Pangit man sa iyong paningin, mabibighani ka rin.
Iyon ang tumatakbo sa isip ko habang tumatagal na nakakasama ko si Andrè. There's something about him that draws me near to him. Ang kabaitan niya ba? How he treated and cared for me? Or maybe the way he is so mysterious to me.
Napakamisteryoso naman kasi niya talaga. Misteryoso ngunit hindi naman sa nakakatakot na paraan. Masasabi ko ngang mapagkakatiwalaan ko silang dalawa ni Monique habang tumatagal na kasama ko sila. Talagang iniisip nila ang kaligtasan ko at ang tuluyang gumaling.
Monique always visit me every two days to check my wound. Okay na ang tagiliran ko at ang sugat ko sa braso. Ang pangit kong mukha na lamang talaga ang hindi pa gumagaling. At gumaling man ay walang magbabago. Pangit pa rin ako.
"You're okay here, right?"
"Hmmmm, I think so. Why?" Isang umaga, pagkatapos ng almusal ay halata kong nakagayak na si Andrè. Hindi ako nagtanong kanina ngunit mukhang aalis nga siya at iiwanan niya ako roon na mag-isa.
"I need to go somewhere. Mamimili na rin ng stocks para dito sa bahay. Do you need anything particular?"
Ngumuso ako. Bukod sa mga underwear na na-provide na sa akin ni Monique ay alam kong nangangailangan ako ng iba pang masuusot like shorts or leggings.
"Shorts, leggings, t-shirt maybe. Iyong masasabing akin at hindi iypng sa iyo," sabi ko. Napairap ako sa hangin nang tumaas ang isang kilay niya. Parang hindi ako kapani-paniwala.
"You don't like my clothes?" anang tila nambubuska. Napangisi pa siya sa akin. Kitang kita ko ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin.
Sa ilang linggo naming magkasama ay madalas na ang pagngiti niya kahit kaharap ako. Siyempre mas masaya lamang siya kung naroon si Monique. Halatang may pagtingin talaga siya kay Doktora.
"Okay lang naman ang mga t-shirt mo. Pero gusto ko naman magsuot ng masasabing akin. Ano tayo, hiraman na lang?" ika ko. Lalo niya akong tinawanan.
"Hindi naman ah. Hindi mo naman isinusuot ang underwear ko. Maging ang iyo, hindi ko sinusuot..." At talagang nagawa pa niyang magbiro!
Inirapan ko siya at gustong hampasin. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin.
"Okay, what's your size then?" tanong niya. Mas lalo akong naiinis dahil natatawa pa rin siya. Tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Para bang sinusukat ng mga mata niya ang vital statistics ko.
"36-24-36," ika kong pakikisakay sa pagbibiro niya. Akala niya huh!
Humalakhak siyang tuwang-tuwa. "Ows? Pasukat nga!" sabi niyang akma niya akong hahawakan.
"Tumigil ka nga!" saway kong inumbayan ko ng suntok. Akala ko ay iiwas siya ngunit hindi. Dumako ang kamao ko sa kanyang mukha.
"Ouch!" daing niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Bukod sa nasaktan ko siya ay baka may naputok akong hinog niyang tigyawat.
"Sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ka pala marunong umiwas..."
Umangat ang tingin niya sa akin. Naluluhang napadako ang mga mata niya sa aking mukha. Nailang ako bigla dahil sa mukha ko siya nakatingin.
"Hoy, sorry..."
"Kay! It's okay," ika niyang itinaas ang kamay hudyat na sumusuko siya. Pagkatapos noon ay muli siyang nagpaalam para umalis na. "Don't go outside. Don't open the curtains. I have the key with me so don't open the door when someone knock. Stay low, Rose."
Gusto ko siyang irapan na muli. Para akong bata na binibilinan niya ng gagawin. But then, I realized, nagiging maingat lamang siya. Lalo at nanganganib nga ang buhay ko.
Sinilip ko siya habang papaalis. Nang wala na siya sa paningin ko ay naupo ako sa sala. Sinubukan kong manood ng telebisyon. Ngunit mabilis naman akong nakaramdam ng pagkabagot sa pinapanood na pelikula. Kaya naman naisipan kong mag-ikot na lamang sa buong kabahayan. Sa first floor lang naman.
Nagawi akong muli sa painting. Kahit ngayon ay hindi ko pa rin talaga matanto kung saan ko nakita ang babae sa painting. Or maybe, sa ibang paintings ko din lamang nakita. Di ko lang talaga maalala kung saan.
Muli akong naglakad. Nang madaanan ko ang isang maliit na silid. Sumilip ako roon bago tuluyang pumasok. Napangiti ako dahil isa iyong maliit na library. Doon kinukuha ni Andrè ang mga librong binabasa niya.
Nilibot ko ang aking mga mata roon. Minsan pa ay binabasa ko ang mga titulo ng librong naroon. Wala naman akong maibigan na basahin. Hindi ako bookworm kagaya ni Andrè.
Aalis na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang itim na tila notebook sa maliit na lamesa. Naalaa kong iyon ang laging hawak ni Andrè kapag nag-iisa.
Tila may nag-udyok sa akin na pulutin iyon. Mali pero nagawa ko iyong buklatin. Doon ay tumambad sa akin ang sulat kamay niya. Isa pala iyong diary.
Ititiklop ko na sana iyon dahil alam kong mali ang pakialaman ang gamit at privacy niya ngunit muling may nakaagaw ng aking pansin. Iyon ay ang nakasulat na revenge sa dulo. Naengganyo tuloy akong basahin ang nilalaman ng pahinang iyon.
'I am angry. But more than that, mas nagagalit at namumuhi ako sa aking sarili at sa kahinaan ko. Even if I tried to protect myself from them, from their hurtful words against me, I am still a loser. I am not strong enough to fight them. I was bullied my entire life because I'm weak. I want to get even. I want to take revenge'
Napanguso ako sa nabasa. Sinasabihan niya akong huwag isipin ang revenge pero siya naman pala ay may ganoon pag-iisip sa kung sino mang tinutukoy niya.
Binasa ko ang petsa kung kailan niya iyon sinulat. It was last year. Nakapagrevenge kaya siya sa mga iyon?
Dahil naging kuryoso ako ay binulatlat ko ulit iyon. Pumunta ako sa latest na sinulat niya.
"I met them again. They were the same, as my self. Walang akong pinagbago. The revenge is on my mind only. I can't do it. I can't hurt them even if they've hurt me. Still, I am not that strong to fight'
"Bakla ka ba? Anong hindi strong enough ka riyan. Lampayatot ka kasi eh. Kaya mo kung gusto mo!" bulalas ko na parang kausap si Andrèsa pamamagitan ng diary niya. Nagagalit ako sa nabasa. Nagagalit ako kasi, nabubully pala si Andrè tapos hindi man lamang maipagtanggol ang sarili. Naiinis ako na naaawa sa kanya.
Magbabasa pa sana ako nang marinig kong may sasakyan na dumating. Napatingin ako sa relo na naroon. Nagtaka ako dahil kay bilis naman yata ni Andrè dumating.
Inayos ko ang notebook sa dating puwesto. Napatakbo agad ako sa sala upang sana ay salubungin ito. Ngunit napatigil ako nang mula sa manipis na kurtina ay naanimag ko na ibang sasakyan iyon. Hindi iyon ang gamit ni Andrè.
Kinabahan ako lalo na noong binubuksan na ang pinto ng kung sinoman na dumating. Alam kong may susi ang taong iyon dahil gumalaw ang seradura. Natataranta akong nagpalingon-lingon at napaatras nang nag-click ang lock hudyat na bukas na iyon. Agad akong napatakbo sa malapit na closet para doon magtago. Labis-labis na kaba ang bumundol sa aking sistema noong marinig ko ang mga yapak ng taong iyon papasok sa loob ng bahay.