Nasa garden si Knight ng mga oras na iyon at umiinom ng kape. Mula ng mawala si Lemon, ay ngayon lang talaga siya hindi uminom ng alak. Tunay na kape ang iniinom niya sa mga sandali na iyon. Kasama din niya doon ang daddy niya, si Matthew, si Paul at ang daddy ni Lemon na si Jhon. Hinihintay nila ang pagdating ni Det. Santos na katatawag lang, at nasa byahe na ito pabalik ng Maynila kasama si Tommy at Mike na siyang pakay ng detective. Hindi man kasama ng mga ito si Lemon, ay mas maayos pa rin ang kalagayan nila ngayon. Kay sa noong clueless sila kung nasaan ang dalaga. Ngayong alam na ni Knight kung nasaan si Lemon ay gusto na sana niyang puntahan ito. Pero nakiusap sa tawag ang dalawang kasama ni detective na kung maaari ay magkausap muna sila bago puntahan si Lemon kung nasaan man it

