bc

Undeniably Positive

book_age18+
120
FOLLOW
1.3K
READ
one-night stand
powerful
independent
tragedy
comedy
sweet
bxg
office/work place
slow burn
office lady
like
intro-logo
Blurb

Not everything goes the way as you always want they'd be. From being left by a loved one for money, juggling your work and studies, choosing between your passion or priority, being fired, then I guess the last thing you want in life is to get pregnant. That's the case for Natalie Narcisa Natividad. A Twenty-four-year-old who just got fired. From just partying to waking up in an unfamiliar room the next day. Having one of the infamous business man of today's society, Corbyn Lee Delos Diaz, Beside you. A one night stand turning into a test that's undeniably positive.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“You’re Fired” “I’m deeply sorry, but you’re fired.” Two lines from two different jobs stroke me. Napatingin ako sa langit habang dala-dala ang gamit ko na pinauwi sa’kin. Even the awards I won for and from those companies. Pinauwi lahat sa’kin. Hinawakan ko ‘yung dalawang box gamit ang isang kamay para makamot ko ang batok ko gamit ‘yung isa. “Buhay talaga.” Napabuntong-hininga ako. Maya-maya ay umupo ako sa tabi ng kalsada kung saan walang masyadong naraan. Hinalungkat ko isa-isa ang gamit ko. Napangiti ako sa mga awards. Pero mas napangiti ako sa farewell ng kasamahan ko. Tanging doon lang ako sumaya dahil alam ko na may kinalabasan naman pala ang efforts ko this past four years. Tinaas ko ang farewell nila na naka-frame pa. May drawing pa ng mukha ko. I can’t help but smile bitterly though I feel happy that I was cherished by my colleagues. “Four years, Nana.” A single tear fell on my cheek. Until it turned into a small waterfall. Hirap akong huminga habang binabasa ang pangalan ko at posisyon sa mga I.D. ko. “N-Natalie Narcisa Nativ-vidad. A used to be freelance marketing agent, and a used to be head of team A, call center agent.” Pagbasa ko rito. Nawala kagad ang mga luha ko nang marealize ko ano ibig sabihin ng fired. Napatayo ako ng biglaan. “Hala!” Sigaw ko. Lahat ay napatingin sa’kin kahit kaonti sila. Napatingin din ang mga tao na nasa tapat ng daan. Kahit ‘yung mga nasa loob no’ng buildings. Kaagad ako napangiwi at upo. Shems naman! Nakakahiya! Baliw ka talaga, Nana! “Huhu ano na gagawin ko sa buhay?!” Sigaw ko habang hinihila ang mukha ko pababa. Ang laking crisis nito sa buhay ko. Para sa akin ito ang pinaka-malala kong problema. “Saan ako kukuha ng pera?!” Isa pang malakas kong sigaw. Napatingin ako sa paligid na mukhang hinuhusgahan na ako. Pwes! Wala akong pake! Makatitig ‘tong mga ‘to! Crush ata ako! ‘Di ko kailangan ng titig n’yo! Pera kailangan ko! Malakas kong tinig sa utak ko. Hehe. Baka makulong ako ng wala sa oras. Naka-titig si manong pulis. Nakipagtitigan na lang din ako. With matching kilay. Ano? Akala n’yo kayo lang may kaya n’yan. Ha! ‘Wag ako. Wala baliw na talaga ako. Sanay akong kausapin sarili ko. Pero next level na ito. “Siya!” Pag tayo ko. Sakto may naramdaman akong mainit na dumadaloy sa katawan ko. “Putaragis! Ang init!” Bulaslas ko. Napa-ikot ikot ako. Tinanggal ko agad ang blazer ko. Puti pa ‘man din ito. “Aray!” Naiiyak kong sabi habang umiikot at tumatalon na parang unggoy. “I’m so sorry, Miss!” Napa-ikot ikot na ako! Ngayon ka lang nag-sorry! Napatingin ako sa kanya. Tumigil ako sa pagtalon. Hehe. Okay lang pala. Gwapo pala. “Thank you sa palibreng ligo-“ s**t! Mali! Bakit lumalabas ang katarayan mo?! Baka ito na ang sugar daddy mo! Tanga mo talaga, Nana! “I didn’t mean to do that.” Natataranta nitong sabi habang tinutulungan akong punasan ang sarili ko gamit wet tissue. “No!” Pasigaw ko nang hindi sadya. “I mean, no. It’s okay. Sorry if I was sarcastic and that I screamed at you. I just had a rough day.” Pag-explain ko. Pinunasan ko na rin ang sarili ko. Napangiwi ako. Ramdam na ramdam ko ang stress levels ko rising. Kasing pagtaas ng bilhin. Jusme! Kailangan ko talaga ng pera! Napatingin ako sa kanya and he looked guilty. “Do you want me to laundry this? It’s white and I think it won’t come off easily.” He offered. Kaagad naman akong umiling. “It’s alright. You don’t have to do that. This will wear off. Thank you for the offer, though.” I smiled. Napapalaban ako rito sa english! Bakit may accent pa kasi ito?! Hindi s’ya bagay maging sugar daddy ko. Stressed na nga, pinapa-english pa. Sorry, pero hindi ikaw ang para sa’kin. “Good bye, Sir.” Nag-bow ako at binitbit ang boxes ko. Dumeretso ako sa isang café para magpalit ng damit. Buti talaga naging girl scout ako. Laging handa. Naluluha ako sa blazer ko. Favorite ko pa naman ito! Pero walang tatalo sa bleach! Kaya ito. Kaya ka pa isalba. Itinabi ko s’ya sa ziplock bag, kasama no’ng top ko na kulay brown. Nagpalit na lang ako ng blue top. Buti na lang at black ang pants ko. Tinignan ko ang sapatos ko na white sneakers. “Anak’ng tokwa!” Napakurot ako sa ilong ko. Tinabi ko na rin sapatos ko at naglabas ng tsinelas. Ang dami ko namang kukusutin! Napatingin ako sa bathroom mirror. Inayos ko ang buhok kong nakalugay at nilagay ito sa isang messy bun. Wala naman na akong agenda for today since wala na akong trabaho. Nag-hilamos na ako at binitbit ang gamit ko. Lumabas na ako sa banyo. Dederetso sana ako sa pinto pero may naaamoy akong kape. Naiiyak ako. Good bye café coffee. Instant 3in1 na lang ang kaya ng powers ko. Tandaan mo, ikaw ang the best para sa’kin. Farewell. “Nana!” Biglang may sumigaw sa pangalan ko. Kaagad ako napatingin ng masama. “Hindi po ako bumili.” Initial reaction ko. “Gaga! Dito tingin hindi sa counter!” Dinig kong may plano atang makipag-away sa’kin. Not today. Masama ko itong nilingunan. Agad ko binitawan ang gamit ko. “Dorothy, my love!” Nagpakarga ako. So what if matanda na ako para sa ganito? Best friend ko s’ya and my teary teddy bear. In short s’ya ang person ko. Napaluha agad ako. “Bakit dalawang box ang dala mo? Moving out kana sa apartment? ‘Di mo na kaya rent? Bakit ‘di ka nagsasabi? Kakauwi ko lang. Sa akin kana kasi tumira. Ilang beses ko na sinasabi sa’yo.” Napanguso ako sa sinabi n’ya. Nakatingala lang ako sa kanya. “Hindi ako lilipat. Tinanggal ako sa trabaho.” “Ha?!” Kaagad ko tinakpan bibig n’ya. “Shush!” Pagsesenyas ko sa kanya. “Libre mo na lang ako.” Ngiti-ngiti kong sabi. “Abay talaga! At maguusap tayo tungkol d’yan.” Galit nitong sabi at binitbit isa sa mga boxes na dala ko. Dinala n’ya ito sa upuan malapit sa gawi namin. Umupo na ako habang s’ya ay mag-oorder ng drinks namin. Nang makabalik s’ya ay nagsimula na kami sa kwentuhan mula sa nangyari. Napa-inom s’ya sa vanila latte n’ya. “So, let me get this straight.” Pangunga n’ya. “Hep! No to english muna.” Pigil ko sa kanya bago s’ya tumuloy. “Ito! Kala mo ‘di lumaban international sa debate team ng school!” Panenermon n’ya. “Aba! Highschool pa ‘yun.” Pag-rason ko. “Ay! Basta!” Sabi na lang ni Dorothy. Natawa ako. “Tinanggal ka sa trabaho dahil ‘yung sa marketing ay gusto magpapasok ng panay bata. Sabay sa call center mo naman, kinulang na sa funds at companyang ka-contract nila. Then, natapunan ka ng gwapong englishero- “Foreigner.” Pagtama ko. Kaya tumango sya. “Natapunan ka ng gwapong foreigner with blonde hair and blue eyes na may accent ng kape. Tapos parang gusto ka pa makausap? Delulu ka na ata.” Kaagad ko s’yang sinimangutan. “Foreigner na ‘yun ‘no! Okay na maging delusyunada! Pero oo, ‘yun ang summarization ng lahat. Pero if gusto mo pa paikliin. Wala na akong pera at may mantsa na favorite blazer ko.” Napanguso ako matapos sabihin iyon. Lumagok na lang ako sa kape ko. Napatango-tango si Dorothy. “Malapit na ‘di ba check up ni Tita?” Tumango ako. May monthly check up kasi si Mama. “Dumadalas na ata pagbalik no’ng sakit.” Alam kong matagal nang gusto sabihin ni Dorothy ‘yun. Napahinga ako ng malalim. “Uncommon kasi ang ARVC. Kaya hindi talaga s’ya natutulungan sobra. Need pa sa ibang bansa. Wala naman ako pera para roon. Kaya itong check ups lang nagagawa namin and tests.” The first time na-diagnose si Mama ay no’ng Ten-years-old ako. Dalawang taon pagkatapos ni Papa umalis. Nawala ito no’ng twelve ako ngunit ‘di s’ya pwede magtrabaho gaya no’ng dati n’yang gawi. Kaya working student ako from the age of ten. Bumalik na lang ‘yung lala no’ng graduating ako. Kaya hindi na ako naka-boards. Deretso trabaho. Hindi naman sayang ang inaral ko sa Civil Engineering. Pero napapaisip ako ng what if’s. “Buti na lang bayad ko na ibang fees ni Mama. Si Nabu naman naka-scholar. Dorm lang n’ya binabayaran ko.” Napangiti ako. At least ‘yun na lang. Pati pala rent ko. “Hm. Full s’ya ‘di ba? Kasi pasok sa basketball team. Sabay may allowance pa.” Tumango ako. Ayaw ko nga nang gano’n. Gusto ko maenjoy n’ya pag-aaral n’ya. Hirap kaya ng Civi engineering. Gagayahin na nga lang ako. Course at gusto pa sa pera minana. “Eto!” Biglang sigaw nito kaya nagulat ako. “Ano?” Tanong kong may halong pang-huhula. May something. May jowa na kaya ‘to? Single naman daw s’ya. What is this pakulovility? Ngumisi ito ng wagas. Nyikes! Dahan dahan ako tumayo. May masamang balak ito. Nana, takas! Mahal mo pa buhay mo! “Punta tayo club.” Umubo ako ng malakas. “Hindi ako pwede. Inubo ako bigla.” Pag-rason ko. Kaagad n’ya ako sinipa sa paa para makaupo. “Aray naman!” Sigaw ko sa sakit. Napahawak ako sa paa ko. “Deserve mo ‘to. It’s been four years, Nana. Hindi ka nga nagbabakasyon d’yan sa mga trabaho mo. Kung ano ano pinasukan mo. Up until now, alam kong naghahanap ka ng trabaho d’yan sa phone mo habang kausap ako.” Napaayos ako ng up. Lagot. Busted. Huli. Pero syempre ‘di ako kulong. Muntik na. Napatingin ako sa kamay ko. “Eto na ‘yung buhay na kinalakihan ko, Dory. Alam mo naman hindi ako mapakali pag hindi ako busy, wala akong pera, lalo na ito. Wala akong trabaho. ‘Di mapakali pwet ko.” Napanguso ako. “Then, just this night. Give this day to you. Pahinga mo for these past years sumila no’ng umalis tatay mong walang kwenta.” Hinawakan n’ya kamay ko. “Gusto mo mag-enjoy si Tita at si Nabu sa buhay. Pero ikaw mismong nagpo-provide sa kanila, ‘di mo magawa-gawa. I believe it’s a night for freedom!” Napatayo s’ya habang nakahawak sa ere. Natawa ako. Nagtinginan lahat sa amin. Kanina pa talaga ang mga tao rito. Titig na titig! “Please? Just this night. If not for you. Then, for me. I want to see you enjoy naman. Kasi huling kita ko sa’yo na maligayang-maligaya. Graduation day.” Everything stroke me with that. Ang bilis ng oras. Na sa akin, parang kahapon lang ‘yun. Pero para sa mga minamahal ko. Matagal na huling nangyari ‘yun. Napaisip ako ng mabuti. “Wala akong- “Ako na bahala basta pera. I’m your sugar mommy, baby!” Pagmamalaki nito. Natawa ako. I smiled as I felt deeply loved. I felt a bit of excitement from the thought of being able to go out one night only. Tanging napupuntahan ko lang ay bahay, mall, grocery, apartment, school, trabaho, at etong mga kalsada rito. I feel isolated. “Okay.” I’ll enjoy this night. A night free from this cage. Sabi nila, habang bata ka. Ienjoy mo na. Enjoy this, Nana. Wear your best dress and smile.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook