Chapter 8- Oh No!

1338 Words
Chapter 8 Pagkauwi ko ng bahay,tinanong ako agad nila nanay kung saan ako galing. At syempre dahil mabait ako,sinabi ko na sinamahan kong bumili ng regalo yung kakilala ko. Alangan namang sabihin kong kaibigan,di kami friends nun. Tapos nakita ni nanay yung dress na nilibre sakin ni Dave,sabi ko nilibre niya ako dahil nga sinamahan ko si Dave. Nung una ayaw pang maniwala ni nanay akala bigay ng manliligaw ko. Sabi ko naman imposible kasi wala akong manliligaw,ayun naniwala naman si nanay. Kinabukasan naman medyo nalate pa ako ng gising kasi nga napagod ako kakalakad kahapon. Bwisit kasing Dave to. Nung nakita nga ako ng kaschoolmate namin na nakakita samin ni Dave kahapon,ayun masama tingin sakin tsaka ng mga friendship niya. Sarap tusukin ng mga mata kala mo rin cute. Pagpasok ko ng room, lahat sila napatingin sakin. "O bat ganyan kayo makatingin? 2 minutes pa bago time kaya di pa ako late. Hahahahaha." Dumiretso naman ako sa upuan ko tas pinuntahan ako nila Charles at Mich. "Oy Quinn,anong ginawa mo?"-Charles Tiningnan ko naman si Charles na parang kwan magtanong. "Anong ginawa? Kakarating ko lang ah." Tapos may pinakitang picture sakin si Mich na talaga namang nagpalaki ng mata ko. "May picture pa talaga???" Nandun sa picture yung hawak ko yung dress na libre ni Dave sakin habang nakatawa naman si Dave. "Ano yan? Bat di mo man lang sinasabi samin na nagdedate na pala kayo?"-Mich "Huy bunganga mo Mich anong nagdedate? Nagpasama lang yang kolokoy na yan na bilhan ng regalo kapatid niya." "Sus. Iba kasi ang itsura mo sa picture tsaka ni Dave. Para kayong nagdedate."-Charles Dumating na rin si Carlo at Andrea. "Alam niyong hindi ako ang gusto ni Dave. Dudumi ng isip." Kaya pala ganun sila makatingin sakin. OA. "Alam naman namin kaso alam mo naman mga isip ng mga nagkakagusto kay Dave. Malamang sa ikaw ang topic nila ngayon."- Carlo "Bayaan mo sila. Alam ko naman na hindi ganun yung nangyari. Tsaka bat ba poging pogi sila kay Dave sura nun." Natawa nalang sila Andrea sa sinabi ko. Totoo naman e. Kakayamot na tong mga babaeng to. Maya maya dumating na rin ang teacher namin. Nabusit pa nga ako dun sa kaklase ko sa harap na tinatanong ko kung ano yung sinabi ni mam,aba di ako pinansin porke may gusto siya kay Dave. Ay naku! Bat ganyan kayo! Habang nagsusulat naman ako,narinig ko na ang ingay sa labas ng room namin kaya napatingin ako,yun pala yung mga kaklase ni Dave na naglolokohan at tinuturo ako. Nakita ko namang nakasimangot si Dave. Sura! Hahahahahaha. Bahala kayong magtuksuhan dyan basta nakasilay na ako kay Angelo. HAHAHAHAHAHA Nung breaktime na, nagpunta kami nila Mich at Andrea sa canteen. As usual, yung mga babaeng may gusto kay Dave ang sama ng tingin sakin. "Diba si Andrea ang gusto ni Dave?" "Ano ba yan. Kinaibigan lang yata para agawin si Dave." "Desperada." Natatawa nalang ako sa isip ko. Sige laaaang. Dyan kayo masaya? Go! Habang kumakain naman kami, lumapit samin sila Dave at tumabi. Syempre yung mga tingin lalo sakin ang sasama. Tumabi pa sakin tong siraulong Dave na to. "Masaya ka niyan?" Tanong ko kay Dave na humihigop ng coke at nakatingin kay Andrea. "Saan?" Kunwari pa tong busit na to. "Ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo." Kinain ko na ng kinain yung sopas na binili ko. "Ah Andrea saan ka kakain mamaya?"-Dave Muntik ko nang mailuwa yung sinubo ko sa tanong ni Dave kay Andrea. Tapos napatingin naman ako kay Andrea. "Ah sa rooftop kami--------" "Bat kaba nagtatanong?" Napatingin naman sakin si Dave na parang nang iinis. "Selos kaba? Quinn naman tinatanong ko lang si Andrea e alam ko namang di mo ako sasagutin kapag sayo ko tinanong------ARAY!" "KADIRI KA!" Hinampas ko sya nakakabusit kasi. Nagtawanan naman yung mga tropa ni Dave,tas napatingin ako kay Angelo na tahimik lang na nakatingin samin. Halaaaaa. Baby Angelo mali ka ng iniisip. "Para nga sasabay kami sa inyo e! Ayaw mo nun mas marami mas masaya, makakasama mo kami nila Angelo!"- Dave Hinampas ko ulit siya. Busiiiit! "Nakakarami kana ah!"-Dave Hala nasan ang dila ko. Tekaaaaa. "Sa rooftop sila Dave. Dun nalang tayo kumain."-Ilyo Sinamaan ko rin ng tingin si Ilyo. Ayst. "Ayan ha! Mich wag na kayong lilipat ha sabay sabay na tayong kumain mamaya."-Dave "Tara na nga!" Nauna na akong naglakad kela Mich at Andrea pabalik ng room. Nakakahiyaaaaa. Sasabay sila Dave samin mamaya sa lunch makikita ako ni Angelo kumain. Mygas. Pagbalik ko sa room sinalubong ako nila Carlo. "O bakit ganyan na naman mukha mo?"-Carlo "Di ka paba sanay?"- Charles Pagkaupo ko saktong dunating sila Mich at Andrea at lumapit samin. "Ano na namang nangyari dito sa kaibigan natin?"- Carlo "Sasabay daw kumain satin sila Dave mamayang tanghali."-Mich "Ayiieh! Makikita na ni Angelo kung pano ka kumain Quinn!hahahahaha."- Charles "Malamang di makakain ng maayos to."- Carlo "Ako tigil tigilan niyo ko ah! Tsaka e ano ba kung nandun si Angelo! Makakakain akong maayos no!" ----- (Rooftop) "O Quinn,eto na sayo."-Charles Binigay sakin ni Mich yung kalahati ng kanin niya,si Carlo naman kalahati ng baon niyang adobo,si Charles binigay sakin yung isang saging tapos si Andrea binigay yung isang itlog sakin. "Kumain kana Quinn. Diba nagugutom kana?" Sinamaan ko naman ng tingin si Carlo Tapos nakita ko sila Dave na nakatingin sakin at para bang gulat na gulat sa nakita nila. "Mauubos mo yan lahat Quinn?"-Dave "Sus! Kulang pa sa kanya yan."-Charles Lagot ka sakin mamaya Charles! Tahimik lang kami hanggang sa narinig namin yung tawa ni Angelo. "HAHAHAHAHAHAHA."-Angelo Waaah! Nakakahiya. Tapos nagulat nalang ako ng bigla niyang ibigay sakin yung baon niyang salad. "Ayan,pang himagas mo. Wag sanang sumakit ang tiyan mo."-Angelo T-teka lang. "Naku lalo nang di nakakain."-Dave Tapos nagtawanan sila. Busiiit kayoooo! Kumain na kami habang sila pinagtatawanan yung katakawan ko. Kesyo san ko raw nilalagay sa katawan ko yung mga kinakain ko. "Kalat na tong picture niyo ni Quinn ah Dave."-Ilyo Napatingin naman ako kay Ilyo na pinakita ang cellphone niya kay Dave. Si Dave naman wala ring pakielam. "Hayaan mo sila. Nagpasama lang naman ako kay Quinn dudumi ng utak nila."- Dave "Sa unang pagkakataon sumang ayon ako sa sinabi mo."-ako Tapos napatingin ako kay Angelo na nakatingin sakin kaso lumayo rin ng tingin. Teka,bat namumula pisngi niya? Ah siguro sa init. Pero kinikilig akooo! Hahahahahaha Tanong lang ng tanong si Dave kay Andrea. Kung san siya nakatira,kung anong paboritong pagkain,mga ganun. Kala mo rin mabait e. Pinakahuli akong natapos kumain. Natural naman dami nilang binigay sakin. Sana lang talaga hindi sumakit tiyan ko. "Kita nalang tayo mamaya sa Court Quinn."-Dave "Tse." Pagkaalis nila Dave,sumunod na rin kami. Hindi kami pwedeng magsabay baka kung ano na namang isipin. "Alam mo Quinn nakikita ko si Angelo na napapatingin sayo."-Andrea Napatingin naman ako kay Andrea. "Talaga? Alam mo nahuli ko nga rin siyang nakatingin kaso inalis niya rin agad."-ako "Baka may gusto rin sayo si Angelo."-Mich "Halaaa! Imposible." "Imposible talaga. Sura mong yan. "-Carlo Sinamaan ko naman ng tingin si Carlo "Busit ka kamo." Pagbalik namin sa room,dun ko naramdaman yung sobrang pagkabusog. Hala. Wag sanang sumakit tiyan ko. Pinipilit kong wag isipin kaso hindi na talaga kaya. "Andrea,samahan mo ako sa banyo. Sumasakit tiyan ko." Bulong ko kay Andrea. Tumango naman siya at tumayo na kaming dalawa para magpunta sa banyo. May 15 minutes pa naman bago mag time. Habang nasa loob ako ng cubicle,narinig ko si Andrea na may kausap. "Nay? Po,bakit po?---- Ha? Nasa ospital po kayo?---Bakit?-----T-teka po punta na po ako dyan."-Andrea "Andrea? Anong nangyari?" Mukha kasi siyang natataranta e. "Quinn,sorry di na kita masasamahan. Uuwi muna ako." "Hala bakit?" "Dinala sa ospital anak ko e. Pakiexcuse nalang ako sa mga teachers natin,ikaw na bahala."-Andrea "Ay sige sige Andrea. Ingat ka. " Tumakbo naman na papalabas ng banyo si Andrea. Hala. Kawawa naman ang anak ni Andrea. Ano kayang nangyari? Pagkatapos ko naman,naghugas nalang ako ng kamay. Lalabas na sana ako ng may biglang kumalabit sakin. "May anak si Andrea?" Oh no. May nakarinig pala. Lagot na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD