Natuod naman si Lemon mula sa kanyang kinatatayuan dahil na narinig niyang sinabi ng babaeng kamukha niya na hanggang ngayon ay mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. "K-kambal! Aurora!" Umiiyak pa ring sambit nito. "Miss na miss na kita. Buhat ng nagkaisip ako at nalaman kong mayroon akong nawawalang kakambal. Mula noon inisip ko na kung nasaan ka na kaya, kung ayos lang ba ang kalagayan mo? Kung, kung magkikita pa ba tayo. Aurora. Kapatid ko." Hindi naman mapigilan ni Lemon ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. May kung anong saya na hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Gumanti naman siya ng yakap sa babaeng wala pa ring tigil ang pag-iyak. Hanggang na nakita niya ang mag-asawang una niyang dinalhan ng kumot. Sa pagkakataong iyon, alam na niya kung sino ang kamukha noong

