I was busy punching the ball when I notice that someone was watching me from behind. Matalas ang pakiramdam ko kaya agad akong napalingon. I saw Andrè leaning on the door while intensely looking at me.
"Continue," he said as he walks towards me. Bigla ay kakaiba ang aura niya. Alanganin akong napangiti habang hinihintay siyang makalapit sa gawi ko.
"Sorry, I was bored kaya kung saan-saan ako nagsusuot sa bahay mo..."
"It's okay," sabi niya. Humarap siya sa akin.
Napaatras ako bahagya nang tumabi ito sa akin. Pinanood ko ang pagsuntok niya sa punching ball nang umiwas siya sa aking ng tingin. Halatang hindi siya marunong. Kapag kasi susuntukin na niya pabalik ay nami-miss niya ang bola.
"Bakit ang bilis ninyo yata?" tanong ko para alisin ang awkwardness na nararamdaman. Humarap na naman siya sa akin. Napatitig na naman ako sa magaganda niyang mga mata. My lips twitch a little dahil nakitaan ko siya ng multo ng ngiti sa labi.
"Hinatid ko lamang naman siya sa hospital. May kinuha lamang ako..."
Napatango-tango ako. Papaatras pa ako dahil bigla siyang humakbang palapit sa akin. Biglang kumabog ang puso ko. Bakit ba kabado ako kapag nasa malapit siya? Kung tutuosin hindi naman siya nakakatakot. Halatang walang alam na fighting skills.
Kahit alam kong kayang kaya kong pilipitin ang leeg niya ay talagang napapaatras ako kapag humahakbang siya palapit. Bawat hakbang niya ay hakbang ko naman paatras. Hindi ko tuloy napansin ang mga weights na nasa sahig.
"Holy crap!" bulalas ko nang maapakan ko ang isa. Papatumba ako patalikod nang maagap niya akong masalo. Mabilis na pumulupot ang mga kamay ko sa kanyang leeg dala ng kaba na matumba.
"Careful!" usal niya. Ramdam ko ang hininga niya sa aking pisngi. Mabilis ko siyang itinulak nang magawang makatayo sa sariling mga paa. Mas natatakot na yata ako sa sarili ko. Nakakaramdam ako ng kakaiba pagdating kay Andrè.
"Alam mo, hindi ko alam kung clumsy ka lang ba talaga or just acting that way. You seems to be a fighter," pahayag niya. Nakagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makapagsisinungaling sa kanya.
"I...fight, but not to hurt others, natuto ako dahil kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko," sabi ko. Matapang akong tumitig na muli sa mga mata niya. "Huwag kang mag-alala Andrè, titiyakin kong hindi ka mapapahamak..."
"Huwag mong isipin na natatakot ako sa iyo..." sabi niyang parang napanguso pa. "Napapatanong lang ako kung sino ka ba talaga?"
Iniiwas ko ang mga mata ko sa kanya. Gaya ng sabi ko sa kanya. Mas nakabubuting hindi namin kilala ang isa't isa. Tama na ang pangalan ng isa't isa.
"Do you want me to teach you?" sabi ko na lamang para baguhin ang pinag-uusapan namin. Lumayo ako sa kanya at pumunta sa sandbag. "I'll teach you how to defend yourself. Specially to those bullies..."
I stop from talking instantly. Marahang napalingon sa kanya. Naningkit ang mga mata niya sa akin. Huli na para makontrol ko ang aking bibig. Literally, ibinuko ko ang aking sarili na alam konang sitwasyon niya.
"What did you say?" tanong niyang wala ng kangiti-ngiti. Malalaki ang hakbang niya papunta sa gawi ko. Agad akong na-corner. Sa likod ko ay ang sandbag. "Did you read my notebook?" I can sense his anger. Pinipigilan nga lamang niya iyon. "Rose..."
As he tried to hold my hand, mabilis kong nahawi ang kamay niya. Hinawakan ko iyon at pinihit. Saglit lang ay nakatalikod na siya sa akin habang pinilit kong hawak ang kanang kamay niya mula sa kanyang likod. I even pushed his head sa sandbag.
"Rose, bitiwan mo ako," ika niyang may babala sa tono. Napaismid lang ako. Para namang kaya niya. He's so kind and it's making him weak.
Mas hinigpitan ko ang pagpilipit sa kanyang kamay. Itinulak ko na siya papunta sa dingding. Ngayon ay halos kahalikan na niya iyon.
"Subukan mo ngang kumawala," I dare him. "Ang hina mo. Paanong hindi ka ibubully kung hindi ka marunong lumaban! Kaya ka nila gustong gustong ipahiya o anupaman dahil hinahayaan mo sila!"
"Don't dare me!" At nagawa pa niyang magmayabang na tila kaya niyang kumawala sa akin.
"Ha!ha! Try mo, tingnan natin kung hindi bali ang kamay..."
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Mabilis siyang pumihit kung saan hindi siya masasaktan. Mabils niyang nahila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Sa isang iglap, nagkabaliktad na kami ng puwesto. Ako na ang nasa dingding habang hawak niya ang dalawa kong kamay. Nakataas din iyon sa dingding sa taas ng ulo ko.
"Biti..."
"Don't dare me!" anas niya. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking pisngi. Paano ay magkalapit na magkalapit na ang aming mga mukha. Bahagya kasi siyang nakayuko. "Try to escape..."
Bigla akong nagpuyos ng galit. Sinubukan kong kumawala at pumiksi ngunit lalo niya akong inipit sa dingding. Tila bigla akong nanghina. Kay lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Parang nablanko ako. I am sure, I know how to escape with this situation. Pero bakit kahit anong piglas ko, hindi ako makawala sa kanya.
"Bitiwan mo ako! Babae lang ba kaya mong patulan!" singhal ko habang pilit pa ring nagpupumiglas.
"You're not an ordinary girl..." pahayag niya. "At sino nag-umpisa nito? Next time huwag na huwag mong pakialaman ang mga gamit ko! It's my life. It's up to me if gusto kong magpabully habang buhay!" mariin niyang ika. Binitiwan ako bigla saka niya ako tinalikuran.
Nainis ako. Ayaw kong magpatalo. Hindi pa ako napapahiya ng ganito!
"Tapos ang lakas-lakas ng loob mong maipagtatanggol mo ako dito sa pamamahay mo! Hello, alam mo bang lalo lang akong hindi makakatulog dahil may kasama akong hindi kayang protektahan kahit ang sarili! I better leave, kunsensiya ko pa kapag may mangyaring masama sa iyo!" sabi kong nakasunod. "May mangyari man na masama sa akin, wala ka na doon!"
Bigla siyang humarap sa akin. Galit na galit ang mga mata niyang humakbang palapit sa akin. Ako naman ay napapaatras hanggang sa hindi ko namalayang nasa dingding na naman ako. Sa isang iglap ay sakop na niya ang labi ko. Nanlalaki ang mga mata kong pilit prinoproseso ang nangyayari. Hinahalikan niya ako. And he is my first kiss for damn sake!
Gusto ko siyang sapakin. Tuhudin. Ngunit tila wala akong lakas para gawin iyon. Nahigop na yata niya ang buong lakas ko dahil sa halik niya. Wala ako nagawa kundi ang manatili habang hinahalikan niya.
Hindi ko nagawang tumugon. Hindi ko alam kung paano humalik. But I tasted him when he open my mouth. Papikit na ang mga mata ko nang bigla niyang iwan ang labi kong bahagyang nakabuka.
"That's how to shut your mouth spewing nonsense!" litanya niya. Mabilis siyang humakbang palayo sa akin at umalis. Hindi ko na siya nagawang sundan pa dahil talagang nanghina ako. Hindi ako makagalaw.
"Ano'ng nangyayari sa iyo, Bullet!" pagalit na sita ko sa sarili. This is not right. Mukhang ipagkakanulo ako ng hindi ko mawaring damdamin. I need to leave. Right now.