"It's a deep second-degree burn. It will heal, it takes a while, and maybe a specialist to assess your face. Hindi ko masasabi kung anong kailangan para ibalik ang dati mong mukha..."
I knew it. Gusto kong magwala at umiyak pero anong magagawa ko kung gagawin ko iyon. Hindi ko na maibabalik pa ang lahat. Ang mahalaga ay kaya pang maayos ang mukha ko. Kaya pang ibalik iyon sa dati.
"Hayaan muna natin na mahanginan. Just be careful and don't wash it. May mga cream akong dala para sa mukha mo. It will help especially sa pain and itching. Do...you want to look at it?" alanganin pa niyang tanong.
Tumango ako habang napatitig na muli sa kanya. Inabot niya sa akin ang salamin na kinuha niya sa kanyang bag. It was a small-round mirror.
Hesitatant pa akong iangat iyon sa para makita ang aking mukha. Nanginginig ang aking kamay. And the moment I saw my face, napuno ako ng poot. Half of my face was damage. Medyo kumulubot pa sa parteng mata ko. The skin on my face was splotchy red and white. It is gross to look at. So gross na masasabi kong mas pangit pa pala ako kesa kay boy tigyawat. O si Andrè kung tawagin ni Doctor Monique.
Tila ayaw kong humarap kay Andrè dahil sa pagkakatanggal ng benda. Tila bigla kasi ay nanaig sa akin na lalong makilala kung sino ang may pakana ng pagkidnap sa akin. Kung sino ang nasa likod niyon at pagkasira ng aking mukha. I know, whoever it is only used Ashley. At nagpakatanga si Ashley dahil naging sunod sunuran siya sa taong iyon.
"Maganda ka pa rin, Bullet..." muling pagpapalakas ng kumpiyansa ko ni Doctor Monique. Alam kong kita sa mukha ko ang disgusto sa aking itsura.
"Call me Rose, dok..."
"Then call me Monique, Rose," ika niyang may kakaibang ngiti sa labi. "Ang ganda ng pangalawang pangakan mo, Rose. Pero mas gusto ko ang Bullet," anyang mas lumawak ang ngiti sa kanyang labi.
Bullet Rose ang pinangalan sa akin ng aking ama. Bullet, para sa kamatayan, Rose na para sa ama ko ay buhay.
"Kapag maayos ka na, I'll recommend someone to fix your face. Babalik ang dating ikaw in no time..."
Hindi ako nagsalita para tugunan siya. Mas mahalaga sa akin ang tuluyang gumaling at ng makaalis na ako sa pangangalaga nila. My father can fix my face using his money.
Dahil bantulot pa rin akong magpakita kay Andrè ay hinila na ako ni Monique para lumabas pagkatapos niya akong bilinan ng dapat gawin para hindi maimpeksiyon ang mukha ko. Kada dalawang araw din ay bibisitahin daw niya ako para tignan iyon.
"Andrè..." tawag pa ni Monique sa lalaki. Nakaupo ito sa sala habang may binabasa na itim na notebook. Hindi pa nakaligtas sa akin ang aligagang pagsasara niya doon na para bang may tinatagong laman.
Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa nang balingan niya ako ng tingin. Ngunit gaya ng dati ay ni walang naging emeosyon ang mga iyon. Hindi nga siya nagulat o kaya hindi ko nakitaan ng pandidiri sa mukha ko. Maybe because, maging siya ay hindi maganda ang itsura.
"Did you eat? Want some tea or coffee?" tanong ni Andrè na hindi na sa akin nakatingin. Doon ay kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresiyon niya sa mukha. Napuno ang mga mata niya ng kakaibang ningning. There's warmth in his actions and the way he speak towards Monique.
"Nah! Aalis na ako. Isa pa, gabi na. Kailangan ako sa hospital bukas kaya aalis na ako agad. At...kapag pinagbigyan kita ay baka hindi mo na naman ako pauwiin agad," tanggi naman ni Monique. Lumapit kay Andrè na tumayo agad sa pagkakaupo.
Napairap ako sa hangin nang makitaan ko rin ng pagngiti si boy tigyawat. Like flirting to his doctor friend. At hindi ko mapigilang mapangiwi nang magbeso-beso pa sila. Napatalikod lamang ako bigla nang muling makasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Andrè. Nakatingin pala ito sa gawi ko.
"Ihahatid na kita kung ganoon," sabi ni Andrè. Hindi man lamang ako pinansin. Hinawakan niya sa siko si Monique para alalayan.
"Bye, Rose," paalam pa sa akin ni Monique.
Magpapaalam rin sana ako ng kaway pero napatigil ako nang taasan ako ng kilay ni Andrè 'boy tigyawat'. Kainis dahil may ngisi akong naaninag bago siya tumalikod sa akin.
Noong wala na sila sa paningin ko ay lumibot ako sa buong sala. Wala man lamang ni isang litrato ang naroon gaya ng ibang napuntahan ko na bahay. Mukhang bakasyunan lang talaga iyon dahil kakaunti rin lamang ang mga kagamitan.
Sa paglalakad-lakad ko ay napansin ko ang isang napakagandnag painting. Nakakamangha sa ganda. Isang babae na may hawak na sanggol. Parang may kamukha nga ang babae sa painting na iyon. Di ko nga lamang alam saan ko nga ba nakita iyon. Tuloy ay dumami ang gitla sa noo ko habang sinusubukang alalahanin kung saan ko talaga nakita iyon.
"How's your face?" Nagulat ako at muntikan ng mapatalon. Bigla-bigla kasing may nagsalita mula sa aking likod. Ni hindi ko napansin na naroon na pala si Andrè. Parang ninja na walang tunog ang mga hakbang niya.
Mas nagulat pa ako nang maramdaman kong nasa gilid ko na siya. Sa may parte ng aking mukhang sunog.
Gusto kong itago iyon sa kanya pero huli na. Nahawakan na niya ako sa kamay at naipaharap sa kanya.
"Ano ba," piksi ko rito. Bigla kong ikinahiya ang sunog kong mukha. Lalo na at sa malapitan na niya makikita.
"You will be fine. Sabi ni Monique, by one week or so, magiging maayos na ang mukha mo..."
"Anong maayos? Hindi na maayos ito nang ganon-ganon na lamang," muling piksi ko rito. Naiinis ako kasi ang lapit ng pangit nitong mukha sa pangit ko ring mukha. Tuloy, ang pangit-pangit naming dalawa.
"I mean, the wound will dry eventually. It may leave scar pero kaya naman ayusin ng technology," litanya niya. "And you're still beautiful," dagdag pa niya na ikinangiwi ko.
Inirapan ko siya. Lumayo ako nang binitiwan na niya ang braso ko. Bigla kasi akong kinabahan na ewan. Basta dumagundong ang puso ko sa huling sinabi niya.
Nagkibit balikat naman siya sa inasta ko. Nakita ko na lamang ang sarili kong pinapanood siya papunta sa sala. Pagkatapos ay napasunod na rin ako sa kanya. May gusto akong tanungin kaya naupo ako sa kabisera ng inupuan niyang sofa.
"Andrè..." tawag ko sa pangalan niya. Hindi na siya nagulat doon. Sabagay alam na rin naman niya ang pangalan ko. I mean second name ko. "Gaano mo na katagal kilala si Monique?"
Kumunot ang noo niya na tila ba may mali sa tanong ko. Naikiling pa niya ang ulo sa akin.
"I mean...para kayong sanggang dikit kung tignan..."
Nakatitig lamang siya sa akin. Ni walang naging reaksiyon. Nainis ako dahil wala yata siyang balak kausapin ako. Inirapan kong muli siya.
"Akala ko ba, wala tayong dapat alam sa isa't isa?" tanong niyang dahilan para malaglag ang panga ko. Pinagtawanan niya ako pagkatapos.
"Tse! Makaalis na nga." Padabog akong tumayo mula sa pagkakaupo. Tinalikuran ko siya nang magsalita siyang muli.
"Magkababata kami pero mas matanda sa akin si Monique ng limang taon. Naging ate ko siya, but I didn't see her like that..."
Napalunok ako sa tila pag amin nito. Hindi man diretsang sinabi na gusto niya si Monique ay kita at ramdam ko naman. Iyong tingin na lamang niya kanina sa doktora ay kakaiba na.
Ngumiwi ang bibig ko. Buti na lang at nanatili akong nakatalikod sa kanya. Naiisip ko kasing hindi sila bagay ni Monique. Maganda si Monique. Pangit siya kaya mas nababagay din sa kanya ang pangit na gaya...
Naipilig ko ang aking ulo sa naisip. Nababaliw na yata ako. Binubully ko na naman siya sa isip ko.
"What are you thinking now?" tanong niyang muli. Siguro ay kuryoso sa kinilos ko.
"Nothing. Magpapaalam na ako para matulog. Goodnight," sabi kong humakbang na papunta sa silid na inuukopa ko. Ni hindi siya nilingon.
"Goodnight, Rose..." ika niyang tila humaplos sa kaibuturan ng aking puso. Mabilis tuloy akong pumasok sa loob at agad na sinara iyon.