Sa dalawang araw pa na nakalipas na magkasama kami ay hindi ko na tinanong o inalam ang pangalan ng lalaking nagligtas sa akin. Nagkasya ako sa naging routine naming dalawa. Ako sa pagpapagaling at siya sa anumang bagay sa labas ng kuwartong kinalalagyan ko. Hindi pa kasi ako lumalabas sa silid na iyon, kahit sabihin pang kaya ko naman nang kumilos kahit papaano.
Sa dalawang araw na iyon ay napagtanto kong kami lamang talaga sa bahay na iyon. Siya ang nagsisilbi sa akin at umaalalay kapag gusto kong magbanyo. Kahit sabihin kong kaya ko naman ay alerts pa run siya sa mga kinakailangan ko. Hindi nga lamang niya ako natutulungan sa pagbibihis.
"Are you okay there?" tanong niya mula sa labas ng banyo.
"Yeah," sagot ko pabalik kahit frustrated na ako dahil it takes time for me to get dress. As usual, iyong malaki na naman niyang t-shirt ang isusuot ko. "Ah," mahina kong igik. Masakit pa rin ang tagiliran ko kapag nai-stretch pataas ang kamay ko. Kasalukuyan ko pa lamang kasing hinuhubad ang t-shirt na suot ko para palitan.
Good thing may undies and bras na binili sa akin ang lalaking iyon. Or maybe pinabili. Ewan, ang sabi niya noon unconscious ako ay ang kaibigan niyang doctor ang siyang nagpalit sa akin. Pinaniniwalaan ko naman siya roon.
Nang matanggal ko ang t-shirt ay napatitig ako sa salamin. May bakas pa rin ng mga pasa ang katawan ko. I saved my ass from death, pero...nakapatay ako.
My hands shake as I remembered what happened. I killed a friend who stabbed me in the back. Not only her, I killed four more.
Napalunok ako habang pinipigilan ang luha. Pero bumuhos pa rin iyon at dumaloy sa benda sa aking mukha. I should not feel guilty. Iniligtas ko lang naman ang sarili ko. Ngunit ng kaisipang sa kamay ko sila namatay...pakiramdam ko ay isa na rin akong kriminal. Walang pinag-iba sa kanila maging sa aking ama.
Napatawa ako ng pagak habang lumuluha. This is my life. Ganito ako pinalaki ng ama ko. Ganito ang mundong ginalawan ko. Hindi na dapat ako manibago sa lahat ng nangyari...
My father taught me to fight. Dahil kailangan kong protektahan ang aking sarili. I never took it seriously . Naging kampante ako na may mga taong nakabantay sa akin. Na may gumagawa at dinudumihan ang kamay para sa akin. I just need to close my eyes and my ears. Walang nakita o narinig khit pa sabihing...may napahamak o napatay.
Pinalaki ako sa kapaligirang iyon. Lumaki akong may pumapasok sa casa at hindi na lumalabas ng buhay. Pero kailangan kong tumahimik. Iyon ang kabayaran sa pagiging anak ko ng mafia boss. Maging bingi at bulag sa lahat ng nangyayari.
My father was from a family of Mafia from France. Ang lolo niya sa tuhod at lolo niya ay nasukil ng pulisya doon. His grandmother fled at sa Pilipinas napadpad with her son. At dahil lumaki ang ama niya sa mundo ng mafia. Nagtatag sila ng lihim na organisasyon. Hanggang sa makapag-asawa ang ama ko ng pilipina. A mother I never met.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Hindi oras ng pagdadrama ngayon. Kailangan kong magpalakas para makauwi na. Hindi ko na rin alam kung anong balita. Sa panonood ko ng telebisyon at news ay wala man lamang ang tungkol sa akin. I know, my father did it. Inilihim niya ang pagkawala ko. Para makakilos ang organisayon ng malaya at walang pulis na involve.
"Hey, are you really okay back there?" muling tanong ng lalaking iyon. Kinatok na rin ang pinto. "Buhay ka pa ba?"
Mula sa pag-iyak ay natawa ako. "Buhay na buhay pa. Don't worry, hindi ako mamatay sa poder mo," natatawang sagot ko. Nagbihis na. Naghilamos na rin para kahit papaano ay maibsan ang pamimintog ng mga mata ko dahil sa pag-iyak.
Kahit papaano ay nakakalakad na rin ako at nkakaikot kahit sa kuwarto lang na kinalalagyan ko. Mabagal nga lamang pero nagagawa kong palakasin ang aking resistensiya sa pamamagitan ng paglalakad. Lalo na kapag hindi nakatingin ang lalaking nagligtas sa akin. Lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.
Lumabas ako sa banyo. Napanguso ako nang makitang nakasandig pa rin sya sa may dingding malapit sa pinto. At gaya ng dati ay aalalayan niya ako. Hindi na ako tumatanggi pa. Doon yata siya masaya.
"Monique will be here later. Tatanggalin na niya ang benda mo sa mukha."
Napatigil ako sa paglalakad at hindi maiwasang malungkot. Makikita ko na ang mukha ko. Ang sinirang mukha ko ni Ashley.
Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa namuong galit sa aking sistema. Naramdaman iyon ng lalaking kasama ko.
"Whoever do this to you...it's not worthy if you plan for revenge..."
Napatingala ako sa kanya. His green eyes was eyeing for me too, like saying leave it. Marahas akong napailing.
"Ang mahalaga ay buhay ka..." Hindi ako tumigil sa marahas na pag-iling ]ara salungatin ang sinasabi niya. "Mas lalo mo lamang ipapahamak ang sarili mo. Buhay ka at may pagkakataong baguhin ang hinaharap..."
Sa ilang araw na magkasama kami, he was cold. Maasikaso siya but there's no emotion. Ngayon lang. Na parang may pinagdadaanan siya. Na parang sinasabihan niya ang sarili niya imbes na ako.
Bumitiw ako mula sa pagkakahawak niya. Niligtas niya lamang ako pero wala siyang karapatan para diktahan anuman ang gusto kong gawin.
Naramdaman ko mula sa aking likod ang mabibigat na titig niya. I don't care whatever he's thinking about me. Kung natatakot na siya sa presensiya ko ay okay na akong umalis sa poder niya.
Hinarap ko ito nang makarating na ako sa aking kama. Mabibigat pa rin ang titig ng mga mata niya na kasalubong ng aking mga mata. Those beautiful eyes na bigla na lang lumalamon sa aking pagkatao. Nawala ang gusto kong sabihin at nanatili lamang akong nakatitig sa mga mata ng lalaki. Napalunok pa ako nang magsimula itong humakbang palapit sa akin.
Hindi ko matanto kung bakit bigla ay nataranta ang aking puso. Kumalabog ito ng husto lalo na noong nasa harapan ko na siya habang hindi pa rin naghihiwalay ang mga mata namin. Napapikit lamang ako nang abutin niya ang mukha kong nababalutan pa ng bandage. Naikiling ko pa ang aking ulo para lalong madama ang palad niya sa pagitan ng mga benda.
"Revenge will make us suffer even more..." malamig pa sa hangin ang boses na anas niya. "Habang lumalaban tayo, lalo lamang silang matritrigger, mas lalala ang gagawin nila, hindi sila titigil..."
Muli akong nagmulat para muling titigan ang mga mata niyang iyon. Sabay sabing, " Kung ang paghihiganti ang magpapalaya sa atin sa kulungang kinasadlakan natin ng maraming taon, then, that revenge is worthy enough."
Tinabig ko ang kanyang kamay at muli ko siyang tinalikuran. Estranghero kami sa isa't isa kaya bakit pa kailangan naming pakinggan ang sinasabi ng bawat isa. Better na wala siyang alam sa pagkatao ko. Maging sa hindi ko pagkakaalam sa pagkatao niya. Kailangan kong ilihim kung sino ako.