Tatlong araw mula ng mailigtas nina Knight sina Lemon sa kamay nina Aster. Si Maya, Tommy at Mike naman ay sa unang araw palang ay nakarecover na. Pero hanggang ngayon ay nasa ospital pa ang tatlo. Habang si Lemon ay tatlong araw pa ring wala malay. Hindi na umaalis si Knight sa tabi nito. Halos wala pa din itong sapat na tulog kahit naman sinasabihan ng pamilya niya na umidlip muna. "Knight matulog ka muna." Ani Alicia at naupo sa tabi ng anak. "Sorry po mommy, hindi ko nabantayan ng ayos si Lemon kaya naman umabot sa ganito. Sorry po. Daddy sorry po talaga." Nakatungong sambit ni Knight kay Alicia at kay Jhon na tumabi rin kay Alicia. Hawak naman ni Alicia ang kamay ng wala pa ring malay na si Lemon. Daddy at mommy na rin ang tawag ni Knight sa mga magulang ni Lemon, kahit hanggang ng

