Chapter 7

911 Words
Chapter 7 " Ano bang problema mo?! " nakakainis na tong lalaking to e.  Wala nang ginawa sa buhay niya kung hindi magyabang at bwisitin ako. Halata mong nagulat siya sa pagsigaw ko pero nabalik pa rin yung hinayupak niyang mukha sa dati. "Bat ba ang sungit mo ngayon?  Meron ka ngayon no?  May regla kaba? " "Pakielam mo kung meron?  O kung meron titigilan mo na ako?" "Hindi.  Bibwisitin pa kita lalo. " tapos nagulat ako ng bigla niya akong hinitak papalabas ng school.  "OY TEKA ANO BA!  BITAWAN MO NGA AKO! " Pilit kong inaalis yung kamay ko na hawak niya kaso dahil nga mahigpit, hindi ko magawa.  Medyo nasasaktan na rin ako sa hawak niya kaya napapa-aray na ako.  "ANO BA! DI MO BA AKO TITIGILAN?? " tapos bigla siyang huminto kaya muntikan na akong ma-out of balance at masubsob sa kanya, buti nalang at napigilan ko ang sarili ko.  "Alam mo, ikaw palang yung nakilala kong babae na hindi nagkakagusto sakin. " "Tss.  " napataray naman ako bigla "Hindi naman kasi lahat ng babae nadadala sa itsura mo!  Yabang yabang mong yan pano ko magkakagusto sayo?! " "E pano kung sabihin kong mayabang din si Angelo? " " Di ako maniniwala di ko pa naman siya nakakasama. " tas nagulat ako kasi bigla siyang tumawa ng malakas.  "Kapag kay Angelo talaga... " Sinamaan ko naman siya ng tingin.  "Ako nga tigil tigilan mo ko ah baka masamain ka sakin." "Papasama lang ako sayo. " "Aano kaba?? " Bwisit to kalalaking tao papasama pa sakin.  "Tsk. Basta." tapos bigla niya ulit akong hinitak at pumara ng tricycle. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nakita ko kung paano siya nagbuntong hininga.  "Samahan mo ako sa mall. Birthday ni ate ngayon at hindi ko alam ang ireregalo ko sa kanya." "O e bakit sakin ka magpapasama? Di ka magpasama sa mga kaibigan mo?" "I tried, kaso wala raw silang alam sa mga girl thing na yun kung ano man yun." "Sa tingin mo ako meron?" "Siguro naman babae ka diba?" Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Ay naku talaga! Sumakay na ako sa tricycle kaya sumunod na rin sya. "Sasamahan din naman ako dami pang arte. Kuya sa may mall po." "E kung itulak kaya kita dyan? Ikaw na nga sasamahan dami mo pang kuda." Narinig ko yung tawa niya at umiling iling, Ay naku babatukan ko na talaga to promise. Ewan ko ba talaga bat daming nagkakagusto diyan. Busit busit e. Buti di nahahighblood mga magulang nito sa kanya no? Pero infairness sweet din naman siya, ibibili pa talaga ng regalo ate niya. Ano kaya nakain nito? Pagdating namin sa mall, nauna na siyang maglakad sakin kaya sinusundan ko nalang siya. Makapag-mauna to kala mo alam niya bibilin niya e. Dumaan kami sa tindahan ng mga damit. Mygas ako pa talaga sinama niya e kung ano lang madampot ko sa cabinet yun lang susuotin ko. "Ano sa tingin mo? Maganda ba to?" Tiningnan ko naman yung hawak niyang dress na kulay pink. "Ilang taon naba ate mo?" "Hmm. 28." "Di niya susuotin yan. Hindi bagay sa kanya yan." "Bakit?" tiningnan niya naman yung hawak niyang dress. "Kasi sakin bagay. HAHAHAHAHA--ARAY!!" Ibato raw ba sakin yung dress. Bwisit talaga to. "O sige na sayo na." sabay talikod sakin. "Uy joke lang!" Hala to! Binibiro ko lang naman. Sinundan ko siya habang hawak yung dress at pilit na sinasabi na binibiro ko lang siya. Pero ayaw akong pansinin.  Naku. Baka sakin ipabayad to wala akong pera. Ibabalik ko na sana tong dress kaso pinigilan niya ako. "Sige na. Libre ko na yan. Sinamahan mo naman ako." Ay naku! Libre raw. Nakita ko yung presyo kanina mahigit sa 1000!  "Di na. Okay lang naman-----------" "Dami pang arte ayaw pang kunin e." "E kung sapukin kaya kita!" Tinawanan lang niya ako tas may pinakita ulit syang damit sakin." Eto ba?" Ganun lang ginawa namin. Naghanap kami ng mga damit na pwede niyang iregalo sa ate niya. Meron naman siyang napili tapos bumili rin syang kwintas. Taray nga e daming pera. At tinotoo yung libre niya sakin. Masarap din palang samahan tong mayabang na to nanlilibre ng dress. Hahahahaha. Bago kami umuwi, kumain muna kami sa MCDO, syempre libre niya ulit aba kapal naman ng mukha niya kung magpapalibre siya sakin diba? May nakakita pa nga saming schoolmate namin kaya syempre,goodluck sakin bukas. "Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit maraming nagkakagusto sayo." "Gwapo kasi ako."sabay kagat niya sa burger. "Kapal ng mukha mo." uminom naman ako ng coke pagkasabi ko nun. "E sayo ba may nagkakagusto?" Muntik na akong mabilaukan sa tanong niya. Tapos nakita ko yung mukha niya na seryoso.  "Change topic!" Tapos tinawanan lang ako. Lokong to ah. "Nagkaboyfriend kana ba?" "Ako tigil-tigilan mo ko ah! Sinabing change topic e ano ba lasa niyang ketchup." "Hahahahaha. Halatang hindi kapa nagkakaboyfriend ah." "Pake mo?" "Hanggang crush lang ganun?" "Ihh! Manahimik ka. " "Walang nanliligaw sayo?" "Nakikita mo tong hawak kong straw? Lalagay ko to sa bibig mo." "Salbahe." Hay. Buti naman nanahimik na sya. "Pero alam mo, maswerte magiging boyfriend mo. Maganda ka naman e, masarap kasama, makapal lang talaga mukha mo. Hahahahaha." Binato ko naman siya ng isang fries. Kasi nawala talaga yung dila ko. Di ko alam kung san nagpunta. Bukod sa tatay ko, first time may nagsabi saking lalaki na maganda ako. Sila Charles kasi kapanget ko raw e. Mga bwisit yun e. Hala!Kinakabahan ako bat ganto!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD