Jade's POV
"Pwede ka namang makipagselfie sakin eh, dapat kasi ginising mo ko para na-inform naman ako na celebrity na pala ko sa paningin mo."
Ang yabang niya! Ang hangin! Hoo! Grabe biglang nawala lahat ng pawis ko sa katawan ah.
Dahil isa ako sa mga libo-libong babaeng minsan lang makipag-selfie ay nagselfie kaming dalawa ni Shawn. Kung ano anong klaseng pose, 'di pa nakuntento nagvideo pa kami.
Sumali na rin samin sina Ace kaya nagselfie rin kami. Ang cute ngang ngumiti ni Trick at Jake eh. Mamaya papasa ko 'to kay Bea.
"Bea?" mahinang sabi ko sa sarili ko. Hala!? Naiwan ko siya du'n sa garden. Nako naman oh!
Dali-dali akong tumayo at isinabit ulit ang backpack ko sa likuran ko.
"Saan ka pupunta pantal?" tanong sakin ni manyak. Hindi ko na siya nilingon pa.
"Sa garden, naiwan ko dun si Bea eh. 'Di pa kayo tapos 'no? May next subject pa kayo diba? Intayin na lang kita sa waiting shed du'n sa car park." sabi ko sabay takbo na paalis.
Tss! Nakakainis kasi si Shawn. Baka hinahanap na ko ni Bea. Nako naman!
Habang naglalakad na ko papuntang garden ay biglang nagvibrate 'yung cellphone ko. Agad ko iyong kinuha.
From: Manyakis
Nasan ka na? Text mo ko kapag nakita mo na yung kaibigan mong malaki ang boobs.
The hell!
Napakamanyak talaga!
To: Manyakis
Ewan ko sayo! Manyak ka talaga!
Sa sobrang inis ko ay agad kong sinuksok 'yung cellphone ko sa pinakadulo ng bag ko.
"Isa Jade! Hindi ka lalapit dito?!" inis na sigaw ni manyak.
What the heck?! Ang daming taong nagtitinginan samin. Baka isipin nilang kami ng walangyang 'to!
Kami? Sinabi ko ba 'yung word na 'kami'? Eww!
Hindi pa rin ako lumapit sakaniya, mas lalo pa kong lumayo para mainis pa siya sakin.
Tss!
"Dalawa Jade!" sigaw pa nito kaya mas lalong dumami 'yung mga taong nanonood dito samin.
"Tatlo!" pang-aasar ko sakaniya
"Ano bang problema mo ha?" inis na na sigaw nito at iniharap ako sakaniya.
Problema ko?! Wala lang naman.
'Yan sana 'yung gusto kong sabihin pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Langya!
Yumuko ako at napakagat sa ibabang labi ko. Nakakainis! Bakit ko ba ginagawang big deal 'yung panti-trip niya sakin sa text? Kanina parang okay kami kasi nakipagselfie pa ko sakaniya ngayon naiinis na naman ako. Ugh! Gulo!
"Jade..." napa-angat agad 'yung ulo ko nu'ng huminahon siya. Nakita ko agad 'yung parehas ng mga mata niya na parang hinihigop ako sa sobrang ganda nito. "Gusto mo ba ng ice cream? Tara ice cream tayo?" seryosong sabi nito sakin.
Gusto ko sanang matawa pero pinigilan ko na lang. HAHAHAHAHA Ang sarap asarin ng manyak na 'to eh.
Hindi na ko nagsalita pa at nagpatangay na lang sakaniya.
Shawn's POV
Leche! Ano bang nangyayari sakin langya! Bakit ganu'n 'yung nasabi ko? Nga naman oh!
Lakas maka-ice cream ng bibig ko eh.
Nandito kami ngayon ni Jade sa park malapit sa school. Gusto niya daw kasi ng dirty ice cream.
"Manong ito rin po, tapos itong ube. Ah pati rin po itong mangga."
Kanina pa ko nakatitig dito kay pantal dahil halos mapuno na 'yung apa niya kakapadagdag ng iba't-ibang flavors ng ice cream. Tss! Patay gutom.
Dito kami nagkakasundo n'yan sa pagkain eh. Parehas kami ng taste. Kapag lunch, ako na nagdadala ng pagkain naming dalawa dahil salo naman kami. Natripan lang namin.
"Shawn! Uy Shawn?" natauhan na lang ako ng bigla itong kumaway.
Kinuha ko kaagad 'yung ice cream ko sa kanang kamay niya.
"Bakit may sugat ka d'yan?" tanong ko sakaniya. May sugat kasi siya sa hinlalaki niya. Mukhang nahiwa ng matulis na bagay.
"Ah eto?" tanong niya sabay pakita nu'ng sugat niya. "Nahiwa kasi ako kagabi, habang nagtatalop ng apple." nakapout na sabi nito.
Imbes na sa mukha ako mapatingin ay sa labi niya ako napatitig. Tangna! Naaalala ko na naman 'yung araw na nahalikan ko siya. Putspa! Malala na 'to.
"Amin na nga 'yan." sabi ko sabay hawak nu'ng kamay niya kinuha ko 'yung wallet ko sa bulsa ko at kumuha ng band-aid.
Nilagyan ko ng band-aid 'yung sugat niya.
Nabigla ako ng sapuhin niya ang noo at leeg ko. Huh? Abnormal ata 'to eh.
"Shawn may sakit ka ba?" tanong nito at saka ako hinawakan sa baba ko para mapatingin ako ng diretso siya mukha niya.
Ugh! Leche nga naman oh!
"W─wala!" sabi ko sabay tanggal ng kamay sa mukha ko.
"Ah okay." sabi na lang nito at saka umupo sa isang bench. Sumunod naman ako sakaniya at umupo na rin sa tabi niya.
Habang nakain kami ng ice cream namin ay napatingin ako sakaniya ng tumawa ito ng malakas.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
Hindi ito sumagot at tumawa na naman ng pagkalakas lakas. Ano ba 'yon? Leche!
Tatayo na sana ako ng hinawakan nya naman ang kamay ko. Napatingin ako sakaniya dahil sa pagkabigla. Napaupo akong muli ng hindi pinuputol ang tingin ko sa kaniya.
'Dubdub.. Dubdub..'
Ugh! Tangina!
Mas lalo pa kong nagulat ng punasan niya ng kaniyang hinlalaki ang gilid ng labi ko. Sabay sabing...
"Ang amos mong kumain manyak. Bata ka ba?" saka ito tumawa ng mahina. "Cute!"
Naramdaman ko na lang na nag-init ang mga pisngi ko. Putspa! Para saan 'yun?
Lumipas ang ilang minuto at walang nagsalita ni isa samin. Hanggang sa natapos kami sa pagkain ng lecheng ice cream.
"Manyak! Halika dito bilis!" sigaw niya at nagtatatakbo na papunta du'n sa maraming tao.
"Oy pantal intayin mo ko!" sigaw ko dito at nakisiksik na rin du'n sa mga tao.
Ano bang meron?! Ang daming tao!
Nabigla na lang ako ng hinigit niya ako papunta du'n sa gitna.
"Shawn magwish din tayo! Bilis!" masayang sabi nito.
"Wish?" naguguluhang tanong ko
"Mm-hmm. Ayan oh, 'yung itatali natin sa lobo 'yung wish natin tapos papaliparin natin." Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi niya.
"Ikaw na lang." bored na sabi ko.
"Eeeeh! Dali na!" Ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng simangot. Hala?! Mas lalo pa itong sumimangot ng magpapapadyak na ito.
Potek!
"Tara na nga! Magkano ba daw?" napipilitang tanong ko sakaniya. Bigla ulit nagbago ang mukha nito, ngumiti siya ng malawak sakin.
"20 pesos lang po." masayang sabi niya.
Bumili kami ng lobo namin at magic paper daw. Tss! Magic? Eh papel lang naman 'to na mabango. Pinagloloko niyo ko.
Nagsimula na kaming magsulat doon sa magic paper 'kuno'.
"Tapos na ko." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. "Sabay nating paliparin ha manyak?"
Tumango na lang ako dahil hindi ako makahinga at makagalaw ng ayos. Leche talaga.
Sabay naming binitawan 'yung lobo naming dalawa.
Mas lalo pang humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Muli na namang nag-init ang mukha ko. Mas lalo pa itong nag-init nang punan niya ang bawat daliri ko gamit ang mga daliri niya.
Shit!