Chapter 6 Tattoo

1363 Words
Sa maghapon na iyon ay wala kaming imikan na dalawa ng misteryosong lalaki. Kahit noong nakalabas na ako sa kuwartong iyon at sa kusina kami kumakain ngayon. Hindi na niya ako pinagsilbihan pa para hatiran ng pagkain sa silid. Okay naman dahil gusto ko na rin lumabas. Bored na rin akong nasa kuwarto lang. Namangha ako sa linis at ganda ng bahay bakasyunan na iyon. May dalawa itong palapag. Nasa unang palapag kami atukhang hindi rin siya pumapanhik sa ikalawa Laking Maynila ako kaya hindi ko talaga maiiwasang mamangha sa ganda ng ibang lugar lalo na kung probinsiya. "Where exactly are we?"tanong ko nang hindi na ako makatiis. The view from the window is just wow! Naglalaban na ang dilim sa liwanag pero dahil sunset ay napakaganda ng tanawin. Orange ang kulay ng langit at ng araw. "Monique will be here around 8 o'clock pm," ika niyang humarap sa akin. "And we are here in Batangas," sagot niya sa tanong ko. Ngumuso ako. That baritone voice was also making him handsome. Huwag ko lamang talaga siyang tignan sa buong mukha. Just his eyes and his voice, nakakagandang lalaki na. Tumango naman ako. Nasabi na niya iyon kanina sa akin. Mukhang naghahanap siya ng topic to crack the ice between us. Paano ay hindi talaga kami nagkaunawaan kanina. And I don't like him to manipulate me for what I want to do. Tama man o mali ang sinasabi niya. "Look..." "Please," putol ko agad sa gusto na naman niyang sabihin. "Maiging wala tayong alam sa isa't isa. Ayaw ko rin na madamay ka sa gulo ko. Kaya please, huwag mo na lang ako pakialaman sa gusto ko." Tumayo ako dahil nawalan na ako ng gana sa pagkain. Kukunin ko na sana ang plato ko para hugasan nang pigilan niya ako. "Ako na. Just take a rest..." Hindi ako nakipag argumento. Iniwan ko talaga siya sa kusina. Hindi rin naman talaga ako marunong maghugas ng pinggan kaya hahayaan ko na lamang siyang gawin iyon. Mukhang sanay naman siya. Wala pang alas otso ay may kumakatok na sa pinto ng silid na inuukopa ko. Agad kong naulinigan ang matinis at masayang boses mula sa labas. Hindi na rin ako nag-abala pang puntahan ang pinto para buksan iyon dahil bumukas na iyon at iniluwa ang isang babae. "Hello, beautiful," bati agad sa akin ni Doctor Monique Ferrer. Napakurap-kurap ako. She called me beautiful kahit na alam naming dalawa kung ano ang mukha ko sa likod ng benda na nakapulupot doon. At kahit sabihing maganda ako noon ay mas maganda ang doktorang nasa harapan ko.Parang isang manika. She has porcelain skin. Ang puti at kumikinang ang kutis. Blonde ang kulay ng kanyang buhok at maliit ang mukha na nababagayan ng maninipis na labi at mahahabang pilik mata. Napakaganda niya at napakaamo ng mukha. Napaisip tuloy ako kung doctor ba siya o isang beauty queen na nagtatago sa pagiging doktora. Matangkad din kasi ito ng ilang pulgada sa akin, sa tingin ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Ngumiti lamang ako bilang tugon sa kanyang tanong. Lumapit pa siya sa akin. "Inaalagaan ka bang mabuti ni Andrè?" muli niyang tanong na nakapagpatigil sa akin saglit. Napatingin ako sa kanya. "Andrè? Andrè ang pangalan niya?" tanong ko imbes na sagutin siya. Napakagat ng labi pagkatapos dahil bigla akong tinawanan ng doktora. Umugong sa buong silid ang malutong niyang halakhak. "Magkasama kayo rito ng ilang araw. Hindi pa kayo nagkakilala?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang sinesenyasan akong mahiga. "How's your side? Does still hurts?" tanong niya habang pinisil ang tagiliran ko. "There's pain but tolerable now. Sa tuwing nabibinat lang umaatake ang matinding sakit," sagot ko. Hindi na kasi siya ganoon kasakit gaya noong una. Nakatulong din ang pain reliever na pinapainom ni Andrè sa akin. "Sit down," utos niyang muli nang matapos niyang pisilin ang tagiliran ko at iba pang parte sa aking likod. "Aside from two broken ribs ay maayos ka naman. Walang bali na iba. Gasgas at mga pasa lamang and...a gunshot wound," sabi niya. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang sa presensiya niya. May kung anong ipinapahiwatig ang aura niya sa akin. Nabagabag ang sistema ko. Lalo na noong salubungin niya ng tingin ang aking mga mata sabay ngiti ng tila nakakaloko. "Your in a good hands my dear," sabi niya pagkatapos ay tinalikuran ako para puntahan at isara ang pinto. Hindi nakaligtas sa akin ang pindot niya para i-lock iyon. Gumalaw-galaw ang aking mga mata sa taranta sa presensiya niya. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkabalisa sa paraan ng mga ngiti niya nang muli niya akong hinarap. Bigla akong nilamig kaya niyakap ko ang aking sarili. Her presence gave me chills, lalo na noong humalakhak siyang muli. Natutuwa pa yata sa nakikitang itsura ko. "Mapagkakatiwalaan mo ako, Bullet," she said. Lumaki ang mga mata ko at halos lumuwa iyon. She knows me. Inihanda ko ang aking sarili. Kung may gawin man siya sa akin ay lalaban ako. "Hindi ako masamang tao. I'm not one of them," pahayag niya na itinaas ang dalawang kamay. Pagkatapos ay inilabas ang mga bulsa para ipakitang walang anumang bagay siyang itinatago roon. A weapon maybe. "I'm a friend." Habang sinasabi iyon at habang pinagdududahan ko siya ay binubuksan niya ang mga butones sa kanyang suot na blouse. Napakurap-kurap ako nang tuluyan niya iyong tanggalin sabay talikod sa akin. "Like you, I have tatoo on my back too," sabi niyang dahilan upang lalong manlaki ang mga mata ko. Napatitig ako roon. She has a black rose tatoo in her back gaya ng sa akin. Ang kaibahan lang namin ay ang mayroong ahas na nakapulupot sa bulaklak na tattoo niya. Ang sa akin kasi ay isang rosaryo. Pero hindi ko maitatangging halos pareho kami. Where it is and how it made... Sabi ng ama ko, there's a special ink that used on our tatoos. Ink na hindi kumukupas at makinang lalo na sa kadiliman. "Black rose means death. With the snake.. implies that I am deadly..." sabi niya sabay ngisi nang muling isuot ang kanyang damit. "Deadly charming," dagdag niya sabay muling halakhak. Akala niya ay nakakatuwa ang joke na iyon. Nanatili akong hindi makakilos. Pilit prinoproseso ang lahat sa isip ko. Nakita ko na ba siya? Kabilang ba siya sa organisasyon? Alam ko sa mga babaeng kasapi at nasa mataas na posisyon ng organisayon ay may mga tatto. Black rose ang pinakatema ng mga babae. Iba-iba nga lamang ang kapareho. Gaya ng akin at kay Monique, iba rin ang sa lola ko na ina ng aking ama. Black rose at espada. "S-sino ka?" utal na tanong ko. "Huwag kang mag-alala, Bullet. I am not your enemy here. At kung nasaan ka ngayon ay masasabi kong ligtas ka." Hindi ko mapigilang magtagis bagang. Hindi ko rin alam kung totoo ngang ligtas ako gayong tila kilalang kilala ako ni Monique. Sino nga ba siya? "Let me check your face," sabi niya. Napapitlag pa ako nang akma niyang hahawakan ang benda sa mukha ko. I...can't trust her. Mabini siyang tumawa dahil sa ikinilos ko. Imbes na hawakan muli ang benda ay ang kamay ko ang hinuli niya. Huli na para iiwas ko dahil nahawakan na niya iyon. "Bullet, hindi ako kabilang sa mga taong gumawa sa iyo ng ganito...mapagkakatiwalaan ako," sabi niyang hinawakan ako sa magkabilang balikat pagkatapos bitiwan ang kamay ko. "I will not hurt you. At hinding hindi ko ipapahamak si Andrè kung talagang kalaban ako." Napakagat labi ako. Ang hirap na talaga kasing magtiwala. Itinuring ko ngang bestfriend nagawa akong traydurin. Mga estrabghero pa kaya gaya niya. Isa pa, kilala niya ako samantalang ako hindi. At malamang na alam niya kung sino at saan ako nabibilang. Muling bumalik sa akin ang imahe ng kanyang tattoo. Nagbigay sa akin iyon ng assurance. Na baka pareho kami ng kinabibilangan. "Let's focus on you. Magpagaling ka muna. Sa ngayon ay gusto kong walang makakaalam kung sino ka. Even Andrè. Ayaw kong mapahamak siya dahil dito..." Napatitig ako sa mga mata niya. Bigla ay nawala ang pagdududa sa aking sistema. She manage to gain my trust. Para siyang bulaklak na nakakaengganyo ang bango. Nakakapagpalimot. Napatango na lamang ako sa kanya. Trusting her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD