Chapter 11

1253 Words
Jade's POV Badtrip sakin si Shawn dahil ako daw ang kumuha ng cellphone niya. HAHAHAHAHA At tama nga siya ng hinala dahil dinekwat ko nga ang cellphone niya. Bakit? Dahil sabi sakin ni Ace na si Shawn daw 'yung nanti-trip sakin na unregistered number. Kaya sa sobrang curious ko ay kinuha ko nga itong cellphone noya, sa tulong na rin ng magiting na si Ace. Nakakainis dahil magto-two months nang nanti-trip 'yung unregistered number na 'yun, siya lang pala! Siguro kung hindi pa sinabi sakin ni Ace na si Shawn 'yon ay mukha akong tanga na nagtatanong na nagtatanong kung sino ba 'yung walangyang 'yun. Malamang sa loob loob nun tawang tawa 'yun sa gabi-gabing panggugulo niya sa pagtulog ko, at sa araw-araw na pagkikita namin dito sa H.U. Tss! Kinuha ko kaagad 'yung cellphone ni Shawn sa bulsa ko para inspeksyunin. Nang buksan ko na iyon ay kailangan pala ng pincode. Hala!? Anong pin nito? Dali dali kong kinuha ang cellphone ko para itext si Ace kung anong pincode ng cellphone ni Shawn. To: Ace Ace, alam mo ba kung anong pincode ni Shawn sa cellphone niya? Wala pang isang minuto ay nag-reply na agad siya. From: Ace Hindi eh. Wait lang tatanong ko kay Sid. To: Ace Sige. Salamat! Vacant namin ngayon kaya pumunta muna kami ni Bea sa garden para dito tumambay. Wala kasi kaming klase ngayon sa Sketching 102 dahil nga malapit na ang prelims. Tsk! Isa pa 'yun sa mga problema ko eh. Naupo kami ni Bea sa damuhan. Habang ako ay todo kalikot dito sa cellphone ni Shawn. Ang ganda kasi nu'ng kulay eh, kulay red na malaki at manipis. Ang astig! "Ang cute ni Trick 'no?" Nabaling ang atensyon ko ng bigla siyang nagsalita. Yieee. Napaghahalataan ah. "Yieee! Ikaw ha Bea pangatlong araw mo pa lang dito sa H.U. Pumapag-ibig ka na agad." pang-aasar ko sakaniya. "Hindi ah! Naku-cutan lang ako kay Trick kasi─" deny pa Bea. "kasi ano─kasi ang cu─te ng ano niya... ng mga tenga niya. Tama! Ang cute nga ng mga tenga niya." pangangatwiran pa niya. HAHAHAHA Nasa indenial stage pa siya. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan tungkol kay Trick, hindi naman siya masyadong obvious na interesado kay Reyes 'no? HAHAHAHA! "Madami talagang nagkakagusto kay Trick dito sa H.U. Grabe! Dati nga kasama ko lang 'yun na maglakad may sumabunot na saking isang babae." kwento ko sakaniya "HAHAHAHAHA Grabe naman 'yun." "Oo! Ikaw ba naman na kasama mo lagi 'yung anim na 'yun. Nako ewan ko lang sayo." natatawang sabi ko "Anim? Akala ko lima lang sila?" nagtatakang tanong niya sakin. Ay? Oo nga pala 'di niya pa nakikita at nakikilala si Hiro. "Yup. Anim sila, si Hiro 'yung isa. Nasa Japan kasi siya for business matter." paliwanag ko dahil halatang hindi niya naiintindihan. HAHAHAHAHA Ang cute niya kapag nakunot 'yung noo niya at nanguso. "Business matter?" tanong nya ulit "Oo. Nakapagpundar na agad siya business niya sa Japan. Instrument shop daw sabi sakin ni Hiro eh. Sariling pera at sikap. Ang galing 'no?" masayang sabi ko "Yeah. Jade tulog muna tayo, masyado pang maaga eh, saka ayoko pang umuwi." nakapikit na sabi niya at 'di na tuluyang umimik pa. Humiga na ako sa tabi niya at saka siya tingnan saglit. Hindi na ko magtataka kung silang dalawa ni Trick ang magkatuluyan. Parehas silang antukin eh. Pipikit na sana ako ng biglang magvibrate ang cellphone ko. Agad agad ko 'yung kinuha sa bulsa ko. From: Sid 0728. 'Yan ang pincode ni Shawn sa cellphone niya. Yesss!  To: Sid Salamat! Dali dali kong kinuha ang 'yung cellphone ni Shawn sa bulsa ng palda ko. Tinype ko kaagad sa 'yung pin na tinext ni Sid sakin. "07..28.. Enter!" mahinang sabi ko. Wala pang isang segundo ay bumukas na nga 'yung cellphone niya. Agad agad kong pinindot ang messaging dahil kanina ko pa 'yun gustong tingnan. -- Pantal +637520***** Buti nga sayo! Tang... Ace +633538***** Oy Shawn 'yung n... Tanda +631740***** Bakit kulang 'tong... Fred +633589***** Bilhan mo ko ng str... Mom +6390972***** Shawn, sinabi ko na... -- 'Yan lang naman 'yung nakita ko sa messages niya. At tama nga si Ace dahil siya nga 'yung nanti-trip sakin. Iba-back ko na sana 'yung messaging niya ng biglang may nagtext. Isang unregistered number. Out of curiousity ay binuksan ko iyon. From: +9665087***** Shawn, I'll be back soon, just wait for me. I miss you and I love you. Eh? Sino 'to? Alam kong roaming number 'to dahil minsan ay ganitong klaseng number din ang pinantatawag sakin ni Papa o kaya kapag nagtetext siya. Ahh. Baka naman girlfriend ni manyak. Nag-iloveyou eh. Si Shawn may girlfriend?! Sa ugali ng walangyang 'yun, baka naman isa sa mga ka-fling niya tapos nasa ibang bansa lang. Aish! Bat ko ba 'yun iniisip pa. Dahil na sakin ang cellphone ni Shawn ay nilubos lubos ko na ang pagkalikot dito. Pinindot ko na 'yung gallery niya. Na-curious lang ako kung nagseselfie ba siya. HAHAHAHAHA! Aba ang manyak. Mas madami pang albums ah. Dinaig pa ko. -- Camera 32 Facebook 201 Instagram 34 Twitter 12 Messenger 6 Scndls 5 Must Watch! 27 -- Pero may isang album ang pumukaw sa atensyon ko. "With... her?" mahinang sabi ko sa sarili ko. Anong album to? Pipindutin ko na sana nang biglang... "Jadee!!! Akin na 'yan!" sigaw ni manyak kaya napalingon ako, malapit na siya kaya dali dali akong tumayo at isinabit ang backpack ko sa likuran ko. Tumakbo ako ng tumakbo dahil hinahabol niya talaga ako. Muntik niya na kong maabutan, buti na lang humarang yung mga fan girls niya. Thanks sa kanila. Jusme, feeling ko hinabol ako ng isang daang pagong eh. Nandito ako ngayon napadpad sa classroom nila. Higit bigla ako ni Jake eh. "Tago ka sa CR Jade. Paparating na si Shawn." natatarantang sabi ni Ace sakin at tinulak ako papasok ng CR. Waaaah! Grabe! Pawis na pawis ako. Umupo muna ako sa inidoro at kinuha ko 'yung panyo ko sa bulsa ko. Pinunasan ko agad 'yung pawis ko sa leeg at buong mukha. Grabe parang sumali ako sa Milo Marathon. Pawis na pawis ako! Natigilan ako ng biglang may sumigaw. "Nakita mo ba si Jade ha Jake?" boses palang alam kong si manyak 'yan. "Ha? Hindi eh. Di mo naabutan?" -Jake "Hindi eh. Langya ang bilis manakbo, sabi nu'ng isang senior dito daw nagpunta 'yun eh." hingal na hingal na sabi ni Shawn. Oh men! "Tss! Mamayang awasan ko na ngalang 'yun hahanapin. Tutulog muna ko. Pinagod ako ng lintek ng flat chested na 'yun eh." Aba! May gana pang manlait ang hinayupak ah! Halos magkakalahating oras na ko dito sa loob ng banyo ng bigla itong bumukas kaya napa-angat agad ako ng ulo. "Tulog na siya Jade. Labas na!" mahinang sabi ni Trick Lumabas naman ako at dali daling pumunta sa tapat ng aircon dahil pawis pa rin ako. Ang init kasi sa loob ng CR. Napansin kong nasa likod ko lang pala si manyak, tatayo na sana ako ng may naisip akong ideya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng maikli kong palda at pinindot ang camera. Magseselfie kami. HAHAHAHAHA! Pindot lang ako ng pindot habang siya ay tulog na tulog. "HAHAHAHAHA Lakas ng trip mo ah Jade." natatawang sabi ni Ace. Kinindatan ko lang siya bilang tugon. Nagseselfie pa sana ulit ako ng bigla na lang mumulat ang mga mata nito. Uh-oh! "Pwede ka namang makipagselfie sakin eh, dapat kasi ginising mo ko para na-inform naman ako na celebrity na pala ko sa paningin mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD