Chapter 10

1369 Words
Trick's POV Pucha 'yan! Naka-two points lang ako sa quiz namin sa Calculus ngayon, over 45 'yun ah. Buti pa si Ace na bobo naka-32 gawa nu'ng babae niyang katabi pinakopya siya. Lintek! "HAHAHAHAHA Si Trick nga naka-dos lang eh, buti pa ko naka trenta idos." pagmamayabang na naman ni Ace. Kanina pa 'to eh, pinapamukha talaga sakin na nataasan niya ko ngayon. "Okay lang na naka-dos kaysa naman sa hindi nakakuha ng test HAHAHAHAHA!" pagpaparinig ko kay Shawn. 'Di 'yan nakakuha ng test eh, pano ba naman kasi sinagot sagot si Sir Ong. Langya tigas talaga ng apog nito eh. HAHAHAHAHA "Pakyu ka Reyes!" inis na sabi nito at pinakyuhan ako. "Alabyutu dude HAHAHAHAHA!" pang-aasar ko ulit sakaniya. "Tangina! Nasaan na ba kasi 'yung pantal na 'yun? Sabi ko intayin ako sa rooftop." bulong ni Shawn habang nakaupo sa monobloc dito sa rooftop. "Gago intayin mo na lang. Baka paparating na 'yun. Alam mo naman ang mga babae." sabi ni Sid "HAHAHAHAHA Excited na kong makilala sila!" "Malapit na tayo, masakit na ba paa mo? Sasusunod magflat shoes ka na lang, baka magkapaltos ka n'yan eh." 'I'm fine. Don't you worry." Huh? May kasama si Jade? "Guys!" sabi ni Jade pagkabukas na pagkabukas niya nu'ng pinto sa rooftop. Hindi lang siya nag-iisa, may kasama siyang isang babae. "Uy Jade! Sino 'yan? Pakilala mo naman kami sa bagong kaibigan mo na soon to be wife ko." sabi ni Ace sabay kindat du'n sa babaeng kasama ni Jade. "Ah guys siya si Bea. Transferee siya dito, classmate ko." pagpapakilala ni Jade du'n sa kaibigan niya. "Bea, this is Ace, yung naglalaro ng PSP ay si Sid. Tapos 'yung nakain ng apple ay si Jake. 'Yun namang nakahigang 'yun ay si Trick. Tapos 'yung nakaupong 'yun multo 'yun, 'wag mo na 'yung pansinin." dagdag pa ni Jade. Halata namang nagulat 'yung Bea ba 'yun? Ah basta! Nu'ng sinabi ni Jade na multo si Shawn, namilog kasi ang mga nakatawang mata nito. "Hoy pantal! Anong multo? 'Di kita pakainin ng strawberries ko dyan eh." inis na bulyaw ni Shawn sabay lapit du'n kina Jade. "s**t kahit na ang baduy pakinggan, feeling ko na love at first sight ata ako." pabulong na sabi ko Oo! Nalove at first sight ako du'n sa Bea, maganda siya. 'Yung mga mata niyang nakangiti parang hinihigit ako papunta sa kaniya. Baduy! "HAHAHAHA Si Reyes may sinasabi! Naknang! Korni mo." tawang tawang sabi ni Jake Pinakyuhan ko lang siya. Bakit ba, eh sa nagandahan ako sakaniya eh. Umupo na 'yung tatlo dito sa sahig ng rooftop para kumain. "Wala akong lunch." sabi nu'ng Bea sabay pout. Ang cute! Takte, nababakla na ata ako eh. "Trick 'di ka naman malakas kumain 'di ba? Pwedeng pakainin mo muna si Bea?" pakiusap ni Jade habang sumusubo ng kanin na may ulam. "Huh!?" "Dali na Trick! Please?" pagmamaka awa niya na. "No it's okay. I'll just buy my own food." nakangiting sabi ni Bea. "Sure ka?" paninigurado naman ni Jade "Mm-hmm." tumango ito. "'Wag na, sayo na lang 'tong lunch ko." pag-aalok ko "Kunyare ka pa Reyes, pwede mo namang sabihing 'Sayo na lang 'tong lunch ko wag ka lang aalis dito' HAHAHAHAHA" pang aasar ni Jake. Tanginang 'to 'pag ako nabuko nito eh, sapak ka saking hayop ka. "Baka naman napipilitan ka lang? Sure ka?" tanong niya sakin. Tumango naman ako bilang tugon. Ngumiti ito sakin at tumabi sakin. Shet na malagkit! Ba't parang uminit ata? Nagsimula na siyang kumain kaya humiga na lang ako at inunan ang kanang braso ko sa ulo ko. Bea's POV Oh gosh! Akala ko hindi magiging maganda ang unang araw ko dito sa bago kong pinapasukan which is the Heinz University. Akala ko lang pala 'yun. Hay nako! Marami talagang namamatay sa maling akala. Kakatapos lang ng last subject (morning) namin ngayon, wala naman kaming masyadong ginawa, nagreview lang sila. Papunta kami ngayon ni Jade sa rooftop, dahil du'n daw kami kakain ng lunch at ipapakilala niya daw ako du'n sa mga kaibigan niya. Habang naglalakad kami paakyat sa rooftop ay 'di ko mapigilang hindi matuwa. Wow! As in W O W! New friends agad. "HAHAHAHAHA Excited na kong makilala sila!" kinikilig na sabi ko "Malapit na tayo, masakit na ba paa mo? Sasusunod magflat shoes ka na lang, baka magkapaltos ka n'yan eh." sabi ni Jade kaya napatigil kami sa pag-akyat. "I'm fine. Don't you worry." sabi ko na lang, kahit medyo masakit na 'yung paa ko. "Guys!" sigaw ni Jade pagkabukas na pagkabukas niya nu'ng pinto sa rooftop. Nagulat ako nu'ng tumambad samin ang apat na nag-gagwapuhang nilalang. Akala ko mga babae pero puro pala lalaki ang kaibigan ni Jade. Akala na naman! Haays. "Uy Jade! Sino 'yan? Pakilala mo naman kami sa bagong kaibigan mo na soon to be wife ko." sabi nu'ng lalaking lumapit samin at kinuha nito ang kamay at saka niya hinalikan at 'di pa nakuntento sa pagpapacute kumindat pa. Gwapo sana nakakaturn-off lang. Agressive. Wait, agressive ba ang tamang term du'n? "Ah guys siya si Bea. Transferee siya dito, classmate ko." pagpapakilala sakin ni Jade du'n sa mga gwapo niyang kaibigan. "Bea, this is Ace, 'yung naglalaro ng PSP ay si Sid. Tapos 'yung nakain ng apple ay si Jake. 'Yun namang nakahigang 'yun ay si Trick. Tapos 'yung nakaupong 'yun multo 'yun, 'wag mo na 'yung pansinin." dagdag pa ni Jade. Multo 'yun? Seriously?! "Hoy pantal! Anong multo? Di kita pakainin ng strawberries ko d'yan eh." inis na bulyaw ni nu'ng multo sabay lapit samin. Nabaling ang tingin ko du'n sa lalaking kaninang nakahiga sa sahig na ngayon ay nakaupo na. May spark!!Wait a minute, sabi nila kapag naramdaman mo daw 'yung spark na sinasabi nila du'n sa unang taong nakita mo ay sasabog kayo dahil sa short circuit. Kidding aside, 'yun na nga kapag naramdaman mo 'yun at parang nagslowmo daw ang galaw ng bawat bagay ay tumalab daw ang pagmamahal sa unang pagtingin. Pagtingin o pagkikita? Ano ba 'yan! Ang lalim kasi ng tagalog ko eh, pwede namang love at first sight na lang. Sight? So pagtingin nga. Ah basta! "HAHAHAHA Si Reyes may sinasabi! Naknang! Korni mo." tawang tawang sabi nu'ng lalaking nakain ng apple. Pinakyuhan lang siya ni crush. Umupo na kaming tatlo dito sa lapag ng rooftop para kumain. Bubuksan ko nasa sana 'yung bag ko ng... Narealize ko na wala pala kong baon. "Wala akong lunch." sabi ko bigla at humarap kay Jade. "Trick 'di ka naman malakas kumain diba? Pwedeng pakainin mo muna si Bea?" pakiusap ni Jade dun kay 'crush' habang sumusubo ng kanin na may ulam. Awww! Sweet! Share kasi sila nu'ng kaasaran niya kanina ng lunch. Ang laki nga nung lunch box eh. Grabe! Ubos nila 'yung dalawa? "Huh!?" nagulat ata si 'crush' "Dali na Trick! Please?" pagmamakaawa na ni Jade. Nakakahiya ka Bea! First day mo dito sa Heinz University pero wala kang baon. Ugh! >.<' "No it's okay. I'll just buy my own food." nakangiting sabi ko. "Sure ka?" paninigurado naman ni Jade "Mm-hmm." tumango ako. Nakakahiya no. "'Wag na, sayo na lang 'tong lunch ko." Nabigla ako ng inalok niya na ko ng lunch ko. Oh my gosh! Sakin na lang daw. "Kunyare ka pa Reyes, pwede mo namang sabihing 'Sayo na lang 'tong lunch ko wag ka lang aalis dito' HAHAHAHAHA" pang-aasar sakaniya nu'ng lalaking nakain ng apple. "Baka naman napipilitan ka lang? Sure ka?" tanong ko sakaniya. Baka kasi gutom na siya tapos ako kakain nu'ng lunch niya. Nakakahiya talaga! Tumango naman siya kaya nginitian ko na lang siya at tumabi sakaniya. Nagsimula na kong kumain. Napatingin ako sakaniya dahil bumalik ito sa pagkakahiga niya. Nakakakonsensya! Kinulbit ko siya. "Share ka na sakin. Nakakahiya naman kasi na ako lang 'yung nakain tapos sayo pa 'tong pagkain. Tara, share ka na sakin." nakangiting sabi ko. Tumingin lang ito sakin na para bang nabigla ko siya. "Yown oh!" kantyaw ulit nu'ng lalaking kumakain ng apple. Grabe ang tagal ko na dito pero 'di niya pa rin ubos 'yung apple niya? Umupo naman 'yung... Ano ngang pangalan nito? Tr─rick! 'Yun Trick nga, umupo na siya sa tabi ko at nagsalo kami sa mainit na─kanin at ulam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD