05

2134 Words
Chapter 05 3rd Person's POV Sikat na ang araw pero natutulog pa din si Elliseo sa sala. Nakabalot ito sa comforter at mahimbing ang tulog. Nagpapasalamat na lang si Kale dahil hindi na ulit tinopak si Jeon. Hindi na nito tinangka pa ulit gisingin ang binata kahit magla-lunch na ay tulog pa din ito. "Hihi infairness gwapo pala talaga ang bagong mafia boss ng mga Villiegas. Akala ko ligaw lang na sperm ang mafia boss na target natin dahil sa litrato niya na mukhang matandang ermitanyo," komento ni Kale habang nakahalumbaba sa ibabaw ng dining table at nakatingin sa direksyon ni Elliseo. "Lahat naman sa iyo gwapo Kale. Kahit yata aso na may mukha sasabihin mong gwapo dahil lalaki," banat ni Jeon na kasalukuyang nililinis ang paborito niyang patalim. "Gaga ka! Anong tingin mo sa akin pokpok! Kaloka ka kahit papaano may standard naman ako pagdating sa lalaki noh," sagot ni Kale with geasure na kina-pokerface ni Jeon. "Masyado kang overeacting," bored na sagot ni Jeon na kinaismid ng babae. "Hindi ka lang marunong maka-appreciate ng blessing ni god and you know— pang heavenly realm ang kagwapuhan at sexyness ni Mr. Mafia boss," bulong ni Kale sa babae na kinairap ni Jeon sa kawalan. Hindi makapaniwala ang babae na nagkasundo silang dalawa ni Kale kung maliwanag pa sa sinag ng araw na ang lahat ng merong ugali si Kale ay ayaw niya. Maingay, overeacting at paranoid. Tumingin si Jeon sa sala at nakita niya na mukhang nagising na si Elliseo. Umupo ito at parang bata na kinusot ang mata. "Oh my! Pwede ko na ba talaga siya kidnapin for real!" impit na bulong ni Kale kay Jeon. Napatingin sa kanila ang binata at dahil nakamaskara ang dalawa hindi nakikita ni Elliseo ang ginagawang expression ng dalawang babae sa likod ng maskara. Tumayo na si Elliseo at niligpit ang hinigaan niya. Pinatong niya ang mga iyon sa sofa at kinuha din bago tinungo sina Kale sa kusina habang dala ang mga hinigaan niya. Tiningnan sila ng binata na tinatanong kung saan ilalagay ang mga iyon. "Dalhin mo sa kwarto— patong mo sa sofa na nasa loob," malamig na sambit ni Jeon bago pinagpatuloy nag pagpupunas niya sa patalim. Yakap ang mga hinigaan tinungo ni Elliseo ang pintuan ng kwarto ni Jeon. Parang bata naman na hinawakan ni Kale ang braso ni Jeon at bumulong. "Hindi ko type ang mga femine at sexy type na katulad ni Mr. Mafia boss pero kyaah! Iyong face tapos outfit gosh! Ang cute!" "Dilemma, pinaalala ko lang— mafia boss ang tinatawag mong cute at nasa gitna tayo ng mission," seryosong sambit ni Jeon matapos tingnan ang kaibigan na napasimangot na lang. "Ang killjoy mo talaga, Crimson!" Tumayo si Kale mula sa pagkakaupo sa upuan ng dining table nang tumunog ang doorbell ng unit. Tinanggal ng dalaga ang maskara at hinawakan ang door knob. Sinilip niya muna ang nasa labas bago iyon binuksan. Nakita niya na isa lang iyong delivery man. Matapos iabot ang mga inorder nila ay pumirma na si Kale at nagbayad. Lumabas si Elliseo sa kwarto at napatingin sa pintuan— nagtama ang mata nila ng delivery man. Nang umalis ang delivery man sinara ni Kale ang pintuan. Tiningnan niya si Elliseo ng masama at hindi na nagsuot pa ng maskara. "Hanggang saan ang alam ng organization niyo about sa amin?" asik ni Kale na kinatingin ni Jeon. Tumayo ang babae matapos makitang mukhang papatay si Kale. Tinapon ni Kale ang mga pagkain sa trashbin at tiningnan ang binata. Hindi delivery man ang dumating at base sa instinct ni Kale isa iyon sa mga tauhan ng mga Villiegas. "Hindi ko alam," sagot ni Elliseo. Gumusot ang mukha ni Kale matapos marinig iyon. Ngayon nakikita niya na ang expression ng binata— mas malinaw na sa babaeng totoo ang sagot nito. Wala itong alam. "Paano nalaman ng mga tauhan ng mga Villiegas na nandito tayo! Wala pang 17 hours tayo nakakaalis ng hide out. Paano tayo na-track agad?" asik ng babae matapos sapuin ang noo. Tiningnan ni Jeon si Elliseo. "Wala akong tracker sa katawan at mas lalong wala akong phone," sagot ni Elliseo na kinatingin ng dalawa. "Pero sapat na ang impluwensya ng mga kapatid ko para mahanap ang