Chapter 19

1093 Words
Jade's POV "Uy ano bang magandang ibigay kay manyak?" tanong ko kay Ace "Magsorry ka na lang kasi Jade." sagot ni Ace sakin. "Ayoko! Di kakayanin ng pride ko yun Ace!" sabi ko dito at hinila ko ulit ang laylayan ng coat nito. Tumingin ito sakin at saka ako inakbayan. "Bigyan mo ng kiss si Shawn sa cheeks. Siguradong sigurado akong napapatawad ka na nun." sabi nito at saka ako nginitian ng nakakaloko. Ugh! Walang matinong maidudulot tong pagtatanong ko kay Ace. Umalis na lang ako sa rooftop at nagpuntang cafeteria. Nagugutom na ko. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko sina Trick at Shawn. Napansin kong malamig din ang pakikitungo nito sa akin. Ano bang gagawin ko? Ayoko namang magsorry! Liliko ba ako ng ibang daan? O--- "Jade saan ka pupunta?" tanong sakin ni Trick. "Ah..eh ano sa caf--eteria lang." Bakit ako nauutal?! "Uy tamang tama pre, dun din ang punta mo diba? Sama ka na kay Jade." sabi ni Trick kay Shawn na ikinatingin naman sa akin ni Shawn. Shoot! His eyes! Ang lamig. Isip ka ng paraan Jade! Dapat maayos mo na to. Ugh! Walang ano ano ay hinigit ko si Shawn sa kamay nito at dinala sa likod ng HRM Building. "What now?" malamig na sabi nito Uh-oh! Mukhang lalo pa atang nagalit sa akin. "Uhmm.. Manyak! Ano kasi." "Ano?" Isa na namang malamig na salita ang pinakawalan nya. Ang hirap! Ang hirap namang sabihin sa kanya ng sorry eh. Lumapit pa ako sa kanya at niyakap sya. Napatigil sya, nanigas ang buong katawan nya. Effective kaya? Ayoko kasing magsabi ng 'sorry' eh, parang di ata kakayanin ng ego ko. Tsk! Akala ko ay itutulak nya ko. Akala ko sisigawan nya ko. Akala ko aasarin nya ko. Akala ko lang pala. Nanatili kaming magkayakap ng ganun. Shawn's POV "Oy Shawn kahapon pa ko kinukulit ng kinukulit ni Jade ha. Magbati na nga kayo! Potek." sabi ni Trick sakin "Oh tapos?" tanong ko naman dito. Kahit naman na di ko pinapansin si pantal gusto ko pa ring malaman kung apektado ba sya sa di ko pagpansin sakanya. "Tanong ng ta-- speaking of ayan na sya makakasalubong natin." sabi nito Uh, agad akong napatingin sa direksyon kung saan nakatingin si Trick. Nakita nga namin sya na papalapit na samin. "Jade saan ka pupunta?" tanong sakanya ni Trick. "Ah..eh ano sa caf--eteria lang." di mapakaling sagot nito. Kinakabahan ba sya? Tss! "Uy tamang tama pre, dun din ang punta mo diba? Sama ka na kay Jade." sabi naman ni Trick kay na ikinatingin naman ni pantal sakin. Umalis na si Trick at kaming dalawa nalang ang natitirang nakatayo dito. Halatang di nya alam ang gagawin nya. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon. Mayamaya ay nagulat ako ng hingit ako ni pantal at nagtungo kami sa likod ng HRM Building. Anong gagawin namin dito? Mukhang wala syang balak magsalita kaya umimik na ako. "What now?" sabi ko dito "Uhmm.. Manyak! Ano kasi." kinakabahang sabi nito "Ano?" tanong ko ulit dito. Mukhang hindi na naman sya magsasalita kaya akmang aalis na sana ako ng bigla syang lumapit kaya napatigil ako at tinginan sya sa mata. 'Ano na naman ba pantal? Kapag di ka pa talaga umalis dyan sa harapan ko hahalikan na kita.' Oh sh.t! Tanga mo Shawn! Buti di mo nasabi ng malakas. Tingnan ko ulit sya at nagulat na lang ako ng yakapin nya ako. Shit! Napatigil ako na para bang nanigas ang buong katawan ko. Tss! Jade bat ang unfair mo ata ngayon? Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon. Makalipas ang ilang sandali ay bumitaw na sya. "Oy manyak. Bati na tayo?" tanong nito Umiling ako. Gusto ko muna syang asarin. Kinagat nito ang ibabang labi nya at saka tumingin sa ibaba. Ha? Pakshet! "Oy Jade bat ka naiyak? Hindi kita dyan inaano ha." sabi ko sakanya. Langya tong si pantal naiyak. Tangina! Lakas talaga ng topak nitong babaeng to! "Hoy Jade, problema mo?" tanong ko ulit dito Tumingin na ito sakin habang kagat kagat pa rin ang ibabang labi nito. "Ang arte arte mo! Nakikipagbati na nga ko sayo." sabi nito at umiiyak pa rin. Ayoko talaga sa lahat ng may nakikita akong naiyak. Nababadtrip ako! Imbes na mainis sakanya ay natawa pa ko. "Oh anong tinatawa tawa mo? Ang arte mo!" inis na sabi nito at aalis na sana ng hilahin ko sya at isinubsob sa dibdib ko. Abnormal talaga to. Sya na nga may kasalanan sya pa may ganang magalit. Pfft! "Seryoso pantal wala talaga kong maramdaman." sabi ko dito "Ha?" tanong nito sakin. Abnormal na nga slow pa. "Wala!" natatawang sabi ko Hinampas ako nito sa likuran. "Para saan yon?" tanong ko. "Di ko alam yang mga pinagsasabi mo pero sigurado akong kamanyakan na naman yan!" sabi nito sakin at saka tumingala. "Oh ano nga yung sinabi ko?" natatawang tanong ko. "Di ko alam!" sabi nya at sumubsob ulit sa dibdib ko. Chansing! HAHAHAHAHA Jade's POV "Oy manyak, magcu-cut tayo?" tanong ko dahil first time kong magcu-cutting classes. Tumango ito. Hala ka! "Balik na tayo! May quiz pa kami sa Physics." sabi ko at hinihila na sya pabalik ng building namin. "Wala si Gorso kaya wala kayong Physics at vacant nyo ng 2 hours diba?" sabi nito "Seryoso wala si Ma'am Gorso?" tanong ko. Tumango ito. Kaya nagpadala na lang ako sakanya. Nandito kami ngayon sa garden dahil ayaw nya daw sa cafeteria. "Pantal save mo nga number mo dito." sabi nito sakin sabay abot sakin ng bagong cellphone nya. BAGONG iPhone! Sinave ko naman at agad na binalik sa kanya. "Hawakan mo muna." sabi nya at humiga sa may hita ko. Inilagay ko naman sa bag ko yung cellphone naming dalawa. "Ay meron pala kong toblerone dito sa bag." sabi ko Agad na bumangon si Shawn at kinuha ang hawak kong toblerone. "Oy manyak! Amin na yan!" sabi ko Tumayo ito at itinaas pa ang chocolate na hawak nya. "Penge ako pantal." sabi nito at itinaas pa talaga nya para hindi ko maabot. "Bumili ka na lang ng iyo. Ang dami dami mo namang pera!" sabi ko sakanya. "Hati na lang tayo!" sabi nya at tumalikod sakin "Ay---Aaaaahhhh!" Wadapak! Wala ni isa ang nagsalita sa amin. Makalipas ang ilang segundo ay nagsalita na sya. "Hahalikan kita kapag di mo ko binigyan." sabi nito "Halikan mo!" nakangiting sabi ko at tumayo na sa pagkakadagan sa kanya. Dahan dahan kong inangat ang hawak kong toblerone. "Weak!" sabi ko sabay takbo dala dala ang bag ko. "Humanda ka sakin Jade! Ang damot mo!" sigaw nito sa akin pagkabangon nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD