Shawn's POV
Shit!
Muli akong napatitig sa mga kamay namin. Hindi ko pa rin ililalapat ang mga daliri ko, nanatiling nakabuka iyon. Hindi ko alam kung anong meron bakit ayaw kong ikapit ang mga kamay ko sakaniya. May side na gustong gusto ko nang ikapit ang mga ito pero mas malaki 'yung side na ayoko pa rin.
Ewan! Ang gulo.
Sa huli ay ikinapit ko pa rin ang mga daliri ko dito dahil sa... ano nga ba? Dahil sa─ano, sa ngalay na ko. Tama! Nangawit na 'yung mga daliri ko sa pagbuka nito.
Pumunta kami ni pantal sa may likod nitong park, dahil sabi ko sakaniya na mas maganda ang view doon.
"Manyak, paano mo nalaman tong lugar na 'to? Ang astig!" nakangiting sabi nito sa akin.
Tumingin ako sakaniya ng bahagya at saka nagsalita. "Matagal ko na 'tong alam, nu'ng bata pa kami nina Sid, dito kami natambay dati."
"Ahh. So magkababata kayong lima?" tanong niya sakin
"Yeah." tipid na sagot ko
Yumuko ako at tumingin sa mga kamay naming kanina pa magkahawak.
Napangiti ako bigla.
Wala siyang pakealam kahit namamasma na 'yung kamay. Wala siyang arte. Siya 'yung tipo ng babaeng walang pakealam kahit umutot, dumighay, humikab, mangulangot ako sa harapan niya.
Oo. Halos mag-tatatlong buwan na kami ni Jade na magkasama pero kahit anong gawin kong kabalastugan sa harapan niya, ay wala siyang pakealam, 'di siya nag-iinarte.
"Anoooo?!!!" sabay-sabay na sigaw ng apat na 'to sa gwapo kong pagmumukha. Takte! Mga laway ng mga gago!
"Bingi niyo eh!" inis na sigaw ko sabay kamot ng ulo. Na-iistress na ko sa mga nangyayari ngayon eh.
"Nagholding hands kayo ni Jade?!" takang takang tanong ni Ace.
"Pinunasan niya 'yung amos mo sa mukha?!" ganu'n din ang reaksyon ni Trick.
"Sinabihan ka niyang cute ka?!" isa pang gulat na gulat na tanong ni Jake.
"Pumunta kayo du'n sa likod ng park?!" tanong din ni Sid.
"Tangina! Sabi ngang oo!" inis na sigaw ko. Leche! Kailangan bang ulit-ulitin. Nakakabadtrip ah!
"Tapos Shawn nag-ano na kayo?" tanong pa ni Ace.
"Anong ano?" pabalik na tanong ko.
"'Yung ano! Alam mo na 'yun!"
Mukhang alam ko na ibig sabihin ng gagong 'to ah!
"Tangina ka! Di ko gagawin kay pantal 'yon hangga't 'di pa kami kasal!" inis na sigaw ko dito.
Shet na malagkit! Anong kasal?! Anong kasal ang pinagsasasabi ko? Tangina naman oh!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" sabay sabay na tawa ng apat na 'to. Potek na bibig 'to.
Sa inis ko ay nag-walk out na lang ako. Tangina ulit! Kailangan kong mag-isip ng mabuti.
Sid's POV
"Sa tingin niyo anong nangyayari kay Shawn?" tanong ko
Kakaiba na kasi eh. Mahirap na. Tsk!
"Ewan ko." sabi ni Ace
"Malay ko." ganu'n din si Trick
"Ikaw Jake?" tanong ko kay Jake
Ininom niya muna 'yung beer niya at saka nagsalita. "Mahirap na, baka magaya ulit siya ng dati."
Parehas kami ng iniisip ni Jake. Baka nga magaya siya sa dati.
"Hindi 'yan!" nakangiting sabi ni Trick
"Anong hindi 'yan?! Eh baka iw─"
"Malayong malayo siya kay Jade." singit naman ni Ace.
May punto siya. Pero hindi pa rin pwede.
"Pabayaan niyo na lang si Shawn." sabi pa ulit ni Trick
"Pabayaan? Trick baka magaya ng dati si Shawn." kalmadong sabi ko
"Kung gusto niya si Jade, pabayaan niyo siya. Hindi natuturuan ng isip ang pusong umiibig, Sid. Alam mo 'yan dahil naranasan mo na 'yan." sabi ni Ace habang tinatapik tapik ang balikat ko.
Tangina! Hindi nila ako maintindihan eh.
"HAHAHAHAHAHA Gago ka Ace, saan mo 'yan napulot? Hugot ah!" pang-aasar naman ni Trick.
"Anong akala mo sakin bobo? Gaya mo pa ko sayo gago!" sigaw ni Ace kay Trick
"Pero seryoso mga dude, hindi dapat maulit 'yung nangyari dati." seryosong sabi ko
"Tama. Tama 'yon." sang-ayon naman ni Jake.
"Hindi naman mauulit 'yung dati kung magiging tapat sila sa isa't isa eh." sabi ni Trick
"Isa nga lang ang problema!" seryosong sabi ni Ace.
"Ano?" sabay-sabay na tanong naming tatlo.
"Hindi pa sila!" nakangiting sabi nito.
Takte!
"Gago! Hahayaan mo bang bumalik sa dati si Shawn?" sigaw ni Jake saka binatukan si Ace.
"Alam mo ang bitter mo eh! May gusto ka ba kay Jade?" inis na sabi ni Ace.
"Tanga! Wala! Concern lang ako kay Shawn." sagot ni Jake
Pareho talaga kaming mag-isip ni Jake.
"Isa-isahin nga natin 'yung mga signs and symptoms nu'ng mga panahong baliw na baliw pa si Shawn kay─"
"Game! Tapos i-compare natin ngayon." sabi ni Ace
Nag-usap usap kaming apat at inisa-isa na nga namin 'yung mga senyales na nangyayari kapag may nagugustuhan si Shawn.
Eto yung lahat,
1. Laging siyang inaasar ni Shawn nu'ng mga panahong crush siya ni Shawn.
Jade: Lagi ring inaasar ni Shawn si Jade (mas malala pa nga ngayon eh.)
2. Binibigyan siya lagi ni Shawn ng regalo araw-araw.
Jade: Araw-araw nang binibigyan ni Shawn ng dalawang paper bag ng strawberry si Jade.
3. Sabay silang nakain ng lunch lagi.
Jade: Sabay din silang nakain ng lunch, salo pa nga eh.
4. Sabay silang nauwi.
Jade: Sabay silang nauwi (foodtrip nga lagi silang dalawa eh.)
5. Hindi satin nagshe-share ng mga kabadtripan si Shawn o kaya kapag naguguluhan na siya sa kondisyon niya.
Jade: NGAYON LANG SiYA NAG-SHARE SATIN!
Tiningnan kong mabuti 'yung sinulat ni Ace sa tissue. Ang laki ng pagkakapareho pero 'yung pagtrato ni Shawn kay Jade at 'sakaniya' ibang-iba.
"Oh? Anong masasabi niyo?" tanong ni Ace.
"HAHAHAHAHAHA Team ManTal ako!" natawang tawang sabi ni Trick.
ManTal?
"Ano 'yun?" tanong ni Jake
"Ano bang endearment nina Shawn at Jade?" nakangiting tanong ni Trick
Ano nga ba? Uhmmm...
"Manyak at pantal." sagot naman ni Ace
"Oh edi ManTal! HAHAHAHAHAHA" natatawang sabi nito
"Aray ko! Tanginang 'to ah!" inis na sabi ni Trick habang nakamot ng ulo.
"Ang korni mo Reyes." sabay-sabay na sabi naming tatlo.
"Pero kahit korni, team ManTal din ako!" sabi naman ni Ace
"Psh!" walang ganang sabi ni Jake
Tangina ang lalakas ng mga trip ng dalawang 'to eh. Lasing na! Tsk.
Palabas na kami ng bar nina Jake ay nakasalubong namin si Shawn.
"Wrak! *hik* Tyem *hik* Mayntal *hik* akooo! *hik* Wapu *hik* ko *hik* tayaga eeeh! *hik*" lasing na lasing na sabi ni Ace. (Rock! Team ManTal ako! Gwapo ko talaga eh!)
Tangina! Pinagsasabi nito ni Ace.
"Nangyari d'yan?" nagtatakang tanong ni Shawn.
"Lasing na ang gago." sabi ko na lang at inakay na si Ace papunta sa kotse ko.
"Tangina mo Trick ba't mo ko sinukahang hayop ka! Pupunta pa ko kina Jade mamaya. Langya! Maaamoy ako ni Jervin nito. Potek! Tangina!" inis na sigaw ni Shawn saka pumasok sa kotse nito at mabilis na pinaandar.
"Kita *hik* mo na *hik* tyem Mayntal *hik* tayaga!" sabi ni Ace at saka na ito nakatulog. (Kita mo na team ManTal talaga!)
Psh!