Chapter 20

1217 Words
Thrid Person's POV "Michiba, anong balita sa pinapagawa ko sayo?" madilim na sabi ng matandang lalaki sa imbestigador. "Sir, ginagabi pong umuwi ang anak niyo kasama lagi 'yung mga kaibigan niya." sabi ng imbestigador sa matandang lalaki. Napaharap ang matanda sa imbestigador nang nakakunot ang noo na tila parang nagtatanong kung anong dahilan. Nakuha naman ng imbestigador ang gustong ipahiwatig ng matandang lalaki. "Sir, lagi pong nasa bahay ng babae ang inyong anak." magalang na sabi nito. "At sabi po ng butler sa mansion nila ay lagi pong napunta ang mga kaibigan ng iyong anak sa mansion." dugtong pa nito. "At bakit?" tanong ng matanda. "Simula po nang sabihin ng inyong anak na─ "Now, I get it." ma-awtoridad na sabi ng matanda. "Siguraduhin mong lalayuan ng anak ko ang babaeng 'yon. Ayokong kumalat sa Business World na ang tagapagmana ng Alonzo ay magkakaroon ng cheap na girlfriend." dugtong pa nito "Certainly, Sir." sagot ng imbestigador at umalis na. Shawn's POV "Fred, nasaan na 'yung cellphone ko?" tanong ko kay Fred. Potek! Nawawala pa ata eh. Baka nagtext na si pantal. Susunduin ko pa naman 'yon. "Young master eto na po." sabi ni Fred at inabot sakin 'yung cellphone ko. Dali dali akong umalis. Dialing Pantal... [Oh bakit?] "Nasan ka?" tanong ko [Nasa bahay pa, binibihisan ko pa─] "I'll pick you up." sabi ko at pinatay na ang tawag at pinaharurot ang motor ko. Sabado ngayon at walang pasok sila pantal, pero may practice si Jervin para sa play nila sa school at may practice naman ako ng basketball. Psh! Sabi ko naman kasi kay coach hindi muna na ko magpa-practice. Potek ayaw pumayag! Bilhin ko kaya 'yung H.U.? After 15 minutes nakarating na ko kila pantal. "Kuyaaaa!" sigaw ni Jervin at tumakbo na papalapit sakin agad kong kinarga. "How's your day dude?" tanong ko "I'm perfectly fine dude." nakangiting sagot nito.  Lumabas na si pantal at sinarado ang gate nila. "Tara na?" sabi ko at kinuha ang mga gamit na dala niya. Napatigil siya bigla na parang bang nagulat. Problema netong abnormal na 'to? "Bakit?" tanong ko "'Yung totoo Shawn?" Ano na naman ba 'yon? "Ano?" inis na tanong ko. "D'yan tayo sasakay? Paano si Jervin?" tanong ni pantal at saka tinuro 'yung motor ko. "Tss! Si Jervin nagrequest sakin na'n kaya 'yan talaga 'yung dinala ko." paliwanag ko. Bakit totoo naman eh. "Ate, let's go na!" sabi ni Jervin "Tara na dude." sabi ko at inalalayan si Jervin na umupo na sa unahan ko. Tumingin ako kay pantal na hindi pa naangkas. "Hinihintay mo dyan pantal─" "Pasko." nakatawang putol ni Jervin sa sinasabi ko sa ate niya. "HAHAHAHA Nice one, dude." sabi ko at nagfist bomb kami. Mayamaya ay sumakay na si pantal at kumapit sa balikat ko. "Oy pantal bat d'yan ang hawak mo?" tanong ko. "Oh bakit anong masama sa hawak ko?" inosenteng tanong nya Pucha napakaslow talaga ng babaeng 'to eh. Kinuha ko ang dalawang kamay niya at ipinulupot ko sa bewang ko. "Ayan! D'yan ka kumapit." sabi ko at inaayos ko na 'yung motor ko. Pinaandar ko na 'yung motor ko. "Oy Shawn!" tawag nya sakin. "Oh?" tanong ko at tumingin sakaniya sa salamin. Nakasimangot siya sakin. Problema netong flat chested na 'to? "Kung ano anong tinuturo mo d'yan kay Jervin. Tingnan mo makakatikim ka talaga sakin." banta niya. Tss! Asa namang matakot ako 'no? Pwet niya HAHAHA! "Oh anong matitikman ko?" tanong ko sakaniya. "Eto." sabi nya sabay pakita ng kamao niya. "Ay akala ko 'yung ano na." bulong ko "Anong ano?" tanong naman niya. "Wala! Sabi ko ang cute mo..." sabi ko sa kaniya. Jade's POV "Wala! Sabi ko ang cute mo..." sabi niya sakin na ikinapula ng pisngi ko. Bakit ang init? Hoooo! "Ang cute mong ihulog." sabi pa nito na ikinakunot ng noo ko. Tss! Bwisit talaga! After 20 minutes nakarating na kami dito sa school ni Jervin. Bumaba na ko sa motor at ganun din naman ang dalawa. Inihatid na namin si Jervin sa loob bago siya pumasok ay lumuhod muna ako para ibigay 'yung bag niya. "Jervin Dyllan, magpakabait ha? Wag pasaway. Susunduin ka namin dito after ng practice mo." sabi ko, tumango naman siya at hinalikan ko siya sa lips. "Bye dude, bye Ate!" paalam nito at pumasok na sa loob. "Potek sa tagal dude!" sigaw ni Ace sabay hagis ng bola kay Shawn. "Pake?" seryosong tanong naman ni Shawn. "Uy, hi Jade!" nakangiting bati sakin ni Trick. "Hello." bati ko din sa kaniya "Bat ka pala kasama ni Shawn?" tanong nito sakin. "Si Jervin kasi gustong makipagbonding kay manyak ngayon kaya tinawagan ko siya na kung siya ang maghatid sundo samin ngayon. Kaya ako kasama ni manyak kasi ang kapalit ng pagpayag niya ay pagsama ko sa kaniya dito at paghahanda sa kaniya ng lunch." paliwanag ko kay Trick. "Ahhh..." makahulugang ngiti lang ang iniwan ni Trick sakin at umalis na. Trick's POV "Oy maharot na lalaki, halika dito." tawag ko kay Ace. "Oh?" sabi nito pagkalapit na pagkalapit sakin. "Tingnan mo sina Jade." sabi ko sabay nguso sa pwesto nina Jade at Shawn na nakain. Si Shawn kasi sinusubuan si Jade, si Jade naman ayon as usual nakasimangot. Mukha kasing enjoy na enjoy si Shawn sa pagbe-babysit nya kay Jade. "What the fudge!" gulat na reaksyon ni Ace. "Seriously men, anong nakain ni Shawn?" nagtatakang tanong naman ni Ace. "Hindi ko nga rin alam eh HAHAHA Yaan na, mukhang mananalo tayo sa pustahan." sabi ko "Oo nga! Picturan ko nga para maipakita kina Sid at Jake bukas." wagas kung makangiti si Ace habang kinukunan ng picture sina Shawn. Tangina ako kinikilabutan sa dalawang 'yun eh. Psh! Nakakamiss tuloy si Bea. Next time nga maisama 'yun dito. "Grabe ka naman d'yan babe. Mamaya sa condo ko." "Hihihi. Sige babe." sabi naman nitong malanding babae. Malamang sa alamang, cheerdancer 'tong higad na 'to. Tss! "Oy maharot!" sigaw ko kay Ace "Bakit na naman?" inis na tanong nito. "Mamaya ka na makipaglampungan, simula na practice." sabi ko at tumayo na. Ganun din naman si Ace Jade's POV "Back to practice na!" sigaw ni manyak habang nagpupunas ng pawis. "Manyak!" tawag ko dito "Hmm?" "Bibili lang ako ng pagkain ha?" sabi ko Napatingin naman ito sakin. "Kakakain pa lang natin ah?" nagtatakang tanong neto. "Gusto ko bigla ng tortillos eh." sabi ko "Tss! Patay gutom eh." sabi ni manyak Aba! Eh sa bigla na lang hinanap ng tiyan ko eh. "Pak─" "Tara na!" sabi niya sabay kapit sa kamay ko. 'Dubdub.. Dubdub..' Hala? Bakit ganto? Para saan 'yon? "Hoy pantal tara na!" sigaw sakin ni manyak "Ha? Ah.. eh. Tara na HAHAHA" sabi ko at nagpadala na sakaniya. "Oy kayo muna d'yan ha? Dapat pagbalik ko. Ready na, maglalaro tayo." sigaw ni manyak sa mga players. "Saan punta dude?" tanong samin ni Ace. "Wala ka na don!" sigaw ulit ni manyak. Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kamay namin ni manyak. Ba't ganto? Ano 'to? Sobrang strange na nang nararamdaman ko. Kanina nu'ng nakasakay kami sa motor nu'ng sinabihan niya ko ng 'cute' parang may kung ano sa tiyan ko. Tapos ngayon namang magka-holdinghands kami, ganu'n din ang nararamdaman ko. Psh! Kailangan ko na atang magpacheck-up. Sobrang strange at weird na ng nararamdaman ko. Promise! Baka mamaya na'n 'di na ko makahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD