09

2060 Words
Chapter 09 3rd Person's POV Nakatayo lang si Creon sa veranda ng kwarto. Kasalukuyang tulog pa din si Elliseo sa kama habang ang binatang si Creon ay hinihintay magising ang binata at nakatingin sa ilabas ng resthouse. Katulad ng sinabi ni Kale malapit lang ang lugar na iyon sa pinag-aakupahan nila ng unit kaya agad sila nakarating doon. Malapit ang lugar na iyon sa dagat kaya alam ni Creon na magugustuhan ni Elliseo ang lugar na iyon. Biglang pumasok sa isip niya iyong unang araw na dinala siya ng uncle niya sa vacation house ng mga Villiegas at nakilala niya si Elliseo. Bata pa siya 'non at wala siyang magawa kung hindi umiyak. Ginamit ng uncle niya ang pagiging Griffin niya para sa sarili nitong kaligtasan. Ginamit siya ng uncle niya para bumuo ng ugnayan sa mga Villiegas at dahil Griffin siya— nanalaytay sa dugo niya ang pagiging leader at assasin agad siya tinanggap ng mga Villiegas. Natawa si Creon sa idea na iyon din ang naging dahilan para mas maagang mawasak ang organization ng uncle at mawala ito ng maaga. Flashback "Natatakot ako— ayoko dito," umiiyak na sambit ng batang si Creon na nasa anim na taong gulang pa lang. Iyak ito ng iyak habang pinalilibutan ng mga tauhan ng mga Villiegas. Kasalukuyan kasing kausap ng nagpakilalang uncle ni Creon nag former mafia boss at iniwan siya ng mga ito sa labas ng mansyon. Tumakbo ang batang lalaki para tumakas hinabol siya ng mga tauhan na sinama ng uncle niya. Bigla siyang hinablot ng mga ito na kinaingit niya sa sakit. "Saan ka pupunta," asik ng isa sa mga tauhan ng uncle niya. Nabalutan ng takot ang mukha ng batang lalaki matapos makita ang galit sa mukha ng taong humblot sa kaniya. Isa ito sa mga taong walang sawa siyang sinasaktan at pinahihirapan. Sa gulang na iyon at sa simpleng kaisipan ni Creon lahat ng tao ay masama. Maya-maya napaluhod ang lalaki at napamura matapos may sumipa sa tuhod ng lalaki mula sa likuran. "Sino ang—" Hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin nang paglingon niya may nakita siyang bata na kasing edaran lang din ni Creon. May mga kasunod itong tauhan at sa likod nito may nakatayo pa na isang batang lalaki na nakangiti. "Kung ayaw niyo makaladkad palabas huwag kayong gumawa ng gulo dito at bitawan niyo ang batang iyan," ani ni Elliseo. Agad binitawan ng lalaki ang batang si Creon na kasalukuyang nakatulala kay Elliseo. Kasing edad niya lang ito pero nagtataraasan ang balahibo niya sa presensya nito. "Elliseo, siya ba iyong sinasabi ni dad na magiging servant mo in future?" tanong ni Elija na nasa gilid na ng batang si Creon at iniikutan ito. "Mukha siyang mahina at iyakin. Magiging mafia boss ka in future— magiging pabigat lang siya sa iyo," ani ni Elija. Bahagyang napayuko ang batang si Creon dahil doon. Laging sinasabi ng lolo niya na wala nga siyang kwenta dahil kumpara sa mga pinsan niya mas matalino ang mga ito at lahat kayang gawin. Hindi siya magiging tagapagmana at ganoon din sa side ng ina niya. Ganoon din ang sinasabi ng uncle niya na kapatid ng namayapa niyang ina. Mahina siya at hindi niya deserve na magdala ng pangalan ng isang Griffin o kahit pangalan ng ina niya. "Anong sinasabi mo Elija? Bago mo i-judge ang isang tao siguraduhin mong perfect ka. Umiihi ka pa nga sa kam—" "What the heck are you saying!" putol ni Elija sa kapatid na agad tinakpan ang bibig nv kapatid. Napatingin si Creon. Hindi makapaniwala si Creon na pinagtanggol siya ng batang lalaki. Tinanggal ni Elliseo ang kamay ng kapatid sa bibig niya at pareho nilang tiningnan si Creon. "Mamaya pa lalabas sina dad sa library kaya sumama ka muna sa amin. Maganda ang view doon sa dalampasigan at maraming isda," yaya ni Elliseo sa batang lalaki. Sumimangot ang kapatid nito na halatang ayaw sa kaniya. Dahan-dahan naman tumango si Creon. Nilampasan siya ni Elliseo. Tumalikod na din si Creon ag sinundan niya ang dalawang bata. Habang nasa likuran si Creon pinako niya ang tingin sa likuran ni Elliseo. Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ng batang si Elija. "Servant," bulong ni Creon. Sinubukan siyang i-trained ng uncle ni Creon at tinuruan kung paano makipaglaban sa pag-aakalang magagamit siya ngunit nabigo ang tito niya dahil kahit humawak ng espada ay takot na takot ang batang lalaki. Then isang araw nabanggit ng uncle niya na mas mabuting maging servant na lang siya. Para kung mamatay 'man ang batang lalaki ay may silbi ito sa kanila. Doon nalaman ni Creon na hindi ordinaryong servant ang tinutukoy ng uncle niya. Ito ang magiging kanang kamay at magiging katiwala ng mafia boss sa labas o loob 'man ng organization. Tiningnan ng batang lalaki ang malawak na karagatan at tiningnan si Elliseo na nakatalikod sa kaniya. Lumingon si Elliseo at nagtama ang mata nilang dalawa. — Naiwan si Creon sa mansyon ng mga Villiegas ngunit hindi katulad noong unang pagdating ng batang lalaki sa mansyon— hindi na ito umiiyak. Nanatili itong nakatingin sa kawalan hanggang sa bahagyang mapatalon ang batang lalaki nang biglang sumabog ang sinasakyan ng uncle niya. Napahawak ang batang lalaki habang nanlalaki ang mata na nakatingin sa sasakyan na sumabog malayo sa mansyon. Pagtingin niya sa ibaba ng veranda nakita niya ang magkapatid na Villiegas. May hawak si Elliseo na mukhang controller. Parehong natatawa ang dalawang batang lalaki matapos makita ang sumabog na sasakyan na nasa labas ng mansyon. Maya-maya may lalaking lumabas at basta na lang inagat si Elliseo. Hinawakan nito ang suot na jacket ng bata at inangat. "Ano na naman ginawa niyong dalawa?" Napahawak ng mahigpit si Creon sa railing matapos makita ang former mafia boss na bitbit si Elliseo. Nag-cross arm ang batang lalaki at tumingala. Napatigil si Creon matapos magtama ang mata nilang dalawa. Nilingon ni Elliseo ang ama na naka-pokerface. "Sinaktan ng taong iyon ang bago naming kaibigan. Hindi din deserve ng taong iyon ang mabuhay lalo na at gumamit siya ng bata para lang sa kaligtasan niya— hindi siya tunay na mafia boss," sagot ni Elliseo sa ama. Binaba ng former mafia boss ang anak at nag-cross arm. "Gusto mo ba mag-freak out na naman ang mommy mo? Anim na taon ka pa lang Elliseo at—" "Wala sa edad ang pagbibigay ng justice daddy. Tinuro mo iyon sa akin at—" Kinuha ni Elliseo ang kamay ng ama at nilagay doon ang hawak na controller. "Nasa iyo na ang ebidensya dad kaya hindi ako gumawa 'nan," ani ni Elliseo bago tinuro ang sumabog na sasakyan. End of the flashback Sa isip ni Creon iba ang kislap ng mga mata 'non ni Elliseo. Pulido ang sense of justice ng batang lalaki at nakikita niya kung gaano kadesidido ang batang Elliseo sa kagustuhan nitong maging mafia boss without knowing kung ano ba talagang klaseng buhay ang meron ang isang mafia boss. "Anong oras na?" Napatingin si Creon matapos marinig ang boses ni Elliseo. Nakita niya itong nakaupo na sa kama at ginagala ang paningin sa paligid. "Nasaan na tayo?" "Almost 8am na at nasa resthouse tayo ng isa sa mga kidnapper. Umalis sila kanina pero mukhang may pinababantay sila sa atin ngayon since marami akong nararamdaman na presensya na nakapaligid sa buong mansyon," sagot ni Creon. Kinusot ng binata ang mga mata. "Shower lang ako," paalam ni Elliseo bago tinungo ang bathroom. "Master! Luluto na ba ako ng breakfast!" sigaw ni Creon mula sa ilabas ng bathroom. "Magkakape lang muna ako. Sparring tayo mamaya," sagot ni Elliseo mula sa loob ng bathroom. Nang marinig ni Creon ang lagaslas ng tubig lumabas na ng kwarto ang binata para magtimpla ng kape dahil isa iyon sa trabaho niya bilang servant s***h butler. Nasa kusina si Creon habang nagtitimpla ng kape para kay Elliseo nang may maramdamn siyang presensya sa living room. Papunta iyon sa direksyon niya. Saktong pagtapak nito sa bukana ng kusina ang paghagis ni Creon ng bread knife na nadampot niya sa sink. "Ilag!" sigaw ni Creon matapos makitang si Jeon iyon at hindi nakatingin sa kaniya. Nakayuko kasi ito at nag-angat ng tingin matapos damputin ang junk food na nahulog sa sahig. Dahil sa pwersa at maraming dala si Jeon hindi agad nakagalaw ang babae. Napatigil si Creon nang sumulpot si Elliseo mula sa likod ni Jeon. Nahawakan nito ang handle ng bread knife bago pa iyon tumama sa noo ni Jeon. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo Creon?" Napasapo si Creon sa noo at nag-gesture. "Hindi ko sinasadya. Alam ko kasi umalis sila kanina at sinabi niya din na wala siyang papasukin na ibang tao dito. I thought kalaban kaya— fine sorry," ani ni Creon matapos makitang masama ang tingin sa kaniya ng master. Binaba ni Elliseo ang bread knife sa dining table at tiningnan si Jeon na mukhang nagising na din ang diwa. Hindi kasi ito agad naka-react nang makita ang patalim. Kung hindi nasalo iyon ni Elliseo patay na siya. "Bakit mo iyon sinalo?" tanong ni Jeon bago nilingon si Elliseo na dumampot ng sandwitch sa lamesa. "Anong sinasabi mo?" tanong pabalik ng lalaki habang nakatalikod. Binaba naman ni Creon ang tasa ng kape para kay Elliseo at nagpaalam na lalabas ng kusina. "Kung napatay ako doon siguradong makakatakas na kayo. Class S ang servant mo at siguradong hindi ka magiging mafia boss kung ordinaryong tao ka lang din," ani ng babae bago binaba ang paper bag na hawak at tingnan si Elliseo na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin. "Sinabi ko na hindi ako mafia boss. Kung gusto ko talaga umalis dito— sa una pa lang hindi na ako sasama. Sa tingin niyo ako iyong tipo ng tao na basta niyo na lang makukuha?" sagot ni Elliseo bago tumalikod at kinuha ang tasa ng kape habang nasa isang kamay naman nito ang sandwitch. "Anong ibig mong sabihin," malamig ang tanong na sambit ni Jeon bago nilingon si Elliseo na napahinto sa paglalakad patungo sa pintuan. "Wala akong ibig sabihin," bulong ni Elliseo bago nilingon si Jeon na may kakaibang tingin sa kaniya. Tingin na handa na siyang patayin anytime Iniisip ng dalaga na may hidden agenda ito sa kanila, ginagamit at nakikipaglaro sa kanila. "Ginagawa ko lang kung anong gusto ko." — "May napapansin ka bang kakaiba sa kanila?" tanong ni Kale kay Jeon habang nasa veranda at nakatingin sa dalawang lalaki na nasa ibaba. "Wala— may pinag-uusapan sila about sa organization nila o sa parents ni Villiegas. Sa ilang mission ng kapatid ni Villiegas pero walang something doon na magagamit natin sa mission natin." "Argh! Ano ng gagawin natin? Almost 1 week na tayo dito at wala tayong nakikitang hint kung nasa kanila ba talaga ang blacklist at kung ano 'man ang laman 'non." "Villiegas!" sigaw ni Jeon mula sa itaas na kinatingin ni Kale. Napatingin si Elliseo at Creon sa itaas matapos marinig ang boses ni Jeon. Binaba ni Elliseo ang hawak na dustpan na dapat ihahampas nito kay Creon at sinagot ang babae. "Ano 'yon?" "May alam kayo sa blacklist na hawak ngayon ng organization niyo?" tanong ni Jeon na kinalaki ng mata ni Kale. Kumunot ang noo ni Creon sa idea na kung meron sa tingin ba ng dalaga sasabihin nila iyon. "Meron," sagot ni Elliseo na muntikan ng ikatumba ni Creon sa kinatatayuan matapos marinig iyon. "Master!" Napanganga si Kale matapos makita ang mabilis na pagsagot ng mafia boss. "Nasaan?" tanong ni Jeon na kina-pokerface ni Elliseo. "Ano bang klaseng blacklist ang tinutukoy mo?" sagot ni Elliseo. Kumunot ang noo ni Jeon matapos pumasok ang idea na pinaiikot-ikot lang ng lalaki ang tanong na iyon. "Nevermind, wala akong mapapalang matinong sagot sa iyo." "Dahil hindi mo nililinaw kung anong blacklist ang hinahanap mo." "Kaya niyo ba kinidnap si master dahil sa pesteng blacklist na iyan? What the heck— hindi kailangan ng mga Villiegas ng blacklist at hindi din iyon itatago ni master. Kung about iyon sa mga data na under ng black sector. Hindi namin kailangan magnakaw ng blacklist dahil may mga informant kami." "Sa tingin niyo may mga bagay pa kaming dapat malaman sa kapirasong papel na hinahanap niyo kung dumadaan muna sa organization ng Villiegas ang data bago makarating sa lethals at iba pang organization?" Napatigil sina Jeon at Kale matapos marinig iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD