Matapos sabihin ni Knight kay Lemon na magpapakasal na sila sa mga oras na iyon ay napatango na lang siya. Hindi niya alam ang nais iparating ni Knight, lalo na at ng makita niya ang oras sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kwartong inuukopa niya ay alas dyis na ng gabi. Ginising din ni Knight si Alice na mahimbing na natutulog, habang nakaunan sa mga hita ni Paul. Mumukat-mukat man ito pero bigla ring nagising agad ng malamang gising na siya. Nilapitan kaagad siya ni Alice. Gusto man siyang yakapin nito, pero hinawakan na lang nito ang kamay niya, at hinaplos ang kanyang mukha. "Mabuti na lang at gising ka na kambal. Hindi ako mapakali ng mawala ka. Lalo na ng nakita ka na nga at wala namang malay. Pero mabuti na lang gising ka na. Sure na matutuwa sina mommy." Masaya wika ni Ali

