Ilang araw ng hindi makauwi si Knight sa bar. Masyado siyang nagipit sa hotel, ng magreklamo ang isang guest na nawawalan daw ito ng pera. Two hundred thousand is a small amount for him. But the guest didn't want to settle the case. They want to file case with further investigation. Bagay na iniiwasan niyang mangyari. Hindi sa takot siya sa isasampang kaso ng mga ito sa hotel nila. Kundi, ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang Kuya Matthew niya. Matagal ng dapat siya ang dapat humahawak ng hotel, pero busy siya sa bar. Tapos minsan lang siya tumayo sa pwesto ng kuya niya na hindi naman magtatagal ay nagkaroon pa ng problema. Ilang beses nilang nareview ang cctv ng hotel room ng kanilang guest. Pero wala naman silang nakakita na pumasok na kahina-hinala. Lumalakad ang imbestigasyon, pero nak

