Chapter 17

1133 Words
Jade's POV "O-ouch." daing ko dahil parang nilalagare 'yung ulo ko sa sobrang sakit. Shet na malagket! Bumangon ako at upo sa kama dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. "Ugh!" inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Nasa couch si manyak at mahimbing na natutulog. Tumayo ako para gisingin sana siya ng magflashback sakin lahat ng nangyari kagabi. -flashback- "Next!" sigaw ni Shawn at pinaikot naman ni Trick 'yung bote, tumapat ito kay Ace at sakin. "Ako na naman?!" gulat na sabi ko. "Swerte mo!" komento naman ni Ace "Ang daya ha!" inis na sabi ko. "Truth or dare?" tanong ni Ace sakin "Dare." bored na sagot ko. Para maiba naman. "Uminom ka ng tatlong shot." utos ni Ace Sinunod ko naman 'yung utos sakin ni Ace, ang sarap kaya nu'ng alak lasang apple. "Gago ka! Hindi sanay 'yan!" sigaw ni Shawn kay Ace. "Anong 'di sanay? Tingnan mo nga." sabi nito at itinuro ako na katabi niya. Sinunod sunod ko naman ang inom ko dahil nga nasarapan ako sa lasa nu'ng alak. Kahit nahihilo ay nilagok ko pa rin ang huling baso dahil ayokong sagutin ang tanong nila sa akin. Nagtawanan kami dahil sa inasal ni Ace na mukhang lasing na. Parang umiikot ang paningin ko kaya tumungo muna ako sa lamesa habang natawa. Saglit akong pumikit at paggising ko ay nakahiga na ako sa kama. Lumabas na si Shawn galing banyo na mukhang kakatapos lang maligo. "Hi Shawn! Hihihi." sabi ko Dinambahan ko siya at iniyakap ang mga hita ko sa bewang niya pagkatapos ay isinuksok ko rin ang mukha ko sa leeg niya. "Ugh! s**t!" mahinang mura niya Tumigil ako sa pagkagat sa leeg niya at itinapat ang mukha ko sa mukha niya sa ako ngumiti. "Your lipsh! I want your lipsh!" sabi ko habang nakangiting itinuturo ang labi niya. Itinikom niya ang bibig niya.  Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng sando niya saka ko hinawakan ang abs niya kaya bumuka ang bibig na naging dahilan para mahalikan ko siya sa labi. Hindi na pumalag pa si Shawn kaya nagpatuloy ako sa paghalik sa labi niya. Nanlaki ang mata ko ng sa wakas ay lumaban na rin siya. Ginantihan niya ang mga halik ko. Naramdaman ko na lamang na lumakad siya ng konti at tumigil din. Dahan-dahan niya akong ibinaba at naramdaman ko na lamang ang malambot na kama. Nakapatong pa rin siya sa akin, nakayakap pa rin ang mga hita ko sa bewang niya, nakapulupot pa rin ang braso ko sa leeg niya, nakaalalay pa rin ang dalawa niyang kamay sa bewang ko. Mas lumalim pa ang bawat paghalik namin sa isa't isa. Saglit siyang tumigil sa paghalik sa akin at tiningnan ako saglit. "Ang init Shawn~" sabi ko Tinanggal niya ang pantaas na suot ko at tangging ang bra ko na lamang ang natitirang pantaas ko. Tumingin siya sa akin kaya naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Umungol ako nang halikan niya ang leeg ko. Naramdaman ko rin ang maingat niyang pagkagat sa leeg ko, pati na rin ang pag-iwan niya ng maliit na halik dito. Patuloy na rin nag-gagala ang kamay niya sa buong katawan ko. "Shet!" mahinang mura niya ulit at saka siya tumigil sa paghalik sa leeg ko. Umupo siya sa may dulo ng kama at tumayo na para kumuha ng sando niya. Lumapit siya sa akin para ikinabit ko ulit ang bra ko at isuot ang sando ko. "Ayokong magshando!" angal ko kaya pumatong ulit siya sa akin. "Hihihi. Absh!" sabi ko at hinaplos haplos ang kaniyang abs. Mayamaya ay humiga siya sa tabi ko at hinayaan niya lang ako na haplusin iyon. "Shawn kish~" nakangusong sabi ko "Ayoko!" sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Pleashe kish!" pangungulit ko kaya wala na siyang nagawa kun'di ang halikan ako saglit sa noo. "Satisfied?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng malaki. Pagkatapos nu'n ay tumahimik na ako at yumakap sa kaniya at isinuksok ulit ang mukha ko sa leeg niya. Yumakap din siya sa akin at hinigpitan niya iyon. "Shawn?" tawag ko "Hmm?" tanong niya at humarap siya sa akin at saka niya ako tiningnan sa mata. "Kulit mo, bawal ka ng uminom sa susunod." sabi niya "Crush kita!" sabi ko sa kaniya at hinalikan ulit siya sa pisngi. -end of flashback- Oh shet! Anong kagagahan ang pinaggagawa mo kagabi Jade?! "Nakakahiya!" mahinang sabi ko sa sarili ko at tumalikod sa pagkakaharap sa tulog na Shawn. Tumayo ako at pumunta sa CR, humarap ako sa salamin. "Nagkiss ulit kayo! Hindi lang basta halik! Matagal na halik ang hiningi mo Jade! Nababaliw ka na talaga Jade! Ngayon anong mukha ang ihaharap mo kay Shawn ngayon ha? Ugh!" inis na sabi ko sa sarili ko. Umupo ako sa may bowl at sinabunutan ang sarili kong buhok. "Ugh!" Dali dali ako nagbihis at nag-ayos ng sarili bago pa magising si Shawn. Pagkalabas ko ng kwarto niya ay huminga ako ng maluwag. "Sino ka?" Napalingon ako sa boses na iyon. "Uh, magandang umaga po, ako si Jade. Ako po 'yung student buddy ni Shawn." sabi ko sa matandang kaharap ko. "I see, hindi sa akin na sabi ni Mr. Somber na 24/7 ang pagbabantay mo sa apo ko." natatawang sabi ng matandang 'to. "Po?" nahihiyang sabi ko "Wala, kumain ka na ba?" tanong niya sa akin "Nako, 'wag na po. Aalis na rin naman po ako." sabi ko "Bakit? Hindi mo ba hihintayin magising si Shawn?" tanong niya. "Nako 'wag na po." sabi ko habang iwinasiwas ang kamay ko na tanda ng pagtanggi. Shit, hindi niya pwedeng gisingin si manyak. "Papahatid na kita kay Fred." "'Wag na po, kaya ko naman po." muli na namang tanggi ko "I insist, iha. Fred, ihatid mo 'tong friend ng apo ko." Nanlaki ang mata ko. Shawn's POV "Nang!" sigaw ko pagkalabas na pagkalabas ko galing kwarto ko. "Bakit anak?" tanong niya sa akin. "Nakita niyo po si Jade?" tanong ko "Ah, 'yung babaeng maganda 'ga? Ayun, umalis na at ipinahatid ng iyong lolo." sabi ni Nanang Baby. "Nasaan po si tanda?" tanong ko "Nasa dinning area, nakain na ng almusal." Agad akong bumaba at pumunta sa dinning area. "Tanda nasaan si Jade?" tanong ko dito "Ah 'yung student buddy mo ba? Kaaalis lang pinahatid ko kay Fred." sagot nito at nagpunas na ng kaniyang bibig. Umupo na ako sa hapag kaharap ng matandang ito. "Kumusta apo? Kwento ka naman, dali." Napatigil ako sa pagsubo ng bacon at nakakunot noong tumingin sa kaniya. "Anong pinagsasabi mo?" inis na tanong ko "Anong nangyari sa inyo kagabi nu'ng "student buddy" mo?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. "Nakakabadtrip ka talagang matanda ka!" sigaw ko rito at padabog na inihagis ang table napkin sa kaniya. Kinginang matanda 'yon, ang tanda tanda na puro pa kalokohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD