Shawn's POV "Are you sure? Hindi na lang ako sasama Erin." [I'm fine. Sumama ka na, Shawn 'wag mo kong alalahanin.] "Bu—" [Sumama ka na Shawn.] Mga ilang minuto pa kami nag-usap at pagkatapos ay ibinaba ko na rin ang tawag dahil bawal siyang mapuyat. Tumingin ako sa orasan sa kwarto ko. Mag-9 na at ang sabi ni Sid ay 10 ang simula ng party. Bumangon ako para mag-ayos ng sarili. Shet, ano nga pa lang susuotin ko? "Eto?" "Okay lang p—" Hinubad ko iyon at ibinato. Ang pangit, masyadong fitted, mukhang akong suman. "Ayoko nito, mukha akong tanga." *hubad, hagis* "Eto naman mukha akong rapper." *hubad, hagis* "Kingina wala na bang mas titino pa dito?" *hubad, hagis* "How do I look?" tanong ko kay Fred "Young master, ano po bang pupuntahan niyo?" balik na tanong niya sa akin.

