Chapter 16

1042 Words
Shawn's POV "Kung papipiliin ka sa dalawa? Shawn o Hiro?" Ha? Anong klaseng tanong 'to? Matagal tagal din nag-isip si Jade. Kung hindi ko pa siya pinitik sa noo. "Aray!" daing nito "5 minutes na, wala ka pa ring sagot." sabi naman nu'ng babae ni Trick (Bea) "Ahh a─ayoko ng tanong niyo masyadong madali. Shot ako!" sabi niya at ininom 'yung dalawang baso. Sanay bang uminom 'tong babaeng 'to? "Ugh!" ungol niya habang nakapikit ng mariin. Mukhang first time lang. "Next!" sigaw ko at pinaikot naman ni Trick 'yung bote, tumapat ito kay Ace at sakaniya ulit. Langya! HAHAHAHAHAHA "Ako na naman?!" gulat na sabi nito "Swerte mo!" komento naman ni Ace "Ang daya ha!" inis na sabi nito "Truth or dare?" tanong ni Ace "Dare." bored na sagot nito "Uminom ka ng tatlong shot." utos ni Ace "Gago ka! Hindi sanay 'yan!" sigaw ko kay Ace. Potek! "Anong 'di sanay? Tingnan mo nga." sabi nito at itinuro si Jade na katabi ko. Takte! Sinunod sunod ng walangya! Lasing na si Ace kaya iniuwi na ito nina Sid, si Trick at 'yung babae niya ay nauna na rin. Ngayon kami na lang dalawa ni Jade ang nandito. Tulog na ang walangya, kaya binuhat ko na ito papasok sa loob. Ng may nakasalubong ako na isa sa mga maid ay iniutos ko na iligpit na 'yung kalat sa pool area. "Magandang gabi, anak ko." bati sakin ni Manang Baby "Nang patulong naman, bihisan at punasan niyo nga po 'to." sabi ko "Ah sige, anak." sagot naman ni Nang Baby at sumunod samin sa loob ng kwarto ko. Lumabas ako sa kwarto ko at nagtungo sa guest room para kunin 'yung mga gamit ni Jade. Kumatok ako saglit sa kwarto ko at iniabot ang bag ni Jade kay Nang Baby. Pagkatapos ng 15 minutes ay lumabas na si Nang. "Tapos na, anak." sabi Nang at hinalikan ako sa noo bago umalis. "Salamat Nang!" sigaw ko Pumasok na ako sa kwarto ko at nakita ko na natutulog na nga si Jade. Lumapit ako sakaniya para pagmasdan siya. "Tss! Ang panget eh." sabi ko sa sarili ko. Pumunta muna ako sa walk in closet ko para kumuha ng damit na pamalit saka ako pumasok sa CR. Pagkatapos ng 15 minutes ay lumabas na ko. Pinapatuyo ko na ang buhok ko nang magsalita si Jade. "Hi Shawn! Hihihi." sabi nito sakin at kumaway pa. Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa niya, dinambahan niya ko at iniyakap ang mga hita niya sa bewang ko, isinuksok niya rin ang mukha niya sa leeg ko. "Ugh! s**t!" mahinang sabi ko sapagkat kinagat, hinalikan, dinilaan nito ang leeg ko. Takte kang babae ka! Ang init! Tumigil na ito sa pagkagat sa leeg ko at humarap sakin. Ngumiti ito ng malaki at nagsalita ulit. "Your lipsh! I want your lipsh!" sabi nito Itinikom ko ang bibig ko. Shete naman! Hinawakan nito ang abs ko kaya napaungol ako. At 'yun ang naging dahilan para tuluyan niyang angkinin ang mga labi ko. Hinayaan ko lang siya na halikan ang labi ko. Nagulat ako lalo ng ipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Pakshet! Lalaki rin ako natutukso! Pasensya Jade, nadali mo kahinaan ko. Ginantihan ko na ang mga halik niya. Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa kama ng hindi pinuputol ang mga halik. Nakapatong na ko sakaniya, nakayakap pa rin ang mga hita niya sa bewang ko, nakakapit pa rin ang mga braso niya sa leeg ko, nakahawak pa rin ako sa bewang niya. Naghahalikan pa rin kami mas lumalim ang bawat paghalik namin sa isa't isa. Parang gutom na gutom kaming dalawa. Bumitaw ako saglit sa paghalik dahil pilit niyang inaalis ang sando niya. "Ang init Shawn~" sabi nito sakin Tinanggal ko ang sando niya at ang bra niya na lang ang natitirang pantaas niya. Napatitig ako sakaniya. Namula ang pisngi niya na lalong nagpainit sa buong katawan ko. Umungol siya nang halikan ko ang leeg niya. Mas lalo akong ginanahan dahil sa pag-ungol nito. Dahan-dahan kong kinagat ang leeg niya, nag-iwan din ako ng maliit na halik dito. Patuloy na nag-gagala ang kamay ko sa buong katawan niya. Hanggang sa mahawakan ko ang hook ng bra niya. "Shet!" mahinang sabi ko ulit at saka ako tumigil sa paghalik sa leeg niya. Napaupo ako sa may dulo ng kama at napasabunot ako sa buhok ko. "Tangina! Hindi pwede, lasing lang siya kaya niya 'yun nagagawa. Wag kang magpadala Shawn! 'Wag!" sabi ko sa sarili ko at tumayo na para kumuha ng sando ko. Lumapit ako sakaniya ikinabit ko ulit ang bra niya at isinuot ang sando niya. "Ayokong magshando!" sabi nito at nagpupumilit na tinatanggal ang sando niya. Pumatong ulit ako sakaniya dahil kapag inalis niya pa talaga ang sando niya ay baka 'di na ako makakapagpigil. "Hihihi. Absh!" sabi nito at hinaplos haplos ang mga pandesal ko. Humiga ako sa tabi niya at hinayaan ko lang siya na haplusin iyon, atleast tumigil siya sa pangungulit na maghuhubad siya. Mas okay na 'yung katawan ko lang ang mahirapan kaysa sa mata ko. "Shawn kish~" nakangusong sabi nito "Ayoko!" sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Pleashe kish!" pangungulit ulit nito kaya wala na akong nagawa kun'di ang halikan siya saglit sa noo. "Satisfied?" tanong ko dito Ngumiti ito ng malaki. Pagkatapos nu'n ay tumahimik na ito. Yumakap siya sakin at isinuksok ulit ang mukha niya sa leeg ko. Ugh! Titiisin ko 'to! Shete naman! Hinalikan niya pa rin yon ng hinalikan. Yumakap din ako sakaniya at hinigpitan ko rin. "Shawn?" tawag nito sakin "Hmm?" tanong ko Humarap ako sakaniya at saka siya tiningnan sa mata. "Kulit mo, bawal ka ng uminom sa susunod." sabi ko Pinapahirapan mo ko ngayong gabi. Tangina ang agressive at wild pala nito kapag nalalasing! Pinabayaan ko lang siya dahil alam kong kaya ko pang magtiis. Hindi pa ito pwede sa ngayon. Kahit na lagi kaming nag-aaway nito nirerespeto ko pa rin siya kahit papaano. Nagagawa niya lang 'to dahil wala siya sa sarili niya. Tumigil kami saglit dahil nakatingin ito sakin. "Crush kita!" sabi nito sa akin at hinalikan ulit ako. Takte! Pinagsasabi nito! Ugh! Lasing lang siya kaya niya 'yun na sasabi. Tama! Lasing nga lang siya ka niya 'yun nasasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD