Chapter 13 Happy birthday

2053 Words
"Left jab...lakasan mo pa! Para kang babae eh!" sita ko kay Andrè dahil parang babae talaga sumuntok. Walang lakas. Walang gigil. "Sabing lakasan eh!" sabi ko sabay batok sa kanya gamit ang punching mitt na nasa magkabilang kamay ko. "Hey! Aray ha, masakit!" reklamo niya na kinamot pa ang parteng binatukan ko. Kumuskos ang suot niyang gloves sa parteng kinakamot niya. Tinuturuan ko siya ngayon ng basic boxing para kahit papaano ay kaya niyang makipagsabayan sa kung sinong makakalaban niya. "Lakasan mo kasi sumuntok. Kahit babae ang suntukin mo sa puson ay walang epekto! Ang hina ng suntok mo!" Sumama ang tingin niya sa akin. Para niya akong lalapain. Kaya mas ininis ko pa para maibuhos niya doon ang galit niya. "Bakla ka ba? Bakla ka yata kasi kaya..." Malakas na kalabog ng gloves at punching bag ang biglang pumaibabaw sa paligid. Halos lumipad pa ang punching bag sa lakas ng gjnawa niyang pagsuntok doon. At imbes na matakot ako sa suntok niya kuno sa bag ay tinaasan ko pa siya ng kilay. Lalong tinudyo. "Ang yabang!" Ika kong napapalakpak kunwari. "Pero iyang bag hindi naman gumagalaw at nakakalaban. Iyan lang ba ang kaya mong suntukin ng ganyan. Ang mga kalaban gumagalaw at gumaganti!" Paismid kong ika. Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin. Alam kong ginalit ko na siya ng husto. Imbes na matakot ay itinaas ko ang punching mitt. "Suntukin mo!" utos ko. "Sabing suntukin mo! Huwag mong isipin na babae ako!" hamon ko sa kanya. Umigkas pa ang kamay ko at tinamaan ko siya sa side ng kanyang ulo. "Suntok!" Pinagsuntok niya ang kanyang suot na gloves bago humarap sa akin. Pumuwesto siya at nagpose ng boxing style. Ngumisi ako samantalang nanatiling matalim ang kanyang titig sa akin. "Punch! One two combination!" utos ko. Ginawa niya naman. Damn! Hindi ko maiwasang mapamura sa aking isip. Sa bawat suntok na pinapakawalan niya sa mitt ko ay may gigil at galit. Talagang binuhos niya doon ang galit niya. Pero hindi ako puwedeng magreklamo. Ako ang malakas ang loob na hamunin siya at ayaw kong magpatalo. Matapos ang ilang rounds ng boxing ay huminto kami. Wala ng maramdaman ang kamay ko nang alisin ko ang punching mitt. "Water break muna," sabi kong nakakuyom ang aking mga kamay. Agad akong pumunta sa mesa kung saan nakapatong ang tubig namin. Kinuha ko ang bottled water pero hindi sinasadya ay mabilis kong nabitiwan. Nakuha ang atensiyon ni Andrè dahil doon. Napalingon ako sa kanya at alanganing napangiti. "Madulas," pagsisinungaling ko pa. Pero ang tilotoo nanginig ang kamay ko. Fack! Dahil iyon sa suntok niya. Pupulutin ko na sana iyon nang bigla ay may kamay na naunang pumulot sa bote. Napatayo ako ng tuwid nang binuksan na rin iyon ni Andrè na siyang naroon. "Huwag kang magtapang-tapangan na parang kaya mo lahat...puwede kang maging mahina sa harapan ko," sabi niya sabay lapag sa bukas ng bote ng tubig sa mesa. "Bukas na tayo magpatuloy..." sabi niyang talagang umalis na. Is he taunting me this time? Langya! Binawian ako ah. Though tama siya. Mukhang hindi na kaya ng mga kamay ko. Kahahamon ko sa kanya ay talagang sumakit iyon. Mukhang namaga pa. Wala rin akong practice ng ilang linggo kaya siguro ganito rin. Hindi ko na nagawang inumin ang tubig dahil alam kong babagsak rin iyon kapag hinawakan ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko at ramdam ko na ang sakit. Pagtingin ko sq palad ko ay pula na iyon dahil sa mga suntok ni Andrè. Minabuti ko na lamang na sundan si Andrè sa taas. "Andrè..." tawag ko sa kanya. Hinahanap siya. Napatigil ako nang pagbungad ko sa kusina ay may nakaprepare ng basin na may yelo. May note na naroon. 'Deep your hand on the ice.' Ngumuso ako. Iba na ang may mahal na doktora. Hindi man alam lumaban ay may alam naman kung paano ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Mapait akong napangiti habang naiisip si Monique at Andrè. Naupo na lang ako at ginawa ang sinabi niya. Paglubog ng mga kamay ko sa yelo ay ginhawa agad ang naramdaman ko. Ngunit habang ginagawa iyon ay nagpalingon-lingon ako. Nasaan ang lalaking iyon? Umalis ba? Nang matapos ako sa ginagawa ay napasilip ako sa labas. Tama nga ako. Umalis si Andrè. Busangot ang mukha ko nang pumunta sa kuwarto para maligo. Mamaya na ako titingin ng makakain sa ref lalo at mukhang iniwan akong mag-isa ng lalaking iyon. Gusto ko lang ibsan ang init sa ulo ko at pati na rin panlalagkit dahil sa ginawang work out. Napatagal pa nga yata ako roon dahil ang sarap maligo. Nang bumaba suot ang malaking t-shirt at jogging pants para sana kumain ay agad kong nalanghap ang masarap na amoy. Napatakbo ako sa kusina dahil mukhang dumating na si Andrè. Agad ko lang pinapawi ang mga ngiti ko sa labi nang magtama ang mga mata namin ni Andrè. Hindi ko itinago ang pagnguso ko nang makita sa lamesa ang isang bilog na cake, lechon na manok at sa kamay niya ay beer in can na nagpapawis pa dahil sa lamig. "How's your hand?" tanong niya nang makalapit sa mesa. "Ano ang okasyon?" Tanong ko na halos kasabay ng pagtatanong niya. Ibinaba niya ang beer na hawak sa mesa. Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking kamay. Sinuri niya ang mga palad ko. Okay naman na at nawala na ang pamumula. "Looks okay," sabi niya. Akala ko ay bibitiwan na niya ang kamay ko ngunit hinila niya ako patungong lamesa. Ipinag-urong pa niya ako ng upuan upang makaupo ng maayos. "Anong meron?" ulit kong tanong. Kunot na ang noo ko. Lalo na noong iwan niya ako saglit doon. Nang muli siyang bumalik ay may dala siyang bilao ng pansit at kakanin. Iyong small size lang naman siguro ay panlimang tao. "I ordered this. Kinuha ko lang," paliwanag niya. Ibinaba niyang muli ang mga iyon sa mesa. Pagkatapos ay inilabas ang lighter at sinindihan ang nakatusok na kandila sa cake. "Happy birthday, Rose," sabi niya. Hindi ko naitago ang gulat sa aking mukha. May halong kaba iyon. Paano niya nalaman na kaarawan ko? "How...did you know?" maang kong tanong. Hindi ipinahalata ang pagpa-panic ko. Naglakad siya palapit sa akin dala ang cake. Mahigpit akong napakapit sa upuan. "I saw your tats on the side of your middle finger by your left hand. It's your birthdate tattoo, right?" Napatingin ako sa aking kamay. Sa mismong daliri na sinqsabi niya. Tama nga siya. Pinatattoo ko roon ang araw ng kapanganakan ko. "Hindi ko alam na napansin mo pa pala maski maliit na detalyeng iyon sa akin. Salamat," sabi ko. Humarap ako sa kanya na nakangiti na. Pumikit para humiling bago ihipan ang sindi ng kandila. "Happy birthday," muling bati niya. Naglakad na muli para tumungo sa upuang kaharap ng akin. "Wow, akin ba itong mga beer?" tanong ko na kumuha ng isa. Bubuksan ko sana iyon nang pigilan niya ako. "You're in the right age now kaya puwede jang uminom. Pero kumain muna tayo. Nakakalasing lalo kapag walang laman ang tiyan," ika niya. Binigyan ako ng plato saka kumuha ng manok upang ilagay roon. Wala akong nagawa kundi magpasalamat na lang muli sa pag-aasikaso niya sa akin. "Ang sarap," bulalas ko nang tumikim na ako sa kakanin at pansit. Bibihira akong makakain ng ganoon dahil hindi bet ni Papa. Lumaki naman siya ng Pinas pero iba ang panlasa niya. "Eat more then," sabi nitong nagbukas ng beer pagkatapos lang na makasubo ng tatlong beses. Inirapan ko siya. "Binubusog mo ako para hindi makainom no! I'll eat and drink!" sabi ko na itinawa lamang niya. Hindi niya rin ako sinaway nang abutin kong muli ang isang beer at buksan iyon. Nang sumimsim ako ay napangiwi ako sa lasa. May mga nalasahan na ako like red wine and white wine, pero kakaiba rin talaga ang lasa ng beer. To think na five percent lang ang alcoholic content nito. May mainit na hagod sa lalamunan na kakaiba. Hindi ko maintindihan ang lasa, is it bitter? Muli akong sumimsim para masanay ang panlasa ko. "Hey, easy. Hindi ka mauubusan," saway ni Andrè muli sa akin. Inabot ang beer na hawak ko at ibinaba kasabay ng mga kanay ko. Ngumisi ako ngunit sinunod naman siya. Hindi muna ako magpapasaway sa kanya dahil napakabuti niya para maisipan pang i-celebrate ang birthday ko. How thoughtful of him. Kinikilig ako ng kaunti. Kahit sabihin pang pagmamagandang loob lang naman ang ginagawa niya. Isang beer lang muna ang naubos namin habang kumakain. Ako na ang nagprisintang maghugas ng pinggan na mabilis ko naman na natutunan gawin. Parang labanan lang din naman ang paghuhugas. Rumi ang kalaban ko. Katulad ng rumi na kailangan kong hanapin pagkaalis ko sa poder ni Andrè. Now that I'm on the right age, hahanapin ko ang gumawa nito sa akin. Natapos na ako sa paghuhugas ay hindi pa bumababa si Andrè. Nalunod na yata siya sa paliligo. Ako naman ay kumuha na muli ng isa pang beer at dinala iyon sa sala. Binuksan ko ang telebisyon habang muling uminom. Ang sarap pala ng beer kapag malamig talaga. News ang lagi kong pinapanood. Nagbabakasakali pa rin akong may makuhang balita tungkol kay Ashley. Or kay papa o sa pagkawala ko. Though malabong mangyari iyon. Alam kong lihim lang na kumikilos ang ama ko para hanapin ako. Napahugot ako ng malalim na hininga nang walang ibang balita kundi sa mga artista at ibang krimen. Ililipat ko na sana ang channel nang may flash report. 'Boss ng malaking sindikato, nakatakas pagkatapos payagang dalawin ang burol ng anak' Napaayos ako ng upo habang hinihintay ang buong balita. When it came, nanuyo ang lalamunan ko. Ang papa ni Ashley ang nasa larawan at sinasabing nakatakas. And I'm sure, ang burol na sinasabi ay ang burol na mismo ni Ashley na anak nito. She really died. Napatay ko siya. Nanindig ang balahibo ko sa katawan. I am sure that they will take revenge on me. Kay papa. Kailangan ko na talagang umalis sa poder ni Andrè. Natatakot akong mapahamak siya at the same time, kailangan ko ng balaan si Papa. Alam kong gumagawa siya ng paraan pero maiging sa akin na manggaling ang mga detalye. Kahit sabihing maraming tauhan si Papa ay alam kong nanganganib pa rin ang buhay niya. Humigpit ang hawak ko sa lata ng beer. Kailangan ko ng balakin ang pag-alis. Dapat ay within next week ay makaalis na ako. Naghilom na ang mukha ko at maayos na ang pakiramdam ko. Isa na lang ang kailangan kong gawin bago tuluyang mawala na parang bula. Teach Andrè to fight. Pagkatapos ay kakalimutan ko siya. Napasok ko ang simpleng mundo niya ngunit hindi niya dapat mapasok ang mundo kong magulo. Hindi ko siya dapat mahila sa anumang meron ako. "Aalis ako...kailangan kong umalis," sabi ko sa sarili. "Are you okay?" tanong bigla ni Andrè na nanggaling sa hagdan. Mabilis kong pinatay ang TV saka siya binalingan. "Yeah, just...waiting for you," sabi kong itinaas ang lata ng beer. Hindi na nga gaanong malamig iyon dahil napatutok talaga ako sa balita. "Take it easy. Hindi porke nasa tamang edad ka na ay iinom ka ng marami..." Tumango lamang ako. Hindi ko nga alam kung mapipigilan ko pa ba ang sarili ko if ever. Mukhang kakailanganin ko ang alak para matulungan akong makatulog mamaya. Alam ko kasing mababagabag ako buong magdamag. Nawala si Andrè sa paningin ko saglit. Pagbalik niya ay may hawak na rin siyang lata ng beer. Dala na rin niya ang natirang letchon na manok. "Want to watch movie?" tanong niyang kinuha ang remote sa tabi ko. Sa ginawa niyang iyon ay langhap ko ang mabangong amoy niya. Refreshing sa ilong ang gamit niyang sabon. Menthol ang nananaig na amoy roon. "What kind of movie you prefer?" "Huh?" Pinamulahan ako ng mukha nang bumaling siya sa akin. Hindi pa siya umaalis sa harapan ko kaya naman halos hindi ako huminga. Magkalapit ang mga mukha naming dalawa. Uminit ang pakiramdam ng pisngi ko. "Ilan na nainom mo? You're getting red," anas niya. Naitulak ko tuloy siya palayo sa akin. Agad akong tumayo. "Wala na akong mood manood. Tama, madami na yata nainom ko kaya matutulog na ako. Goodnight," mabilis na pag-iwas ko. Bago pa ako ipagkanulo ng puso kong malakas ang t***k at ng alak na nainom ko. Kailangan kong maging maingat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD