Jade's POV Natatawa akong umakto na parang estatwa at ginaya ang postura ni Mama Mary. Habang patuloy sa pagakto ay nabigla ako ng higitin ako ni Shawn at mabilis na hinalikan sa noo. "COME BACK, PUTANGINA COME BACK!" sigaw ni Ace habang nakatayo pa at nakaturo sa amin na ani mo'y nakuha niya ang tamang sagot. Biglang bumitaw sa akin si Shawn at tumalikod, alam ko—alam na alam kong nagmumura na siya ng paulit ulit. Natahimik ang lahat ng mga ilang minuto dahil sa nangyari. Dirty looks from your mother Never seen you in the dress that color, no It's a special occasion Not invited but I'm glad I made it, oh Ngunit agad din kaming nagbalik sa reyalidad ng tumugtog ang isang kanta na nagpaingay sa buong bar. Umupo muna ako sa tabi ni Bea at kinuha ang orange juice ko na hindi pa naba

