One month later.... Isang buwan ang lumipas mula ng makilala Lemon ang tunay niyang pamilya. Mula din ng araw na iyon ay pinag-usapan na ang tungkol sa kasal ni Lemon at Knight sa simbahan. Hindi na rin umalis ng bansa ang mga magulang ni Lemon at Knight. Mas pinili na lang ng mga ito na magstay ng Pilipinas para magkasama ang mga anak. Sa buong durasyon ng pagstay nila ng Pilipinas ay sa hotel na lang sila tumuloy. Doon na rin muna tumira si Knight. Ang bar ay iniwan niya sa pamamahala ni Eliza. Tinanggap naman nito ng buong puso ang buong pamamahala sa kanyang negosyo. Tulad noong paalis-alis pa siya ng bansa. Ngayon ay nasa simbahan na si Knight at hinihintay ang oras na dumating ang kanyang mapapangasawa. "Congrats bro." Bati ni Paul na siyang pinaka bestman ni Knight. "Thanks