lokasyon niyo at ng iba pang miyembro ng black circle," bored na sagot ni Elliseo bago hinawakan ang tiyan niya. "Wala pa ba tayong pagkain. Nagugutom na ako," dagdag ng binata na kinasama ng timpla ng mukha ng dalawang babae. — "Anong tinatanga mo bakit hindi ka kumakain?" nakataas ang kilay na tanong ni Jeon sa binata. Matapos kasi sabihin ni Elliseo na gutom na siya lumabas si Kale para bumili ng mga pagkain. Pagbalik nito may dala na itong mga ready to eat foods para kay Elliseo. Sa hindi alam na dahilan ni Jeon parang nagdadalawang isip itong kumain. "Pwede ba iinom na lang ako ng sleeping pills mamaya. Bigyan niyo ako ng matinong pagkain," ani ni Elliseo bago tiningnan si Kale na kinalaki ng mata ng dalaga. Nilagyan niya ng gamot ang kinakain ni Elliseo para makatulog ito. Ginawa iyon ng isa sa mga miyembro ng black circle for emergency purposses. Mas matagal lang ang effectiveness 'non sa mga normal na sleeping pills at hindi mahahalata kung ihahalo sa pagkakain. Tasteless din ang mga ito kaya hindi malalaman— nagtataka si Kale kung paano nalaman ng mafia boss lalo na at hindi pa nito natitikman ang mga pagkain. "Nagbe-blend ang amoy ng nilagay mong gamot sa pagkain. Actually, inaantok ako dahila sa amoy— nagugutom ako at ayoko matulog ng gutom," bored na sambit mg mafia boss bago itulak ang plato palayo. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Kale ang mafia boss hindi na dahil nalaman nito na may nilagay siyang gamot kung hindi sa idea na wala itong pake sa reason kung bakit gusto nila patulugin ang mafia boss. Basta kapag gutom ito at makakain ito— wala na itong pake. Kahit yata nilagyan niya ng lason ang pagkain— parehong reaksyon din ang makukuha niya at baka sabihin din nito na iinom siya ng lason after niya kumain. Wala itong pakialam kung lason o pampatulog ang nasa pagkain— patayin ito o hindi. Binigay ni Kale ang mga pagkain na hindi niya nilagyan ng pampatulog. Agad naman iyon nilantakan ng mafia boss at hindi na sila pinansin. "Nilagyan mo ba ng happydreams ang pagkain?" bulong ni Jeon kay Kale. Na nakatayo sa kabilang bahagi ng lamesa katabi si Kale. Hinila ni Kale si Jeon patungo sa living room para kausapin. "Humingi ako kay Sullen. Nilagyan ko ng konti iyong pagkain ni Mr. Mafia boss para madala natin siya rest house ng walang aberya. Sabi mo nga diba mukhang may trauma ang taong iyon sa sasakyan," ani ni Kale na kinasapo ni Jeon sa noo. "Kale, hindi mo ba naisip ang side effects 'nan? Maaring mabaliw ang makakainom and worst hindi na magising. Kung balak mo din patayin ang target natin sana sinabi mo ako na babaril," ani ni Jeon na kinangiwi ng dalaga. Nawala sa isip ni Kale ang side effects at hindi iyon pinaalala ng isa pang miyembro ng black circle na may codename na Sullen bago siya umalis sa hide out 'nong dumaan siya doon para sa gamot. Tiningnan ni Jeon si Elliseo na tahimik lang na kumakain. "Jeon, alam mo ba may sinabi sa akin si phoenix last time about sa isa sa mga anak ni Mr. Villiegas. Hindi sinabi ni phoenix kung sino pero malakas ang kutob ko na ang tinutukoy niya ay iyong kasalukuyang mafia boss which is 'yang taong iyan," ani ni Kale na kinatingin ni Jeon. "Sa tingin mo interesado ako?" banat ni Jeon na kinangiwi ni Kale. Napakamot sa ulo ang dalaga bago muling nagsalita. "Nagtaka lang ako dahil ang year na sinabi ni phoenix at iyong year kung kailan namatay sina Fred parehong year kung kailan nagpa-admit sa rehabilitation center ang isa sa mga tagapagmana ng mga Villiegas and after 2 years kumalat ang balitang nakulong ang tagapagmana ng mga Villiegas which is iyong taong iyan," ani ni Kale bago ituro si Elliseo. Napatigil si Jeon matapos marinig iyon. "Kalalaya niya lang din 'nong isang taon then nalaman ko na may schedule siya once a week sa doctor na si Mr. Sorell iyong sikat na physician. May record din ang taong iyan na ilang beses nag-suicide," dagdag ni Kale na kinapako ni Jeon sa kinatatayuan. "Tama bang mafia boss ang dinampot natin?" hindi makapaniwalang tanong ni Jeon sa babae. Napasapo sa noo si Kale matapos marinig iyon. Hindi sumagot si Kale dahil iyon din ang eksaktong tinanong niya sa kanang kamay ng pinuno nila. Kahit anong isipin ni Kale na dahilan paano naging mafia boss ang taong may record na suicidal— wala siyang maisip bukod sa maaring gustong mawala na din former mafia boss ang isa sa anak nila na imposibleng mangyari. Sa pagkakaalam ni Kale binabaliktad na ng organization ng mga Villiegas ang underground dahil sa pagkawala ng anak nila. Kasalukuyan na din pinatatawag ng pinuno nila ang iba pang miyembro ng black circle para kontrolin ang sitwasyon. Hindi lang ang black list ang hinahanap ng lahat kung hindi pati na din ang nawawalang mafia boss ng mga Villiegas. Hawak ni Elliseo ang isang lalagyan na binigay ni Kale para inumin ng binata. Kinuha iyon ni Elliseo at hindi nagtanong sa dalaga kung bakit siya gusto patulugin ng mga ito. Naglagay si Elliseo ng walong tabletas sa palad. Hindi nakatingin si Kale dahil kasalukuyan itong may kausap sa phone. Habang nakatayo sa harap ng dining table kinuha ni Elliseo ang baso matapos ibaba ang lalagyan. Iinumin lahat ni Elliseo ang gamot nang may sumalo ng kamay niya na naging dahilan para mahulog ang mga tabletas. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi iyan candy para isubo mo lahat," asik ni Jeon na kinatingin ni Kale. Nanlaki ang mata ng dalaga at naibaba ang phone matapos makita ang maraming tabletas na nagkalat sa sahig. "Makakatulog ako ng mas matagal kung iinumin ko lahat ng iyan. Mas marami pa ang dati kong iniinom na gamot kaysa diyan," balewalang sagot ni Elliseo habang nakatingin sa babaeng hawak ang isa niyang kamay. Binitawan ni Jeon ang kamay ni Elliseo at kinuha ang gamot. Kumuha ito ng isa sa lalagyan at inabot sa lalaki. "Hindi tayo buong araw nasa biyahe at pwede tayo huminto every 2 hours. Uminom ka ng isa at humiga ka doon sa sofa," may diin na sambit ni Jeon. Aapila si Elliseo nang isubo na lang iyan ni Jeon sa bibig ng mafia na agad nilunok ng lalaki. Tiningnan ni Jeon si Kale ng masama. Nagtaas ng kamay ang dalaga at alanganin na tumawa. Hindi naman kasi alam ni Kale na iinumin lahat ng mafia boss ang sleeping pills na nasa lalagyan. Katulad ng sinabi ni Jeon. Tinungo ng mafia boss ang sofa at humiga doon para matulog. "Infairness ah. Napakamasunurin niya," bulong ni Kale ng makita na humiga nga sa sofa ang lalaki at parang bata na nakatitig sa kisame. "Natawagan mo na sina Black at Hunter?" tanong ni Jeon sa dalaga. Nag-thumbs ang babae at sinabing papunta na. Tiningnan ni Jeon si Elliseo at nang makita niya na tulog na ang mafia boss lumapit ang babae sa sofa. "Kale kunin mo iyong itim na coat ko sa closet. Masyadong delikado kung may makakakilala sa taong ito," utos ni Jeon kay Kale. Agad naman sumunod ang babae at pumasok sa kwarto. Maya-maya lumabas na si Kale sa kwarto dala ang coat na minsan ginamit ni Jeon sa taping. Makapal iyon at masyadong malaki pero nagtaka si Kale dahil hindi niya alam kung paano maitatago 'non ang mukha ng mafia boss. Kinuha ni Jeon ang coat na hawak ni Kale at walang salita na inangat ni Jeon ang isang kamay ni Elliseo at sinuuot ang sleeve ng coat. Walang kahirap-hirap naman na inangat ng dalaga ang halos kalahati sa katawan ni Elliseo at pinadaan ang coat sinuot sa kaliwang kamay ng binata. Nanatili lang nakatingin si Kale dahil hindi siya makapaniwalang isusuot iyon mismo ng dalaga sa mafia boss lalo na at alam ni Kale na malaki ang galit ng babae sa mafia boss. "Nandito na kami!" Sigaw ng isa sa dalawang lalaki na naghampas ng pintuan. Napatingin si Kale pero si Jeon ay hindi 'man lang tuminag at inaayos ang coat. Napatigil ang dalawang lalaki matapos makita si Jeon at Elliseo. Sunod na pumasok ang isa pang babae na may dalang paper bag. "Oh my! Ang hotty! Sino 'yan!" tili ng babae na may maskara ng pusa. Agad niya itong tinanggal matapos makitang tulog si Elliseo. "Shut up, Sullen. Isa siya sa mission," ani ni Kale na hinihilot ang sentido. "Wait, siya iyong ermitanyo na kinidnap niyo ni Crimson last 5 days?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD