Chapter 14 Kiss

2201 Words
"Hahaha," exaggerated na kunwaring tawa ko. Nasa sala kami ni Andrè kaharap ang beer na binili niya. May apat pang natitira at siyempre, balak kong ubusin iyon. Nasa eksaktong edad na ako para uminom at binili niya iyon para sa akin. "You're exaggerating. Nakakatawa ba iyon?" tanong ni Andrè nang maikuwento niya ang nangyari sa kanya noong nag-aaral. Paano ay may tama na yata ng alak kaya madali na lang siyang i-persuade para magkuwento. Sa mesa ay may tig-lilima na kaming nainom. First time kong uminom pero masasabi kong I have high intolerance sa alcohol. Not like Andrè na lasing na yata talaga. "Hindi nga? Ginawa nila sa iyo iyon?" nakangising tanong ko ulit. Ewan ko ba, imbes na maawa ako ay natatawa ako sa kuwento niya. Kasalanan yata ng alak ito. Nawalan ako ng simpatya sa sarili. "They don't like seeing my face you know," sabi niyang nakapagpatigil sa akin bigla. Bigla kong nakita ang mukha ko sa salamin na malapit sa pinto. Natawa akong muli ngunit ang tinatawanan na ay ang aking sarili. Looking at my face. Hindi malayong mangyari sa akin iyon. Puwede rin akong i-bully at pandirihan dahil sa mukha ko. Ingudngod o takpan ng timba sa mukha para hindi makita. "Bakit nga ba ayaw mong ipaayos iyan?" saad kong itinuro ang kanyang mukha. Kunot noong bumaling siya sa kin. "I mean punta ka kay Belo o kaya kay Doc Calayan. Sila ang the best dermatologist sa Pinas. They can help you with your acne problems," sabi kong muling lumagok habang umiiwas sa kanyang tingin. Hindi yata makapaniwalang lumabas iyon sa bibig ko. O well, nagsa-suggest lang naman ako kung gusto niya talagang pumogi. Umayos siya ng upo at napatingin sa hawak na lata ng beer kaya may pagkakataon na naman akong tumingin sa kanya. Biglang lumungkot ang mukha niya kahit side view lang ang aking nakikita. Halata ko iyon. "Bakit, ganyan din ba ang gagawin mo kapag nagkataong umalis ka rito?" tanong niyang hindi pa rin tumitingin sa akin, bagkus ay itinungga niya ang kanyang hawak at tuloy-tuloy iyong ininom hanggang sa mapipi pa ang lata. Ako rin ay napainom nang biglang manuyo ang aking lalamunan. Puwede. Pero hindi ko ipagkakalandakan ang sarili ko. Kung sakaling ipapaayos ko ang mukha ko, it should be in private. Mahirap na. Alam kong hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ako ng mga gusto akong mawala. "Alam mo ba kung bakit ayaw ko?" tanong niya nang bumaling sa akin. Siya naman ngayon ang may ngisi sa mukha. Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Dahil naghahanap ako ng true love. Someone who can love me because of who I am, the ugly me, and not because of the money my family have..." Bigla akong inubo sa sinabi niya. Uminom akong muli. Gusto kong matawa ngunit mukha siyang seryoso. Ano siya nasa libro? Kalalaki niyang tao pero naniniwala sa true love. Kinilabutan ako dahil...ang cheesy. "Are you okay?" Lumapit siya sa akin. Ang kamay niya ay napunta sa likod ko at marahang hinagod iyon habang patuloy pa rin akong naubo. Paano ay pinipigilan kong humagalpak ng tawa. Nang medyo okay na ako ay lumingon ako sa gawi niya. Lilingon lang naman sana ako para ipakitang okay na ako pero hindi ko inaasahang malapit lamang pala siya sa akin. Ang mga mukha naming dalawa ay sobrang lapit na sa isa't isa. Ang namumula kong mukha kanina dahil sa pagkasamid ay mas lalo yatang namula. May pilat man iyon ay ramdam ko ang pag-iinit niyon. Napalunok ako nang bigla siyang magsalita. "Ikaw, Rose, magugustuhan mo ba ako kahit ganito ang itsura ko?" tanong niyang nagpakabog sa aking puso. Amoy na amoy ko ang hininga niyang amoy alak at toothpaste. Imbes na umiwas ay naengganyo akong titigan siya. Malakas ang dating ni Andrè lalo na kung makikilala mo ng maigi. Ngunit dahil nga sa mga tigyawat at siyempre, hindi marunong lumaban ay nakakaturn-off talaga siya. "You like me?" tanong niyang muli na napangisi. Dahil siguro sa pananahimik ko kaya nasabi niya iyon. Ngumisi rin ako. Siguro dala ng alak ay parehong malakas ang mga loob naming maglandian. May karapatan naman kaming mga panget kahit papaano hindi ba? "Magugustuhan mo ba ang itsurang ito?" balik tanong ko sa kanya sabay ngisi. Inihipan ko ng hangin ang mukha niya dahilan upang mapapikit ang mga mata niya. Humalakhak ako nang mapatigil ako dahil sa paninitig niya. Iiwas ko sana aking tingin nang hawakan niya ang mukha ko at marahang haplusin ang side ng mukha ko na nasunog. "You are beautiful, Rose,"anas niya sa akin. Aminado akong lasing na ako pero tila mas nakakalasing ang titig niya sa akin maging ng mga pananalita niya. Parang nagdedeliryo na nga yata ako dahil pakiramdam ko ay nagugustuhan niya rin ako. Dahil ba iyon sa alak? I want to focus. Pati na ang isip ko ay tila naging cloudy dahil sa alak at siymepre sa lalas ng kabog ng dibdib ko. I know for sure na hindi na lang simpleng paghanga ang nararamdman ko sa pangit na nasa harap ko. I really like him. Napalunok ako nang maramdaman ko ang pagbaba ng mukha ni Andrè papunta sa akin. Gusto ko siyang itulak pero wala akong lakas. Like I really expecting it. I want it. Gusto ko mas maramdaman ang halik niya. Kusa akong napapikit nang tuluyan niyang idinampi ang labi niya sa labi ko. Dampi lamang iyon pero bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko sa aking katawan. Ramdam ko rin na naninimbang ang halik niyang iyon. Kaya nang kinawit ko ang aking kamay sa kanyang batok ay hindi na niya napigilang laliman ang halik na pinagsasaluhan namin. Lalong tila naging cloudy ang isip ko dahil sa halik na iyon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Pareho kaming nangangapa sa halikan ngunit sa lahat...ang paghalik ang mabilis matutunan. Our lips are in sync. Ang mga kamay niya ay napunta sa mga pisngi ko para mas ipirmi ako. Kung hindi lamang siguro kami kakapusin ng hininga ay hindi maghihiwalay ang mga labi namin. Pareho kaming namumula pagkatapos ng halik. "I..." "Walang magso-sorry," agap kong ika. Sa lahat ng napanood ko at nabasa. Ganito ang mga kalakaran ng lalaki. Oo wala kaming relasyon para maghalikan pero alam kong pareho naman naming ginusto ang halik na iyon. Hindi ko matatanggap na magso-sorry siyaa dahil ano? Pinagsamantalahan niya ang kahinaan ko? Dahil lasing kami pareho? Ginusto ko naman iyon. "M-matulog na ako," ika kong pinilit siyang harapin. Siya ang biglang umiwas ng tingin sa akin. Nahihiya. Kumibot ang labi ko habang nakatitig sa kanya. "Goodnight!" ika kong dumaan talaga sa harapan niya. Nasagi ko pa ang mga tuhod niya pero wala lang dito. Hinayaan niya lamang akong makalagpas. Akala ko ay huhuliin niya ang kamay ko at pipigilan ako. "Goodnight Rose," sabi niyang nakapagpatigil sa akin saglit. At talagang ang gago! Hahayaan lang akong umalis pagkatapos niyang mahalikan. Sa inis ko ay mabilis kong tinungo ang kuwarto ko habang nagpupuyos ng galit Naiinis kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nawala bigla ang kilig sa sistema ko at napalitan ng kung anong emosyon. Siguro dahil na-realize kong hindi naman talaga ako ang gusto ni Andrè. Muli akong bumangon para magtungo sa washroom. Kailangan kong magprepara na para makatulog. Pinilit kong iwaglit ang nangyari. I just need to move on right away. Halik lang iyon. My first kiss, but so what! Hindi ko naman ikamamatay na nakuha ang unang halik ko ng lalaking nagligtas sa buhay ko. Pinilit kong makatulog. Maaga pa ako gigising kinabukasan para sa isang training. I'll give myself one week. Tuturuan ko si Andrè ng basic fighting skills pagkatapos ay aalis na ako. Haharapin ko na rin ang buhay ko. Buhay ko na iba sa mundong ginagalawan ng mga taong masasabi kong naging mahalaga sa buhay ko. Hindi naman ako nahirapang makatulog. Dala na rin siguro ng nainom kong alak kaya napahimbing ang tulog ko. Nang magising ako ay alas siyete na at alam kong late na ako sa training namin ni Andrè. Nagkukumahog akong naghanda sa aking sarili. "Andrè," tawag ko sa kanya nang makalabas na sa kuwarto. Una kong tinungo ang kusina ngunit hindi ko siya makita roon. Umikoot pa ako sa sala at sumilip sa labas upang tingnan kung naroon ang sasakyan niya. Naroon naman at nakaparada kaya nakasisiguro akong hindi siya umalis. Napanguso ako at napabaling sa kuwartong inuukopa niya. Laging sarado iyon at hindi ko alam kung tulog pa ba siya dahil sa alak kagabi o ano. Ayaw ko naman siyang katukin kaya nagpasya na lamang akong bumaba na sa gym. I need to hone my fighting skills as well. Nasa hagdan pa lamang ako pababa ay rinig na rinig ko na ang tunog ng pagsuntok sa punching bag. Lalo akong napanguso nang mapagtantong naroon na si Andrè para mag-training. "Morning," bati ko nang bumungad sa kinaroronan niya. Agad na napataas ang kilay ko nang maagaw ang pansin ko ng hubad niyang katawan. Wala siyang t-shirt na suot. Like yeah! Hubad siya kahit ang payat niya. "Don't look at me like that!" saway niya sa akin kaya naman umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. Pawis na pawis siya kaya namimintog sa kintab ang mapupula niyang tigyawat. "Basa ako ng pawis kaya hinubad ko na lang," sabi pa niya. "As if naman nakakatakam ang katawan mo," asik ko. Feeling ko kasi nagpi-feelingero siya. Well, payat siya pero makikita naman na may iilang muscle siya sa katawan. Masigasig na work out pa ay siguradong magkakalaman siya at magiging hunk. "Kanjna ka pa," tanong kong gumawi kung nasaan ang mga gamit ko. Naglagay muna ako ng protection sa kamay. Habang ginagawa iyon ay ramdam ko ang mabigat na titig sa akin ni Andrè. Hindi ko na lamang iyon pinansin. "Oo...actually, hindi ako nakatulog," sabi niya. Agad akong napabaling sa gawi niya. Hindi makapaniwala. "Kanina pa ako rito, about 3 am," sabi niya pa. Kaya pala basang basa siya ng pawis dahil kanina pa siya naroon. Napansin ko nga na mukhang nagamit lahat ng equipments na naroon. Siguro ay nagwork out siya para pagurin ang sarili. Nang matapos ako ay kinuha ko ang punching mitt at humarap na sa gawi niya. Mula sa pagsuntok sa punching bag ay sa akin naman siya bumaling. "May lakas ka pa ba na suntukin ito?" tanong kong hinahamon siyang muli. Imbes na patulan ako ay ngumisi lamang siya at pumuwesto. Mukhang may enerhiya pa nga siya. We did four round of mitt punching. Madali siyang turuan sa totoo lang. Nakukuha niya agad ang itinuturo ko. Maging ang mga atake at kung paano ilagan ang mga iyon ay madali niyang nakuha. Alas diyes na ng umaga nang tumigil kami. "Let's have breakfast," aniya habang inaalis ang gloves sa kanyang kamay. "Go ahead. Susunod ako," sabi ko naman habang tinatanggal ang mitt. Gusto ko pang magwork out nang kaunti. Hindi naman na siya umimik at hinayaan ako. Ako naman ay nagthread mill ng isang oras. Pagkatapos ay nagcurl -up ako ng isang daan. I am working on my abs and lower extremities. Kailangan kong palakasin ang mga iyon para sa susunod na mapalaban ako. I am able to escape na walang kahirap hirap. Pawis na pawis ako nang umakyat sa taas. Bubungad pa lamang ako sa kusina ay amoy na amoy ko na ang niluluto ni Andre. Tahimik ang.hakbang ko na pumunta roon. Nakatalikod siya sa akin habang nasa harap siya ng kalan. Basa ang buhok niya at nakaputing t-shirt na lamang. Halatang kaliligo lamang niya. Fresh siyang tingnan kapag nakatalikod. Napatago ako sa gilid at lihim na pinagalitan ang sarili. I really can't help myself. I know I'm in trouble because of this feeling. Ang hirap pala magkagusto sa isang tao. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Huminga ako ng mariin at muli sanang lalabas mula sa side ng pinto nang hindi ko akalaing naroon na si Andre sa harapan ko. Mabilis akong napaatras dahil mismong dibdib na niya ang level ng aking mga mata. Agad na umangat ang tingin ko sa kaniyang mukha. "Kanina ka pa ba riyan? Para ka talagang pusa. Hindi ko narinig ang mga yabag mo..." ika niya. Eh siya kaya? Hindi ko nga namalayan na nasa tabi ko na siya. Inirapan ko siya. Hindi ko gusto ang pagkakalapit namin kaya humakbang ako paatras ngunit napansin niya iyon kaya dagli niya akong pinigilan sa braso. "Ano ba?" ika kong hinila ang kamay kong hawak niya. Binitiwan naman niya ako pero hindi naalis ang ngising sumibol sa kanyang labi. "Bakit tila napapaso ka sa akin, Rose?" Muli akong umirap para itago roon ang biglang lakas ng pagtahip ng aking dibdib. "Tumigil ka nga! Itsurang iyan, nakakapaso?" Pagtataray ko. Gusto ko lang naman layuan niya ako pero hindi ko sinasadyang parang inuuyam ko ang pisikal niyang anyo. Napansin ko ang biglang pagbabago ng kanyang awra kasabay ng pag-atras niya para layuan na ako. "I'm...sorry," sabi ko kasabay ng mabilis na pagtalikod. Tumungo ako sa kuwarto ko at doon ay nagkulong. Balak ko ng umalis ngunit sa tuwina ay nakakagawa ako ng ikakasakit ng damdamin ni Andrè. Paano ako aalis kung lagi na lang akong nagkakasala sa kanya? Iniligtas niya ang buhay ko kaya dapat, punan ko iyon at suklian ng mabuti. Tama, babawi ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD