Chapter 9 Closet

1200 Words
"Andrè..." tawag ng isang lalaki sa pangalan ni Andrè. Sa tantiya niya ay matanda na iyon batay sa boses nito. "Anak?" Natutop ko ang kanyang bibig. Nasa closet ako na lagayan ng mga jacket at tsinelas. Iyon na kasi ang pinakamalapit na puwede kong takbuhan para magtago. "Andrè," muling tawag ng taong iyon. Kinakabahan ako dahil tila palapit iyon sa kinaroroonan ko. Hindi niya ako puwedeng makita. Mapapahamak si Andrè maging si Monique. Nagulat ako at napapikit nang gumalaw ang pinto ng closet na kinaroroonan ko. Itinutulak lamang kasi iyon para kusang bumukas at hindi ko puwedeng i-lock iyon dahil walang pagsarhan. "Andrè, help..." piping hingi niya ng tulong kahit alam niyang malabong maililigtas siya ng lalaki sa maaaring pagkabuko na naroon siya. Inihanda ko na lamang ang aking sarili para magpaliwanag sakaling mahuli ako ng taong ama yata ni Andrè. "Pa!" Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng tila pagkabunot ng malaking tinik sa aking lalamunan nang maulinigan ko ang pamilyar na boses ni Andrè. Bumalik ito. Bumalik para mailigtas ako sa pagkabuko. Nakahinga ako ng maluwag. Gusto ko tuloy yakapin nang mahigpit si Andrè. "Where have you been, son?" tanong ng matandang ama talaga ni Andrè batay sa tawag nito sa kanya. Papalayo na rin ang mga yabag sa kinaroroonan ko. "Uh...I...went out. Late kayo nag-text. Di sana hindi ako umalis..." "Nah, hindi mo naman kailangan na bumalik dito. Tinext mo na lang sana ako that you were out. Kukunin ko lang naman ang jacket na naiwan ko rito at kukumustahin na rin sana kita. Halos isang buwan ka ng narito..." Nanatili akong hindi gumagalaw habang naririnig ko ang mga yabag at pag-uusap. Muli akong naestatwa nang may palapit na naman sa kinaroroonan ko. Rinig na rinig ko ang mabibigat na yabag ng kung sino. "I'm fine, pa. I have a case study kaya mas gusto kong narito. What jacket is it?" Nagkatitigan kami ni Andrè nang buksan niya ang pinto ng closet. Nakatayo ako roon at nakasiksik para hindi makita. Sa gulat ko ay muntikan akong mapasigaw. Buti na lang ay agad niyang natakpan ang bibig ko. "I'll get it, son..." "Ako na pa. Marami kasi akong gamit dito..." agad na agap ni Andrè sa kanyang ama. Nang pareho naming marinig na palapit ang ama niya ay umusad siya palapit sa akin para mas itago ako. Ngayon nga ay naipit ako sa katawan niya at sa shoe rack na naroon. Napalunok ako habang nakatitig pa rin kay Andrè. Kay lapit na kasi namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango at hininga habang nagsasalita. "It's the green stripe with red, right?" sabi nitong iniangat ang kamay na nasa bibig ko. Inilagay niya ang hintuturo sa kanyang labi saying na huwag akong maingay. Then he extend it para kunin ang pakay na jacket mula sa gilid ko. Sa ginawa niya ay lalong nagkalapit ang aming mga katawan. Naitukod ko tuloy ang mga palad ko sa kanyang dibdib. Ramdam ko ang mas matinding kaba na naroon siya kaysa sa muntika akong mahuli kanina. "Move more inside, makikita ka," bulong nito sa akin. Umiling ako dahil wala na akong maaatrasan pa. "Are you saying something, son?" aniya ng kanyang ama na halos malapit na rin sa gawi namin . Buti na lamang at nakaharang talaga ang pinto kung saan ay naitago ako sa mga mata nito. "Uh, no pa. I got it!" sabi niya na mas lalo akong inipit sa loob ng closet. Tila nahihirapan siyang kunin ang jacket. "Stay here for a while," bilin niya nang tuluyang makuha iyon. Tumango agad ako. Hindi ko na kaya ang pagpipigil na huminga. I literally did not breath because of him. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Namumula na yata ako at hindi ko na alam kung anong dahilan. Kung dahil ba sa hindi ko paghinga o dahil sa naghahabulang kabayo sa bilis ng t***k ng puso ko. Anong ginagawa sa akin ng lalaking ito? Agad akong napabuga ng hangin nang isara na niya ang pinto at itago akong muli sa closet. Halos manghina ang mga tuhod ko. Gusto ko tuloy mapasalampak na lang sa sahig pero hindi puwede. Makakagawa ako ng ingay at ayaw kong mahuli ako ng kanyang ama. Alam kong ayaw niya rin mangyari iyon dahil itinatago nga niya ako sa kung sinong tao. Hindi ako puwedeng makita ng ibang tao maging ang ama nito. "Kailan ka uuwi sa atin? It's been months, anak," rinig kong ika ng ama ni Andrè habang papalayo ang mga yabag nila sa kinalalagyan ko. "Soon pa, marami pa kasi akong ginagawa," sagot ni Andrè. Nakalayo na sila kaya hindi ko na naulinigan ang kanilang pag-uusap. Hindi ko alam hanggang kailan ako nakatayo at nagtatago. Basta ang alam ko, ngawit na ngawit na ang mga paa ko sa tagal na naroon. Nang bigla ay bumukas ang pinto ng closet. Sa gulat ko at sa pagkakangawit ay hindi ko nokontrol ang sarili kong pabagsak paharap. Mabilis naman akong nasalo ng kung sinong naroon. "Easy..." Naghatid ng kakaibang pakiramdam ang boses na iyon ni Andrè. Paano ay malapit sa aking teynga ang kanyang bibig. Tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan dahil sa puwesto naming dalawa. "Wait..." angal ko nang balak na sana niya akong bitiwan. Ako na ang napayakap sa kanya. "I can't stand...yung paa ko," I said. Hindi ko na maramdaman iyon dahil sa pagkakangawit. Walang sabi-sabi ay binuhat niya ako in bridal way. Napasigaw pa ako dahil feeling ko hindi niya ako kaya dahil sa kapayatan niya. Ang gusto ko lang naman ay alalayan niya sana ako maglakad papunta sa upuan. "Salamat," sabi ko na lamng nang ibaba niya ako. Hindi sa upuan kundi pinasok na niya ako sa aking silid. Sa mismong kama na ako naroon. Kahit payat siya ay malakas din naman."Hoy, sandali..." angal ko nang muli niyang hawakan ang mga paa ko at hilutin. Tinaasan niya ako ng kilay habang ipinagpatuloy ang ginagawa. Napanguso akong pinanood na lamang ang ginagawa niya. Alam ko naman na hindi siya titigil. Hindi ko rin maiwasang mapatitig sa kanya. Pangit pa rin siya sa kanyang mga tigyawat na parang mga puputok dahil namimintog na ang mga ito sa pagkapula. Pero habang tumatagal ay gumaguwapo siya sa paningin ko. Siguro dahil talaga iyon sa ugaling meron siya. Tama ang sabi ng ilan, kapag mabait at marespeto, mas guwapo pa sa guwapo. "I'm sorry, natakot ka ba kay Papa? Hindi ko kasi alam na pupunta siya rito. Sana hindi ako umalis..." Napailing naman ako. Pinilit kong ikubli sa ngiti ang kaninang kaba na naramdaman. "Hindi naman sa natakot. Mas maigi nga na wala ka sa bahay. Kung masamang mga tao iyon, ako lang mapapa... aray!" reklamo ko nang diinan niya ang pagmasahe sa paa ko. "Galit ka ba?" singhal ko. Sinamaan ko ng tingin. "Mas maiging narito ako if ever na ibang tao nga ang dumating. Pamamahay ko ito at hindi ko gustong dumanak ang dugo rito." Napangiwi ako. Gusto ko tuloy sabihin na paano niya ako ipagtatanggol kung sarili nga niya hindi niya magawang ipagtanggol sa mga bully. Hay naku, tapang tapangan lang naman siya. Kaya ipinapangako ko, kapag maayos na ako, ako na ang gagawa ng paraan para ipaghiganti siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD