Chapter 18

1121 Words
Shawn's POV "Jade sasabay na ko kay Trick na kumain. Ikaw?" tanong nu'ng babae ni Trick kay pantal. "A-ah.. eh. Sa cafeteria na lang ako kakain muna." sabi nito at palihim na iniwas ang mga mata niya sa akin na kanina pa nakatingin. Ano 'yun? Para saan 'yun? "'Di ka sasabay sakin?" tanong ko dito "Uhmm... Hindi muna, may group project pa kasi kami na kailangang tapusin eh." paliwanag nito. "Group project?" nagtatakang tanong naming lahat. "Eh kakatapos lang ng exam ah?" mausisang tanong ni Trick kay Jade. Oo nga! Kakatapos lang ng exam nu'ng isang araw. "A-ah sige pupunta na kong cafeteria." sabi nito at umalis na. "Problema nu'n ni Jade?" tanong sakin ni Ace. "Malay ko." sabi ko Bakit parang feeling ko iniiwasan ako ni pantal? May nagawa ba ko? Pero nu'ng last week pa siya ganito eh hanggang ngayon. "Tsk! Abnormal." sambit ko na lamang sa sarili ko. Tinamad akong kumain kaya naglaro na lang ako sa cellphone ko. "Sid COC tayo. Upgraded na lahat sakin." sabi ko dito at pumayag naman ito. After 30 minutes.... "Talo ka naman Shawn!" natatawang sabi ni Sid. Badtrip! "Tsk!" sabi ko na lamang Kinalikot ko na lang yung messages ko ng biglang may nagpop-up na sms. From: +9665087***** I missed you so much Shawn. I wanted to see you now, I think I'm going to be insane when I touch you again. I can't wait. I missed your precious eyes. I missed your little nose, I missed your tiny lips. I missed you so much. I love you to the moon and back, Shawn and I always do. "f**k!" sigaw ko sabay hagis nu'ng phone ko. "Tangina! Ano 'yun?" Ace's POV "f**k!" sigaw ni Shawn sabay hagis nung phone niya malapit sa pwesto ko. "Tangina! Ano 'yun?" gulat na tanong naman ni Jake. Uh-oh! Beastmode si tsong. "Problema Shawn?" tanong naman ni Trick. Tiningnan lang ng masama ni Shawn si Trick at dali-daling umalis. "Nangyare du'n?" tanong sakin ni Trick "Baka nabadtrip dahil sa cold treatment ni Jade sakaniya last week hanggang ngayon." kibit-balikat na sagot ko. Aba malay ko ba sa LQ ng dalawang 'yan! 'Yung pagkagwapo ko na nga lang 'yung pinoproblema ko dito, although hindi halata na may problema rin ako, kasi nga... ehem, gwapo. Lumapit sakin si Sid na nakuha na pala 'yung cellphone ni Shawn. Hindi naman siya wasak pa talaga, may konting basag lang at mga gasgas, pero mabubuksan pa rin naman. "Ano ngang password ulit ni Shawn nakalimutan ko na eh?" tanong sakin nito. "0728 ata. Ewan!" sabi ko Tinaype naman 'yon ni Sid at bumukas nga! Tsk! Tsk! Imba na talaga kapag gwapo. Tiningnan namin ni Sid 'yung messaging niya. Dahil sa gwapong genius ako, tama ang hinala ko. May napansin kaming roaming number na kakarecieve pa lang niya. Binuksan namin 'yun ni Sid upang usisain at basahin. From: +9665087***** I missed you so much Shawn. I wanted to see you now, I think I'm going to be insane when I touch you again. I can't wait. I missed your precious eyes. I missed your little nose, I missed your tiny lips. I missed you so mu─ "Ah ok." mahinang sabi ni Sid at binato na ulit ang cellphone ni Shawn sa sahig. "Oy 'di ko pa tapos basahin!" sigaw ko kay Sid. "Kasalanan ko bang mabagal kang magbasa? Bobo mo kasi." sabi nito sakin at umalis na ito. "Gwapo naman!" pahabol na sigaw ko "Pakshet!" nagulat kami sa pagpasok ni Jake sa eksena. "Problema mo naman?" bored na tanong ni Trick. "Takte si Shawn nakikipagsuntukan sa likod ng building ng Tourism." hingal na hingal na sabi ni Jake samin. Sinundan niya pala si Shawn. "Sus wala ng bago du'n." sabi naman ni Sid. "Anong walang bago? Eh ngayon nga lang ulit 'yun nakipagsuntukan." sabi naman ni Trick. Dali-dali kaming nagsibabaan ng rooftop para puntahan si Shawn. Tangina baka may mapuruhan 'yun! Lintek! "Eh gago ka pala eh!" sigaw ni Shawn du'n sa lalaking payat. Agad kaming tumakbo para awatin siya. "Shawn, pre. Tama na!" sabi ni Trick habang hawak ang kanang braso nito at ako naman ang sa kaliwang braso. "Tangina! Bitawan niyo ko!" sigaw nito samin at tiningnan kami ng masama. Pakshet! Ang lakas ng gago! Nabitawan namin siya kaya kami naman ang nasuntok nito. "Ugh! Tangna!" daing ko habang ginagamot ni Jade 'yung sugat ko sa pisngi. "Ay sorry!" sabi nito at nilagyan na ng band-aid 'yung sugat ko. Putcha! Napalakas pa suntok sakin ni Shawn. May date pa ko bukas! Syete nga naman! "Bakit ba nakipagsuntukan si Shawn?" tanong ni Jade Nagkatinginan kami ni Sid dahil sa tanong nito. Pakshet! "Uh a..ano. Malay ko ba du'n!" sabi ko na lang at hinimas ang gwapo kong mukha. Tangina! Paano na si Carla este Carmina. Ano bang pangalan nu'n? Carsha, Caren. Basta si Carol! 'Yung date namin. Paano na? Sabi pa naman sakin nu'ng ex nu'n magaling daw 'yun sa hand at mouth job eh. Napatingin kaming lahat nang pumasok si Shawn. Mukhang nahimasmasan na ang gago! Buti naman baka manuntok na naman 'yan kaya lumayo layo na ko at tumabi kay Sid. Naramdaman kong tumabi rin sakin si Jade kaya napatingin ako dito. Halatang natakot ito kay Shawn. "Uy Ace! Kwento ka naman." pabulong na sabi nito "Anong kukwento ko?" tanong ko dito "Kung bakit ba kasi badtrip 'yang si manyak!" sabi naman nito Uh-oh! Ano nga bang dahilan? Pwede kasing; 1. Sa cold treatment ni Jade sakaniya simula last week hanggang ngayon. 2. Dahil natalo siya ni Sid sa COC kanina. at.... 3. Nagtext sakaniya si ano. "Sino?" sabi ni Jade Shit! Nasabi ko ba ng malakas? Pakshet nga naman! "Ah wala 'yun!" pagpapalusot ko dito "Hindi eh!" pangungulit nito. "Ayun oh! Basag na 'yung phone ni manyak. Baka naman 'yung pangatlong dahilan ang may sala kaya sinuntok kayo ni Trick at naghamon ng away si manyak." pabulong pa na sabi nito. Tangina! Anong sasabihin ko. Napatingin sakin si Sid kaya naman humingi ako ng tulong sakaniya at ginamit namin ang strategy nagtitigan lamang kami ay alam na agad kung anong ibig sabihin. 'Di niyo alam 'yun! Kami kaming mga gwapo lang nakakaalam nu'n. "Yun nga lang ako ang pinakagwapo samin. Naintindihan naman ako ni Sid kaya nagsalita na ito. "Jade magsorry ka na lang kay manyak mo. Feeling ko kasi ikaw ang dahilan. Baka naman kasi 'di mo siya nirereplyan at 'di mo rin sinasagot mga tawag niya sayo kaya nagalit." sabi ni Sid. Shit! Akala ko masusuffocate na ko sa pangungulit ni Jade eh. Akala ko lang pala. Pasensya na gwapo lang, nagkakamali rin. "Sa tingin niyo ako talaga may kasalanan?" another question from her. Ugh, kaya mahirap talagang maging gwapo eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD