Chapter 4 Ugly

1547 Words
Bangungot. Bangungot lamang siguro ang nangyari sa akin. Because right now, pakiramdam ko ay nasa langit ako. Nakahiga sa malambot na kama. At may napakabangong amoy na pumupuno sa aking pang-amoy. Amoy na ngayon ko lang naamoy. Scent? Bago? Natatarantang napamulagat ako ng mga mata, kasabay n'on ay ang malakas na kabog sa aking dibdib. Nasa ibang lugar ako at hindi bangungot ang lahat ng nangyari. "Ah!" igik ko nang maramdaman ang sobrang sakit sa aking tagiliran dahil sa pabalikwas na pagbangon. Nang tignan ko ang aking sarili ay may mga benda ako sa magkabilang kamay. At nakasuot ako ng t-shirt. Malaking t-shirt. Kasabay ng reyalisasyon na nasa isang lugar ako ay ang pagguhit ng pait sa aking sistema. Nanginginig ang mga kamay kong inapuhap ang aking mukha. Maging iyon ay nababalutan ng benda. "You're awake." Napabaling agad ako sa pinanggalingan ng boses dahil sa gulat. Nasa pinto ang isang matangkad at payat na lalaki. He wears thick glasses too dahil kuminang iyon agad sa paningin ko. Napatitig ako sa mukha niya. Aside from the thick glasses ay makapal din ang kanyang kilay. Marami siyang tigyawat sa kanyang mukha. Ayaw ko man isipin pero...he's...ugly. "Don't look at me like that. Alam ko kung ano ang iniisip mo," ika niya. Agad akong nakunsensiya dahil mababanaagan ng pait ang boses nito. Iyon bang siguro ay lagi na nitong nararanasan ang ganoong mga titig. My bad... "Nasaan ako?" tanong ko nang makahuma. Napayuko pa dahil nahihiya ako sa inasal ko.I totally bullied him. Nilait sa paraan ng paninitig ko sa kanya. "You're in my vacation house," sagot niyang nagpatuloy sa paglapit sa akin. Napatingala na lang ako ulit nang maramdaman kong nasa gilid na siya ng kamang kinaroroonan ko. "Hin..di mo ako dinala sa hospital?" Nagtama ang mga mata namin. Bukod sa napansin kong pangit siya dahil sa mga tigyawat, ay may magandang mga mata sa ilalim ng makapal na salamin na iyon. Malalim at parang kulay green sa tingin ko. He is not pure pinoy dahil sa tangkad at kulay pa lamang niya ay mahahalata na iyon. Parang ako lang. Though mas pinay ang features ko kaysa ang lahing foreigner gaya ng aking ama. "Sa nangyari, I don't think makakatulong na nasa hospital ka. Somebody wants you dead. They shoot us that night," paliwanag niya dahilan upang makagat ko ang aking pang-ibabang labi. Tama naman siya. "At kunsensiya ko if ever na iwanan kita roon at mabalitaan kong patay ka na," dagdag pa niya. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha. Nagpapasalamat ako dahil iyon ang ginawa niya. Kung may choice ako ay ayaw ko rin magpadala sa hospital. Lalo na at anak ako ni Antonio Devereux. Hindi ko rin alam kung sino pa ang kasama ni Ashley sa pagkidnap sa akin. Hindi kasi ako naniniwalang siya lahat ang nagplano at pasimuno. Back in my head, alam kong may kasabwat siya. Malaking tao siguro. Kaya mas maigi talagang hindi ako dinala ng estrangherong ito sa hospital. "Salamat," usal ko. Tumitig siya sa akin saglit. Pagkatapos ay tinalikuran niya ako. Pinanood ko siyang naglakad papunta sa bintana. Kitang kita ko pa ang pagbaba at pagtaas ng kanyang balikat hudyat ng malalim na buntong hininga. "You've been sleeping for three days now, buti at nagising ka na." Nagulat ako sa sinabi niya. "You have serious injuries but not life threatening kaya naman hindi na ako nag-aksaya pang dalhin ka sa hospital. A doctor friend of mine help you and tend to your needs. Huwag kang mag-alala. Tikom ang kanyang bibig. Wala siyang nakita rito. At ako lamang din ang narito sa bahay na ito," mahabang pahayag niya na lalong nagpaluwag sa dibdib ko. Tila nabuhat ang mabigat na pasan ko. Hindi ako nagtitiwala totally pero dahil niligtas niya ako at sa tatlong araw na tulog ako ay wala namang nangyari, baka puwede akong makampante habang nagpapagaling. Baka ligtas ako sa poder ng lalaking ito. Isa pa, hindi siya mukhang mapanganib. Nakatitig pa rin ako sa kanyang likod dahil nakaharap siya sa bintana. Hinawi pa niya ng kaunti ang kurtina kaya pumasok doon ang sikat ng araw dahilan upang tila siya nagliwanag na parang sa anghel. Kay guwapo ng kanyang likuran. He maybe slim pero matambok ang puwet niya sa suot na shorts. And super tangkad niya talaga. Maybe mahigit six footer siya. I can't really tell. Hindi rin ako sigurado kung ilang taon na siya ngunit mukhang hindi naman nalalayo sa akin ang edad niya. Naipilig ko ang aking ulo at umiwas ng tingin sa kanya. Why I'm thinking this way? Parang hindi nanganganib ang buhay ko at nagawa ko pang bigyang importansiya ang pisikal na appearance ng lalaking nagligtas sa akin. Isa pa, likod lang naman niya at mga mata ang guwapo. Pangit pa rin siya. Napanguso ako nang sa gilid ng mga mata ko ay makita siyang humarap sa akin. Tumagal ang tingin niya sa gawi ko kaya napilitan akong balingan siyang muli ng tingin. Mula sa sikat ng araw ay mas lalong naging pula ang mga tigyawat niya sa mukha. Napakadami talaga niyon at parang tigyawat na tinubuan na lamang ng mukha imbes na mukha na tinubuan ng tigyawat ang meron siya. Iyong matangos na ilong na lang yata niya ang walang pimples. Sorry sa kanya, sorry Lord, pero mapanglait na ako kung mapanglait. Ang pangit niya talaga. But then, I realized, ang lakas ng loob kong lasting ang nagligtas sa akin. Hindi ko naisip na maging ako ay pangit na rin naman. Sinira ni Ashley ang aking mukha dahil sa asidong ibinuhos niya sa akin. "Are you hungry?" tanong niya. Iniwas ang tingin sa akin. Parang nabasa niya ang nasa isip ko. "O-oo," mabilis kong sagot. Pilit ginawang kumportable ang sarili sa kanya. Isa pa, s tanong palang niyang iyon ay gutom na gutom na ako. Bigla pang kumalam ang sikmura ko. "Stay there. Dadalhan kita ng makakain dito. Hindi ka pa puwedeng magkikilos dahil nagrerecuperate pa ang katawan mo. Specially your broken ribs." Tumango ako kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Muli siyang naglakad at sa muli ay pinanood ko lamang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid ng silid. Nakunot ang noo ko nang mapansin ko ang upuan na nasa gilid. May kumot kasing naroon at tila ginamit ng kung sino. "Binabantayan ba niya ako sa tatlong araw na tulog ako?" piping tanong ko sa sarili. Napanguso ako dahil tila may sayang biglang namuo sa puso ko. Hindi lang niya ako niligtas. Mukhang tiniyak niyang mabubuhay talaga ako. Napatingin ako sa suwero sa aking kamay. Malapit na rin iyong maubos. Narinig ko ang mga yabag na papalapit. Inabangan ko ang pagbungad na muli ng lalaking nagligtas sa akin. Nang nasa pinto na siya ay pinilit kong makaupo. "Aray." Pero hindi ko kaya. Naramdaman ko ang sakit sa tagiliran ko. "I said don't force yourself," pagalit na ika niya nang makapasok. Mabilis akong dinaluhan. Inilapag niya muna sa side table ang dalang pagkain. Pagkatapos ay inalalayan akong makaupo. He put some pillows on my back. Para hindi ako mapahigang muli pabalik. Magkalapit kami kaya hindi ko maiwasang maamoy siya. Bukod sa mabangong amoy ng pagkaing dala niya ay nangibabaw ang bango niya sa katawan. He's natural scent makes him more handsome. Siyempre, kapag nakapikit. Kainis dahil kahit pigilan ko ang sarili ay napapansin ko talaga siya. "There," sabi niya. May table na nilagay sa harap ko. Inilapag niya roon ang pagkain. "You can feed yourself, right?" Tumango ako. Hindi naman ako baldado na hindi maigalaw ang mga kamay. Weak maybe pero kaya ko naman sigurong kumain mag-isa. "Good. I just made you porridge. Monique said..." "Monique?" kunot noong tanong ko. Wala akong ibig sabihin pero sino si Monique? Tumaas ang kilay niya. "Doctor Ferrer," sinagot pa rin naman ako. "She said, I need to feed you soft food habang nagpapagaling ka." Muli akong tumango. Hindi na rin naman nagsalita. Mas sila ang nakakaalam ng sitwasyon ng katawan ko. Sabi niya nga, sinabi ni 'Monique' the doctor iyon. Nagsimula akong sumubo ng pagkain. I hate porridge but right now, parang ang sarap-sarap kumain. "Dahan-dahan," sita niya sa akin. Naglakad papunta sa upuan. Naupo at kinuha ang librong nakalapag sa mesang katabi ng upuan niya. Nagsimula siyang magbasa habang ako naman ay kumakain. Nang dahan-dahan. Pasulyap sulyap pa ako sa kanya. Natapos ako sa pagkain. Nang mapansin niya iyon ay agad siyang tumayo sa kinauupuan at kinuha ang pinagkainan ko. Bago umalis ay may iniabot siya sa akin. It was a remote control.. "Watch television if you want. I need to go and do some stuff. If you need something, press your pendant," bilin niyang may itinuro sa may leeg ko. Agad akong napatingin doon. May kuwintas nga roon. Like a life saving pendant. "Salamat...uhm..." Hindi ko pa siya kilala. Naipakilala na niya ang doctor na tumingin sa akin pero hindi pa siya nagpapakilala. I want to know his name. I was waiting for him to answer and tell me his name. Pero hindi siya nagsalita. Umalis na lang bigka. Napanguso na lamang ako. Siguro ay mas makabubuting hindi namin kilala ang isa't isa. Kapag magaling na ako ay aalis naman ako sa poder niya. At ayaw kong madamay siya sa gulong napasukan ko at ng aking pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD