Chapter 9

809 Words
Chapter 9 Hindi ko alam yung gagawin ko. O yung sasabihin ko. Teka. Pano ba to. Hindi ko naman pwedeng sabihin na "Oo tama ka may anak na nga si Andrea." Nakatingin lang siya sakin na para bang naghihintay ng sagot,at sakto naman na biglang tumunog ang bell. "Time na!!!" Sabay takbo ko papalabas at pabalik ng room. Naku po! Muntik na ako dun! Kaso narinig niya yung sinabi ni Andrea. Si Xyra yun e. Kaklase nila Dave. Isa sa mga nagkakagusto kay Dave. Lagot na. Pagbalik ko sa room saktong papasok palang din yung teacher namin kaya nakahinga ako ng maluwag. Dali dali akong bumalik sa upuan ko at bumulong kay Mich. "May problema tayo." "Ha? Teka nasan si Andrea?"-Mich "Mamaya ko na sasabihin." Nung nag attendance na si Mam at hinanap si Andrea,sinabi ko nalang na sumama ang pakiramdam kaya umuwi muna siya. Hindi ako mapakali kasi nag aalala rin ako sa anak ni Andrea. Syempre kaibigan na rin namin si Andrea at kahit na hindi pa namin nakikita si Kyrie(anak ni Andrea), e mahalaga na rin siya samin. Nung napadaan nga ang klase nila Dave nakatingin sakin si Xyra e,kaya iniwas ko na rin agad ang tingin ko sa kanya. Nakuuuu! Nung mag uwian naman na, hinila ko muna sila Mich,Carlo at Charlie sa rooftop. "Teka,bat ba tayo nandito?"- Charlie "Ano ba yung problemang sinasabi mo Quinn?"- Mich Huminga muna ako bago nagsalita. "Kanina kasi sa banyo,may tumawag kay Andrea,nanay niya yata yun, sinabi na nasa ospital daw si Kyrie. " "Hala!"-Mich "Bakit? Anong nangyari?"-Carlo "Hindi ko rin alam. Pero eto ang problema,kilala niyo ba si Xyra?" "Oo,kaklase nila Dave yun diba."-Charlie "Oo. Narinig niya kasi yung sinabi ni Andrea sakin. Narinig niya na may anak na si Andrea kaya tinanong niya ako,buti nalang nag-time na kaya tumakbo ako." Napanganga nalang silang tatlo sa sinabi. "Lagot na."-Carlo "Pano yan? Anong gagawin natin?"- Mich "Kailangan makausap natin si Andrea."-Charlie "Pero baka wala pa sya bukas dahil nga nasa hospital anak niya. At saka syempre namomroblema rin yun." Kasi namaaaaaan! "May number ba kayo ni Andrea?"- Mich "Wala nga e." Sandali kaming nag isip kung ano ba ang dapat gawin. "Kung sakali mang may magtanong sa inyo,sabihin nalang natin na hindi yun totoo. Hindi natin pwedeng sagutin yan hanggat walang sinasabi si Andrea. Tandaan niyo guys pinagkatiwalaan tayo ni Andrea tungkol dyan."-Carlo Tumango naman kami. "Oo tama. Lalo sayo Quinn,ikaw ang kasama ni Andrea kanina sa banyo kaya malamang na sayo sila magtanong."-Charlie "Sige. Ako nang bahala dun." Pagkatapos naming mag usap usap,nauna na silang umuwi dahil nga didiretso pa ako sa court. Hay naku naman. Pagkarating ko sa court, naabutan ko na si Dave na naglilinis. "Late ka yata."- Dave "Sorry may inayos lang." Tapos kumuha na ako agad ng panlinis para naman makauwi ako agad at baka mabwisit pa ako nitong kasama ko. Tahimik lang kaming naglilinis. Himala nga e. Hindi nangungulit tong isa. Pero buti nalang kasi wala ako sa mood. Maya maya may narinig akong ingay papasok ng court,at nang mapatingin ako, mga tropa ni Dave. "O Quinn! Sipag yata ah!"-Ilyo "Ayos pala e! Sama na natin yang si Quinn!"-Harry Hindi ko naman sila pinansin at naglinis lang ako ng naglinis. Gusto ko na rin kasi talagang umuwi. "Gusto mo bang sumama Quinn?"-Dave "Ayoko." Agad kong sagot. "Dali na! Birthday ni Angelo ngayon eto naman minsan lang e."-Dave Napatingin naman ako kay Dave,tapos kay Angelo na nakatingin lang din sakin. Hala! Birthday ngayon ni Angelo? Ang alam ko sa March pa birthday niya e. "Diba March pa birthday mo?" Tapos narinig kong nagtawanan sila Ilyo pati na rin si Dave. "Alam na alam! Hahahahaha."-Dave At nung napaisip ako sa sinabi ko,bigla akong nagtatakbo sa pwesto ni Dave at pinaghahampas siya ng tambo. "ARAY! HAHAHAHAHA. A-ARAY KO TEKA!" "PURO KA KALOKOHAN E BUSIT KA TALAGA!" "BAKIT AKO! HAHAHAHAHA."-Dave Hininto ko naman yung paghampas sa kaniya kasi medyo hiningal din ako. Tapos napatingin ako kay Angelo na nakangiti sakin. Kapogi naman neto nakakabwisit naaaaaa! Yung ngiti niya kasi para siyang nakarinig nang magandang balita. Atsaka namumula kasi pisngi niya kaya lalong nakita kagwapuhan niya. "Pano ba yan Angelo, mukhang okay na. Hahahahaha."-Borris "Ako nga tigil tigilan niyo ako ah! Lumayas nga kayo dito!" Bwisit kinikilig ako sa pagmumukha ni Angelo Tapos bigla kong naramdaman yung kamay ni Dave sa balikat ko,pero inalis ko rin agad. Hinayupak na to aakbay pa sakin sa harap ni Angelo. "Pero seryoso Quinn,sama kana samin."-Dave "Bat ba! Aano ba kayo!" "Eto laging nakasigaw katabi mo lang ako e.Dapat kasi talaga si Andrea isasama namin,e kaso wala siya,kaya ikaw nalang."-Dave "Ikaw na nga magsabi Angelo baka sakaling pumayag."-Ilyo Napatingin naman ako kay Angelo,tapos naglakad siya papunta sa harap ko. Yung kabog ng dibdib ko wait Angelo hinay hinay! "Maglilibot lang sana kami,kakain na rin. Ano sama ka?"-Angelo Wait pag isipan ko muna.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD