Lampas alas onse y media na ng gabi ng makarating sila ng Maynila. Pero si Lemon hindi man lang yata nakaramdam ng antok. Si Mike at Tommy naman ay nakailang pagpapalitan sa pagdadrive. "Oorder na lang ba tayo ng madami? Pwede naman tayong uminom sa condo, syempre, hindi kasali sa inuman si Lemon. Tayong tatlo lang." Wika ni Mike. "Pwede namiss ko na ring uminom, sayang lang sana kung pwede tayo sa loob ng bar. Kaso hindi naman pwedeng iwan dito si Lemon." Tugon ni Tommy. "Okay lang naman ako dito, basta pag nakapagpaluto kayo kay Knight dalahin ninyo agad sa akin ha." Halos matakam na naman si Lemon ng maisip niya ang pagkain na gusto niya. "Basta pag naipagluto ka ng tatay ng baby mo, sa condo na lang kami iinom. Doon mo na lang din kainin ang request mo. Sana lang mapapayag natin ng

