi ko sa inyo na huwag niyo aalisin ang paningin niyo sa taong 'yon!" bulyaw ni Jeon. "Dillema, mabuti pa i-check mo sa control room. Hindi siya basta na lang makakalis dito," ani ni Jeon sa kaibigan. Agad sumunod ang babae at tinungo nito ang control room. "Papatayin kita kapag nahuli kita," naggigitgit na sambit ni Jeon. Nilabas nito ang baril at kinasa iyon. Sinubukan nito buksan ang mga kwarto. Sa mga kwarto na posible na pumasok ang binata. Maya-maya napatigil si Jeon ng makarinig siya ng ingay ng t.v mula sa living room ng hide out. Tinungo iyon ng babae. Napatigil si Jeon ng makita duon ang lalaki na hindi naman siya tinapunan ng tingin. Nakapako lang ang tingin nito sa t.v habang kumakain ng pop corn. Ginamit ko pala 'yong kusina niyo. Wala akong makita na pagkain pop corn lang nakita ko. "Hindi pa ako nagdi-dinner." Halos umusok ang ilong ni Jeon matapos iyon sabihin ng binata. Tinago nito ang baril at naiinis na hinablot ang kwelyo ng lalaki. "Baka nakakalimutan mo na kinuha ka namin para patayin hindi para makikain lang dito. Hindi ka bisita!" bulyaw ng babae. Hindi nagbago ang expression ng lalaki at straight lang ito nakatitig sa mata ng babae. "May kailangan kayo sa akin diba? Hindi niyo ako papatayin hangga't hindi niyo 'yon nakukuha." "Kung sakali 'man ayoko mamatay ng gutom kaya hinanap ko ang kusina," sagot ng lalaki bago dumukot ulit sa hawak na lalagyan at kumain. Hindi alam ni Jeon kung mapapantistikuhan siya sa lalaki o manggagalaiti dahil masyado itong kampante. Binitawan niya na ang binata bago pa may demonyohin ang utak niya at bigla na lang barilin sa ulo ang binata. -- "Gosh! Kinabahan ako akala ko binaril mo na talaga," ani ni Kale ng makita niya ang babae sa labas ng living room. Humihithit ito ng sigarilyo at mukhang inis na naman ito. Nang i-check kasi ni Kale ang CCTV nakita nito na hindi naman nagtangka tumakas ang lalaki. Hinanap lang nito ang kusina. Nagluto duon at kumain. "Kung pumalag ang lalaki na 'yon. Iyon ang mangyayari Kale. Hindi ako magdadalawang isip na patayin siya." Napasapo sa noo si Kale matapos marealize na mukhang desidido talaga ang kaibigan na patayin ang lalaki kapag nagkaroon ito ng pagakakataon. "Again, Crimson. Wala sa mission natin ang patayin ang isa sa anak ni Mr. Villiegas," ani ng babae. Binuksan ni Kale ang pintuan at duon nakita niya nga ang binata. Hindi nito inaalis ang paningin sa t.v habang kumakain. Nang lumingon sa kanya ang binata. Tiningnan lang siya nito ng ilang minuto bago magsalita. "Wala bang dinner dito? Nagugutom na ako." Napatingin ang dalaga sa wrist watch at napamura matapos makita na madaling araw na. "Magpapa-deliver na lang ako," ani ng babae bago sinara ang pinto at tiningnan si Jeon. "Ikaw na magbantay. Magpapa-deliver lang ako ng makakain natin," ani ni Kale. Hawak ang phone umalis na ito duon at tinungo ang kabilang bahagi ng hallway. — "Nawawala si kuya?!" bulyaw ni Elija sa mga tauhan. Nakuha ng nga tauhan ang bike na sinasakyan ng kapatid. Sira na ang mga iyon na kinapag-alala ng ina ng triplets. "Mama!" tili ni Soren. Nasalo ni Elija ang ina matapos ito mawalan ng malay nang makita ang dugo sa bike. Nataranta ang ilang mga tauhan at agad inagapan ang ginang. Kumilos naman ang ilan sa mga ito para tawagan ang pinuno. Palihim na naggitgit si Elija habang tinitingnan ng doctor ang lagay ng ina. Naghihintay ito sa living room hanggang sa dumating si Kiel na kinatayo ng lalaki. "Papa," ani ni Elija. "Nasaan si Sylvia?" bungad ni Kiel kasunod ang mga tauhan. "Tinitingnan ng doctor ang lagay ni mama. Nabigla lang siguro si mama nang malaman na nawawala si kuya." "Nawawala si Elliseo?" ulit ng lalaki. Bumuga ng hangin si Elija. "Hayaan niyo ako hanapin ang kapatid ko papa. Ibabalik ko siya dito," ani ni Elija. Tiningnan siya ng lalaki bago humakbang at tinapik sa balikat ang anak. "Ibalik mo dito si Elliseo," ani ni Kiel bago tinungo ang hagdan at naglakad pataas. "Master." Napatingin si Elija ng dumating si Creon at yumuko sa harap niya. "Hindi ko alam kung anong ginagawa ni kuya ngayon. Pero iuuwi ko siya dito at kung kinakailangan kaladkarin ko siya pauwi gagawin ko," walang emosyon na sambit ni Elija bago lampasan si Creon. Sinundan lang siya ng tingin ni Creon. Napa-pokerface ang binata sa idea na mukhang kilala talaga ng kakambal niya ang binata na inaalagaan. Higit pa iyon sa inaakala ni Creon lalo na ng magsalita si Elija na parang may alam ito. "I just wondering kung alam din nito ang location ni Master," bored na sambit ni Creon bago napag-pasayahan na sundan ang batang Villiegas. Kasunod ang mga tauhan. Sumakay si Elija sa kotse nito at kinuha ang phone. May tinawagan ito sa phone. "Kailangan ko ng tulong mo. Hanapin mo ang location ng kapatid ko ngayon." Kasalukuyang kumakain si Elliseo ng ikabit ni Jeon ang posas sa kamay ng lalaki. Tiningnan siya sandali ng binata bago pinagpatuloy ang pagkain. "Mr.Villiegas maki-operate kana lang. Sabihin mo kung nasaan ang black list. Pwede ka ng umalis after mo ituro kung nasaan," ani ni Kale sa binata. "Hindi ko alam kung anong black list ang tinutukoy mo." "Akala mo ba makakaalis ka dito nang hindi sinasabi sa amin kung nasaan ang black list." "Hindi ako nage-expect lalo na wala akong alam sa sinasabi niyo. Kahit habang buhag niyo pa ako ikulong dito wala akong maituturo," ani ng binata. Kumunot ang noo ni Kale. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo o hindi. Wala sa mukha nito ang pagsisinungaling either ng kaba. -- "Tama ba ang kinuha natin?" "Bakit ka nagdududa?" balik na tanong ni Jeon sa babae. "Isang mafia boss ang kaharap natin. Huwag kang paloloko." "Ang inaalala ko kasi dalawa silang tagapag-mana ng clan." "Malinaw ang binigay na information nina Phoenix," sagot ng babae. Napalabi si Kale dahil nagdududa pa din ito. Kasalukuyang nag-uusap ang dalawang babae nang pareho sila napatingin sa itaas ng makarinig duon ng sunod-sunod na putukan. Napatingin sila sa pinto ng bumukas iyon. Nakita nila ang lalaki. "Nandito ang kapatid ko," ani ng binata. Napatigil sina Kale matapos marinig iyon. "Kinontak mo sila!" bulyaw ni Jeon matapos hablutin ang kwelyo ng lalaki na parang anytime na sasabog na naman ito. Tiningnan siya ng lalaki na parang ito na ang pinaka-engot sa mundo. "Saan naman ako kukuha ng phone dito?" tanong ng binata. Binitawan siya ng babae at dinampot ang baril nito. "Crimson! Umalis na tayo dito." "Anong sinasabi mo na aalis?! Nandito ang isa sa mga Villieg—." "Dehado tayo at huwag mong sabihin na balak mong patayin ang isa sa mga iyon. Kinuha natin ang isa sa triplets kaya hahabulin talaga nila tayo." "Kahit saan ka korte pumunta tayo ang suspect tara na!" sigaw ni Kale at tinulak si Jeon. "Bwisit!" sigaw ng dalaga bago hinawakan ang kamay ng binata at tumakbo. Sinundan lang sila ni Kale na nagsilbing back up. Sumunod lang si Elliseo. Wala itong ingay o hindi 'man lang nagtangka na pumalag. "Ililigaw ko sila umalis na kayo," ani ni Kale bago lumiko. Humiwalay naman sina Jeon at nagtago sa pinakasulok ng hallway. Madaming dumaan na armado. Napamura si Jeon sa isipan matapos huminto ang mga ito sa side nila kasama si Elija. "Tingnan niyo ang bawat sulok ng lugar na ito. Huwag kayong titigil hangga't hindi niyo nakikita ang kapatid ko," walang emosyon na utos ni Elija. Nawalan ng expression si Jeon matapos makaramdam ng panganib dahil sa presensya ng binata. Naghiwa-hiwalay ang mga ito. Umalis na din ang binata kasunod ang ilan pa nitong tauhan. Tiningnan ni Jeon si Elliseo na nasa pinakasulok. Tahimik lang ito at hindi gumalaw. Nang magtama ang mata nilang dalawa hinila na ulit siya ni Jeon paalis duon. Tumakbo sila hanggang sa makarating sila sa tagong daanan ng hide out. Nang makarating sila sa parking lot. Sasakay sila sa sasakyan ng pumalag si Elliseo. "Kung ayaw mo sumabog 'yang ulo mo sumakay ka," may diin na sambit ni Jeon. Parehong nakaposas ang kamay nila kaya hindi makalayo si Elliseo. Ayaw nito sa sasakyan. Nakita ni Jeon ang sobrang takot sa mukha ni Elliseo ng makita ang sasakyan. "f**k!" mura ni Jeon. May nagpaputok mula sa likod at muntikan sila matamaan. "Putangnan! Bakit ka nagpaputok?! Paano kapag natamaan ko si kuya!" bulyaw ni Elija ng makita nito ang ginawa ng tauhan. Nakalas ni Elliseo ang posas na kinagulat ni Jeon. Imbis tumakbo sumakay ito ng sasakyan. Nang magpaputok ulit umikot na si Jeon at sumakay sa driver seat. Hahabulin ito ng grupo ni Elija nang humarang si Creon. Kumunot ang noo ni Elija matapos makita ang binata. "Anong ginagawa mo?" "Sumusunod sa utos, Master." "Ano?" "Hindi ako ngayon nandito bilang servant ng Villiegas. Nandito ako bilang kaibigan ni Elliseo." Tinutukan ng mga tauhan ni Elija si Creon ng baril. Binaba ni Creon ang hawak na espasa at tiningnan sa mata si Creon. "Tama ang hinala ko. May alam ka dito," nagdidilim ang anyo na sambit ni Elija. "Miyembro ng black circle ang mga tao na 'yon. Nagtatrydor ka ba?" "Master, alam niyo na inposible na gawin ko iyon sa mga Villiegas." "Hindi ko maaring sabihin ang dahilan, master dahil mahigpit na binilin iyon ni Master Elliseo." "I'll take all this responsibility, Master." "Kapag may nangyari na masama sa kapatid ko, Griffin. Ikaw ang unang tatapusin ko." Yumuko lang si Creon bilang paggalang. Nang lampasan siya ng mga ito nakahinga ng maluwang ang binata. Tiningnan nito ang bulto ni Elija na sumakay sa sarili nitong sasakyan. "Kung alam ko na mapapahanak si Master. Hindi ko hahayaan ba magdalawang oras si Master sa lugar na ito," bulong ni Creon. Sa likod ng maskara. Puno ng pagtatakha ang mukha ni Jeon matapos makita na walang sumunod sa kanila kahit isang sasakyan. Patingin-tingin ito sa side mirror at duon nakumpirma na walang sumunod. Napatingin ito sa pwesto ni Elliseo at—." "Anong ginagawa mo?!" bulyaw ni Jeon at naikabig patabi ang sasakyan matapos makita ang pagdugo ng wrist ni Elliseo matapos kagatin iyon ng binata. Nang huminto ang sasakyan binuksan ni Elliseo ang pinto. Akala ni Jeon tatakas ito ngunit bumaba lang ito bago bumagsak sa gutter at pilit na tinulak ang sarili para makalayo sa pintuan ng sasakyan. BumaNa si Jeon at hinawakan ang lalaki. Nanlaki ang mata nito matapos mahawakan ang kamay ng lalaki. Nanlalamig si Elliseo. Naitulak bahagya ni Elliseo ang dalaga at nagsuka nang makaramdam ng pagbaliktad ng sikmura. "A-Ayoko sa sasakyan," bulong ni Elliseo. Hindi alam ni Jeon ang nangyayari sa binata pero kitang-kita niya na hindi ito umaarte. -- Nakaupo lang ang dalawa sa gutter. Nagsimula ng sumikat ang araw kaya tiningnan ni Jeon ang binata. "Pasalamat ka wala ng humahabol sa atin kung hindi pinasok kita sa compartment at binitbit." "Barilin mo na lang ako sa ulo kaysa patayin mo ako na nakasakay sa kotse," balewala na sagot ni Elliseo. "Umalis na tayo malapit na mag-umaga." "Hindi ako sasakay ng kotse." "Ibigay mo na lang sa akin ang address mo maglalakad na lang ako papunta duon." Gusto murahin ni Jeon ang lalaki at pilipitin na lang ang leeg nito sa sobrang asar. Mukha ba siyang uto-uto para ibigay nito ang address niya at hayaan ang mafia boss na mag-isa. Sinong walang utak na kidnapper ang gagawa nuon? Ayaw niya makaagaw ng pansin kaya nanahimik na lang ito at tinago ang inis niya. "Malapit lang dito ang unit ko. Duon na langg tayo pumunta," inis na sambit ni Jeon. Walking distance lang ang layo ng apartment niya sa kinaooronan nilang dalawa. Walang choice ang babae kung hindi ang dalhin ito duon dahil kung sa resthouse pa sila pupunta masyado na iyon malayo para lakarin. Ayaw sumakay ng lalaki sa sasakyan at hindi sila pwede manatili sa labas dahil nakamaskara pa din ang dalaga. Magiging kahina-hinala sila lalo na at mukha siyang may kasama na sanggano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD