Chapter 3 Run

1631 Words
"Bilis! May nangyayari sa loob!" As I hide using Ashelys body. Ang natitirang tatlo na tauhan niya sa labas ay nagsipasok. May mga baril ang mga iyon at nagpaulan sila agad ng bala sa gawi ko. Risking the life of their boss who passed out. Or maybe dead already. I don't know. Hindi ko na iisipin pa si Ahsley dahil nanganganib pa rin ang buhay ko sa kanila. I sighed as blood gushed from my right arm. Natamaan ako noong binaril ako ni Raul.But I aimed first that's why they are dead now. Sa dalawang putok ng baril na nakuha ko kay Ashley ay tumumba siya at isa pang kasama. Nakipagpalitan ako ng putok sa natitirang tauhan. I manage to kill another one as the two manage to hide. Ang masaklap, naubusan na ako ng bala. Mabilis ang t***k ng aking puso. My body hurts a lot. My blood was boiling as my right face was burning in pain. I need to survive. I need to run, as fast as I can. Kanina ay nakita kong may daan sa likod. Doon galing si Ashley noong muling pumasok. Kung hindi ako nagkakamali ay maaring makatakas ako sa pamamagitan n'on. "Putang-!na! Papatayin talaga kita, babae ka!" sigaw ng isa sa tauhan ni Ashley. Dumagundong ang boses niya sa buong gusali. Nanlamig ako dahil tila sa demonyo iyon. But no time for me to freeze dahil ikamamatay ko talaga. I need to move. Pinakiramdaman ko ang dalawa pa. Walang gumagalaw sa kanila. Siguro dahil napatay ko ang ibang mga kasamahan nila kaya ingat na ingat sila ngayon. I need to run...now. Bago ako tumakbo ay ibinato ko ang baril sa kung saan para gumawa ng tunog. And I run the fastest that I can papunta sa pintong pinanggalingan ni Ashley kanina. "Tumatakas siya!" Pabukas na ako ng pinto nang maulinigan ko ang mga iyon, at ang yabag ng mga ito palapit sa kinaroroonan ko. Wala silang inaksayang oras. Kaya naman wala ding kamatayang pagtakbo ang ginawa ko para takasan si kamatayan. I want to live. I want to enjoy my youth. Seventeen lang ako for God's sake. So as Ashley. Pero pinili niya ang paghigantihan ang aking ama sa pamamagitan ko. I should never pitied her. Nakalabas ako sa gusali ngunit hindi ko alam saan ako naroon. Madilim at may iilan lang na street light sa paligid at nakapalibot pa rin ang malalaki at lumang mga gusali. Sira pa ang ilan sa mga ilaw dahil patay sindi ang mga iyon. Tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan patutungo pero sumige lang ako sa pagtakbo habang palingon-lingon sa aking likuran. Alam kong hindi ako tatantanan ng mga iyon. Hinahabol pa rin ako ng mga tauhan ni Ashley. "Tigil!" sigaw ng isa sabay paputok ng baril. Hindi ako tumigil gaya ng gusto niya. Ano ako, sira? Tumakas nga ako para makalaya tapos titigil lang ako dahil sa sigaw na iyon. Over my dead body. Mapapatay muna talaga nila ako. I was so tired and exhausted. Namimigat na ang aking mga paa. As I run, the wig I wore fell down. Doon ko napagtantong suot ko pa rin ang disguise na pads sa puwetan at dibdib ko. Nakadagdag sa bigat na aking dinadala. "Dali! Maghiwalay tayo," naulinigan kong muli. Hindi talaga sila titigil hanggang hindi ako napapatay. Pagod na pagod na ako. At tila walang katapusan ang eskinitang tinatahak ko. Hanggang sa magawi ako sa pinakadulo. "It's the end game!" bulalas ko nang sa harap ko ay malaking pader. There's no way out. Hindi rin ako puwedeng bumalik dahil siguradong makakasalubong ko lang ang isa sa mga humahabol sa akin. Napasabunot ako habang hawak ko ang aking brasong may tama. Dumudugo pa rin iyon at tila mauubusan na ako ng dugo. Idagdag pa ang iniinda kong sakit sa aking mukha. I don't want to die here. No...hindi ko iyon hahayaan. Pinagala ko ang aking mga mata. Maybe there's another way out. Lord, sana... "Lord, help me. Help me, please," I asked Him. Hindi ako palasimbang tao and not as faithful as the others. Pero naniniwala ako na mayroong Diyos. Naniniwala ako na puwede niya akong tulungan na makatakas. Hindi ko pa naman siguro oras. Ngunit kahit anong ikot ng mga mata ko ay panay pader ang nakikita ko. Nawawalan na ako ng pag-asa nang may biglang tumakbo na aso galing sa kalsadang pinanggalingan ko. Tumakbo at biglang nawala sa isang sulok ng pader. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Not because I was afraid. Iyon ay dahil bigla ay nabuhayan ako ng malaking pag-asa. There is a way out. Thank you, Lord. Tinalunton ng mga paa ko ang tinungo ng aso. And there! May butas na nilusutan ang asong iyon. Maliit lamang but I can dig it. I can use my hand to dig, para makalusot ako. Wala akong pinaglagpas na sandali. Kahit masakit ang kanang kamay ko na may tama ng bala at tila may bali ako sa tadyang ay mabilis kong ginamit ang aking kamay para makahukay ng mas malaking butas. Buti na lang din at medyo malambot ang lupa kaya hindi ako nahirapan gawin iyon. And thank you sa buwan dahil kahit papaano ay may liwanag. Makakatakas ako. Sinubukan kong lumusot pero hindi pa kaya. Kahit anong posisyon ang gawin ko. Gumapang man ako ay mahirap pa rin. I need to dig more. Mas laliman iyon para tuluyang makalusot ako papunta sa kabila. "Shi+," mahinang mura ko nang gumapang ang pawis mula noo ko papunta sa aking pisngi. Naluha ako dahil sa hapding naramdaman. Kinagat ko ang aking kamay para pigilang mapahiyaw. Ang sakit, ang hapdi. Parang pinipilas ang aking balat sa mukha. Muli kong pinagala ang aking paningin pagkatapos mapakalma ang sarili at muling kalimutan ang sakit. Hindi lang ang mukha ko ang sobrang sakit kundi maging ang aking mga kamay, lalo na ang aking mga kuko. I need something, wood maybe. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak. I still have the disguise pero wala na rin akong panahon para hubarin iyon. Magpapatagal lamang sa oras ko. Luckily, nakakita ako ng kahoy. Abandonado ang mga gusali sa paligid kaya hindi na ako magtataka kung may mga kahoy na nagkalat. Mabilis kong ginamit iyon para hukayin ang lupa. Hinahabol ako ni kamatayan kaya kailangan kong bilisan. Muli kong sinubukang lumusot. Nakahinga ako nang maluwag nang halos kalahati na ng katawan ko ang nasa kabila ng pader. Nang bigla ay lumabas mula sa gusali ang isang lalaking humahabol sa akin. "Hoy!" sigaw niya sabay tutok ng baril sa gawi ko. Medyo malayo pa siya kaya ipinagpatuloy ko ang paglusot. Nang alam niyang hindi ako titigil ay pinaulanan niya ng bala ang gawi ko. Matinding kaba ang naramdaman ko. Akala ko ay sasaluhin ko lahat ng balang iyon. Buti na lang at mabilis akong nakalusot. Ngayon ay tumatakbo na naman ako at hindi alam kung saan patutungo. Ang kabila ng abandonadong lugar na iyon ay kalsada. Kalsada na wala man lamang kabahayan. Parang mas lalo akong nanlumo. Makakaligtas pa ba ako? Alam kong hinahabol pa rin nila ako. I'm so dead tired. Pero ayaw kong sumuko. May kakahuyan sa kabila ng daan. Puwede siguro na doon ako kesa sa kalsada na madali akong makita. Patakbo na ako roon nang hindi ko inaasahan ang biglang ilaw na sumilaw sa akin. Napatigil ako sa daan at gamit ang braso para takpan ang mga mata ko dahil sa ilaw na biglang bumulaga. Nang bigla na lang ang pagtilapon ko sa kung saan. I tried to move from where I am. Something big hit me. A car? Bakit hindi ko man lang narinig na may sasakyan na paparating? Dahil siguro nakatuon lang ang isip ko sa pagtakas. Maybe it's them who hit me. They want me dead. They want to run over my body. "Ah!" impit na ungol ko dahil sa sakit ng katawan. Gumapang ako para makalayo. Gumapang kahit halos wala na talagang lakas sa katawan. Napahagulhol ako lalo na noong marinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyang nakabangga sa akin. Pati na ang yabag na papalapit. Mamamatay na talaga ako. "Hey..." "Huwag kang lalapit. Help! Help!" histerikal na sigaw ko. Ibinuhos ang kahuli-huliang lakas na natitira sa akin. Nagpakalawa pa ako sa hangin ng suntok at tadyak. Hindi ko na ininda lahat ng masakit. Hindi ako basta-bastang bibigay sa kanila. I will fight, hanggang sa maubusan na ako ng hininga. "Hey...hindi...hindi kita sasaktan," isang baritonong boses iyon. Hindi boses ng dalawang humahabol sa akin. "You're not okay. I'll call ambulance..." "No! Hindi ako puwedeng magtagal dito. Umalis tayo rito. Drive!" sabi ko na pilit bumangon nang mapagtantong ibang tao nga iyon. Ngunit muli akong natumba. Malaki ang pinsalang natamo ko. "Don't move. Baka lalong lumala ang mga injuries mo. It could be life threatening..." "Kung hindi ako aalis dito, mas manganganib ang buhay ko. Please, let's go..." Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay may putok na ng baril kaming narinig. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang humahabol sa akin iyon. At hindi sila mangingiming patayin din ang lalaking kasama ko ngayon. "Uma..." I want to tell him that we need to go. Pero hindi na kailangan dahil mabilis niya akong pinulot na parang papel at dinala agad sa kanyang sasakyan. Kasabay ng pagpapaharutot niya sa kanyang kotse ay ang putok pa ng baril patungo sa amin. Nabasag pa ang salamin niya sa likod pero mabilis kaming nakalayo. Kahit masakit lahat ay nagawa ko pang mangiti. Sa ngayon ay ligtas ako. At saan man ako dadalhin ng lalaking nagligtas sa akin ay hindi ko alam. Hindi ko na kayang magsalita pa dahil hinang-hina na ako. I just want to take a rest. For a while. Pagod na pagod ako sa pagtakas. Gusto ko munang takasan ang lahat sa pamamagitan ng pagpikit at pagpapalamon sa kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD