Pagkarating ng resorts ni Mike at Tommy ay pinuntahan na kaagad ni Maya ang mga ito para kunin ang pabili niya sa dalawa. "Nasaan na? Akin na." Excited pa nitong sabi. "Parang ikaw ang gagamit ah. Oh ayan, baka naman kulangin ka pa, binili ko na ay lima. Happy." Sabay lagay ng supot na kinalalagyan ng kanilang binili sa nakalahad na kamay ni Maya. "Ang sweet naman talaga ni Ninong Tommy at Ninong Mike. Pero iyong pabili ni Lemon nabili ba ninyo?" "Oo naman hindi namin kinalimutan. Ninong talaga kami?" Tanong ni Mike. "Oo kayong dalawa ako nagsabi eh. Sige na magluto na kayo, para makakain na tayo mamaya." Wika ni Maya at iniwan na ang dalawa sa kusina. Pinuntahan naman ni Maya si Lemon na ngayon ay nagwawalis na ulit malapit sa may pool. "Lemon, tama na iyan, halika dito." Tawag ni

