Dumaan pa ang ilang araw. Mas nakilala ko pa si Andrè. At hindi ko maintindihan dahil parang mas napapalapit ako sa kanya. Lalo na noong nabasa ko ang diary niya ay mas lalo akong naging curious sa pagkatao niya.
Bakit siya binubully? Pakiwari ko ay galing si Andrè sa mayaman na pamilya. He's kind also. Dahil kaya iyon sa itsura niya? Guwapo naman siya ah. Inaamin ko, guwapo naman siya...
"You are almost healed, Rose," nakangiting sabi ni Monique. She checked me again. Once a week itong napaparoon para tingnan ako. And that once a week, nakikita ko si Andrè na sobrang saya lang. Minsan nakakabanas na rin tingnan ang pagmumukha niyang nakangisi. Halata na gusto niya talaga si Doctor Monique.
"Do you like Andrè?" diretsa kong tanong kay Monique nang matapos niyang tingnan ang mukha ko. Nakakainis dahil tinawanan niya lang ako bago taasan ng kilay.
"Ikaw, do you like him?"
At wow! Imbes na sagutin ako ay ako pa talaga ang tinanong. Na-corner tuloy ako. Dahil totoong gusto ko na yata siya.
"I can't blame you. Napakabuting tao ni Andrè na kahit sino mahuhulog kapag kinilala talaga siyang mabuti," litanya pa ni Monique. Na para bang ipinagmamalaki niya si Andrè.
Napalunok ako sa sinabi niya. "So you like Andrè?" muli kong tanong. Muli ay tumawa siya. Gusto ko na talaga siyang sabunutan. Kainis. Nagtatanong ako ng maayos. Tawa lang ang sukli. Paano ko mailulugar ang sarili ko kung hindi niya ako sinasagot ng maayos.
"Don't worry, Bullet," bulong niya sa akin. "You can like him as much as you like. He's a brother to me," sabi niya sabay hagikgik na parang kinikilig.
Napanguso ako. "Kawawa naman pala si Andrè. Hindi siya mahal ng mahal niya," mahinang litanya ko. Ewan bakit lumabas iyon sa bibig ko.
"What did you say?" kunot noong bumaling sa akin si Monique. Alanganin akong ngumiti.
"Nothing. I said thank you," sabi ko na lamang. Bumaba na sa kama at naunang naglakad palabas sa kuwarto.
Ramdam ko ang titig ni Monique sa aking likod. Hindi ko na lamang nilingon dahil maaasar lang ako. Sure akong nakangisi siya at parang nanunudyo.
As usual sa sala ko ulit makikita si Andrè. Nakaupo habang hinihintay si Monique. Naupo ako sa pang-isahang sofa. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang itim na notebook niya. Mukhang nagsulat na muli siya roon.
"Are you ready, Andrè?" bungad ni Monique. Parang kagagaling lamang niya sa banyo dahil nakataas hanggang siko ang sleeves ng kanyang damit.
Napatingin ako sa kanilang dalawa nang tumayo na si Andrè para salubungin si Monique.
"Aalis kayo?" hindi ko maiwasang tanong.
"Oo," sagot ni Andrè.
"Yes, baby," sagot ni Monique sabay ngisi. "Magde-date muna kami bago ako umalis papuntang Africa," dagdag niya pa.
Sinamaan ko ng tingin si Monique nang hindi nakabaling sa akin si Andrè. Ang lakas ng loob niyang buskahin ako dahil lang nahuli niya akong may gusto kay Andrè. Oo na, gusto ko si Andrè. Pero hindi naman ako katulad ni Andrè na parang asong ulol na kung makita ang gusto kawag nang kawag ang buntot.
Bahala nga sila!
"Ah sige. Enjoy the night," sabi ko. Kinuha ang remote at ini-on ang TV.
"Do you like something pag-uwi ko?" tanong ni Andrè. Infairness sa kanya. Hindi niya ako kinakalimutan kapag umaalis.
"Beer puwede?" sabi ko na parang ikinagulat niya. Kinunutan pa ako ng noo.
"You're too young to drink!" bulalas niya. Pinapagalitan ako sa kanyang tono.
Samantalang natawa naman si Monique. "Broken hearted ka ba?" At talagang ayaw akong tigilan.
I'm not that young though. Mag-e-eighteen na ako sa susunod na araw. Hindi nila alam iyon at hindi ko sasabihin.
"Kahit ano na lang. Nagtanong pa kasi, ayaw naman pala," maktol ko. Nilakasan ang sounds ng TV, dismissing them. Maiinis din lang ako.
Nang wala na sila ay doon ko talaga naramdaman na ang boring ng life ko. Paano ay hindi ako makalabas sa takot na baka may makakita sa akin na kung sino. Okay sana kung ready na talaga ako. Aalis ako agad para hindi madamay si Andrè at Monique. Pero hindi. Like Monique said, I'm not yet completely healed.
Ilang minuto lang ako sa harap ng telebisyon. Muli kong binalak mag-ikot sa bahay na iyon ni Andrè. Bago gawin iyon ay siniguro ko munang lock ang pinto at walang bakas na naroon ako sa sala. Baka dumating na naman ang ama ni Andrè. Lagot na.
Mula sa sala ay nagawi ako sa maliit na library. Pero hindi na ako pumasok doon kahit curious ako sa diary ni Andrè. Alam kong doon niya iyon itinatago.
May pinto malapit doon. I tried to open it, it's not lock kaya tumuloy ako. There's a stairs going down. May basement ang bahay na iyon. Out of curiosity ay inapuhap ko ang switch ng ilaw para lumiwanag. Gusto kong makita kung anong naroon.
Bago bumaba ay napahugot muna ako ng malalim na hininga. Baka sa likod ng kabaitan ni Andrè ay may itinatago rin ito doon. Just like the movies. Maybe he hide something there. Maybe he is an angel and a devil as well. Malay ko ba, he wants revenge hindi ba? Kunwari lang na mabait siya at ayaw niya iyon pero baka...
Naipilig ko ang aking ulo. Anong bang naiisip ko. Ginagawa ko na siyang masamang tao. Pampalubag loob ko lang naman iyon. Nakakainis kasi. Iniwan akong mag-isa.
Ang inis na naramdaman ko ay biglang nawala nang makababa na ako sa basement. Iyong literal na nanlaki sa tuwa ang mga mata ko. There's a lot of gym equipments. Nagniningning ang mga mga ko sa galak. Dahil sa excitement na biglang naramdaman ay agad kong nilapitan ang sand bag. I punch it. Mahina lang dahil wala akong suot na boxing gloves. I miss it. Iyong araw-araw akong nagwo-work out. Araw-araw may kalaban na tauhan ni Papa para mahasa ang fighting skill ko. Mag-iisang buwan na rin kasi ako sa poder ni Andrè. Wala pa rin akong balita kung hinahanap ba ako nila papa.
Nakaramdam ako ng lungkot. Ngunit nilibang ko na lang ang aking sarili. Lumapit ako sa mga weights na naroon. Pinulot ko ang pinakamababa ang timbang. Makalimutan kong may nga injuries pa ako. It's healed pero siyempre, hinay hinay lang dapat ako. Pumunta ako punching ball. Sinuntok ko iyon nang tuloy-tuloy. Nakatalikod ako sa may pinto kaya hindi ko nakita na may nanonood pala sa akin. Huli na dahil nakita na niya ako. Huli na para itago ko ang kaalaman ko sa pakikipaglaban.