Chapter 6- Don't Lie

1249 Words
Chapter 6 Nung malapit na mag time, bumalik na kami ni Charles sa room. Pinag uusapan pa rin namin kung paano namin kakausapin si Andrea at kung paano namin siya tatanungin ng hindi siya matatakot samin.  Pero kung totoo man, siguro naman may dahilan no?  Pagpasok namin sa room, napatingin ako agad sa lugar ni Andrea.  Nakita kong nagbabasa siya ng notes.....  OMYGAS!  MAY TEST NGA PALA KAMI NGAYON!  "Pucha naman Charles di mo pinaalala may test pala tayo ngayon! " "Aba malay ko bang di kapa nagrereview. "-Charles Ayst!  Busit dinaldal daldal pa kasi ako ng Charles nato.  Tumakbo agad ako papunta sa upuan ko para hanapin yung notebook ko at makapagbasa.  5 minutes pa.  Nagbasa na ako para naman kahit papano e may masagot ako mamaya.  Takte talaga.  Bahala na. ----- Mabuti nalang at lima lang ang mali ko sa test namin.  Nakinig naman kasi ako sa discussion kahapon kaya kahit papano may naalala ako.  "Sa tennis court nalang tayo kumain. "-Mitch Napatingin naman sakin si Charles at pinandilatan ako ng mata.  Aba lokong to ah. Dinilatan ko rin siya lokong to di ako papatalo di ko naman siya inaano.  "Ayst kashunga. " tinuro niya yung lugar ni Andrea kaya nagets ko na.  Malay ko ba kasi bigla siyang nandidilat diyan.  "Andrea! " napatingin agad siya sakin.  "Sabay kana samin kumain. " Ngumiti naman siya at kinuha na yung lunchbox niya at lumapit samin.  "O tara na.  Gutom na ako. "-Carlo Nauna nang naglakad sila Carlo at Charles at sumunod nalang kami nila Mitch at Andrea.  Nagkukwentuhan kaming dalawa ni Mitch habang tahimik lang si Andrea.  Isang tanong isang sagot siya.  Hindi siya yung tipong talagang nakikipagkwentuhan samin. Kung di namin siya tatanungin, hindi siya magsasalita.  Napadaan nga kami sa canteen at nakita namin yung grupo nila Dave.  As usual naman puro kayabangan na naman pinakita ng hinayupak na yun.  Pero wala akong kems sa kanya kasi si Angelo lang talaga nakakapagpabuo ng araw ko.  Hehez.  Pagkarating namin sa tennis court, inayos na namin yung mga pagkain namin na parang nakabilog.   "Sarap ng ulam mo Mitch ah! "-Carlo Napatingin naman ako sa ulam ni Andrea.   Isang itlog na maalat tsaka isang kamatis.  Medyo nahihiya pa nga siya nung una pero syempre para di naman siya mahiya samin, nanghingi ako sa kanya.  Sarap kaya niyan.  "Uy Andrea share share tayo dito wag kang mahiya ah! "- Mitch "Oo nga.  Tsaka magkakaibigan na tayo ngayon dapat wag ka nang mahiya samin. "-Carlo Ngumiti naman siya.  Tapos napatingin ako kay Charles na nakatingin din sakin.  Nagbibigay siya ng signal na para bang 'Go sabihin mo na. ' "Ahh Andrea. " Nagsimula na kming kumain. Napatingin naman siya sakin.  "Pwedeng magtanong? " " Oo naman. "-Siya Huminga muna ako ng malalim.  Syempre kailangan dahan dahan.  Baka mabigla siya e.  "Sang-ayon kaba sa abortion? " Bigla naman siyang nabilaukan sa tanong ko.  Hala bakit?  Nabigla ko ba siya.  Napatingin naman ako kay Charles na para bang tinatanong ko kung may mali sa sinabi ko, pero nakita kong umiiling siya.  "Anong klaseng tanong yan Quinn? "-Carlo "Nagtatanong lang naman. " Tapos napahinto ako ng sumagot si Andrea.  "Hindi. "-Andrea "Pero bakit nga kaya may mga gumagawa ng ganun no? "-Charles Yun buti nalang nakisakay kang hayop ka.  Busit e.  "Siguro may mga kanya kanya silang dahilan.  Pero para sakin hindi ako sang ayon dun. "-Andrea Tumango tango naman kami.  "Oo nga grabe na yung mga napapanood natin ngayon no?  Para bang bagay lang yung tingin nila sa mga sanggol.  Mga walang puso. "-Mitch "Bakit mo natanong Quinn? "-Andrea Para akong naging tuod ngayon.  Di ko alam kung ano yung isasagot ko.  Sasabihin ko bang 'e kasi sabi ni Charles na nabalitaan niya raw na kaya ka nag transfer dito ay dahil nagpalaglag ka raw at di mo na kinaya mga pambubully nila sayo. ' kaso pangit naman kapag ganun.  "W-wala naman."-ako "Sure ka?  Tutal sabi niyo naman kanina mga kaibigan ko na kayo at dapat wala nang sikreto. "-Andrea Nakatingin lang kaming lahat kay Andrea ngayon.  "Meron ba kayong gustong itanong?  Promise magiging totoo ako sa mga isasagot ko. "-Andrea Nagkatinginan kaming lahat.  Alam kong iisa lang yung mga nasa isip namin.   "Ano ba talaga ang dahilan bakit biglaan kang nagtransfer dito? "-Charles Uminom muna ng tubig si Andrea bago siya nagsalita.  "Hindi ko kasi kinaya yung pambubully doon sa dati kong school. "-Andrea "Bakit ka naman nila binubully?  E wala namang kalait lait sayo? "-Mitch Umiling naman siya.  "Marami akong sikreto.  At sana,  bilang mga kaibigan ko, tayo tayo lang ang makakaalam nito. "-Andrea ------- "Bye Quinn! " Sabay sabay na silang lumabas ng gate habang ako naman e naglalakad na papunta sa gym.  Kailangan kong ikalma ang sarili ko dahil makikita ko na naman yung hinayupak na Dave na yun.  Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabing sikreto ni Andrea.   At humanga ako sa kanya dahil dun.   Pagpasok ko ng gym, nilapag ko na agad yung bag ko at kumuha na ng gamit panlinis.  Wala pa si Dave.  Himala.  Habang naglilinis ako, may narinig na akong ingay.  Boses palang kilala ko na.  "Hi Quinn! " Di ko naman siya pinansin.  Bahala ka dyan.  At talaga naman pong hinayupak siya, dumaan ba naman dun sa part na nalampaso ko na, kaya ayun, bumakat yung dumi ng sapatos niya.  Kalma Quinn.  Kalma.  Binalikan ko nalang yung mga nadumihan niya.  Gustung gusto ko nang umuwi kasi antok na antok na talaga ako.  "Bait mo yata ngayon? "-Dave Wag mong pansinin Quinn utangnaloob.  Mapapasama talaga sakin to e.  "Angelo!! "-Dave Napatingin naman ako agad sa may pasukan ng gym, at nung nakita kong wala namang Angelo dun, narinig ko yung malakas na pagtawa ni Dave.  "Hanep crush na crush mo talaga si Angelo no??  HAHAHAHAHA. " At dahil di ko na kayang kalmahin ang sarili ko, lumapit ako kay Dave at hinampas ko yung pang-mop na hawak ko.  "ARAY!  PROBLEMA MO?? "-Dave "IKAW PROBLEMA KO BWISIT KA! " "E BAKIT NGA BA AYAW MONG MAMANSIN DYAN!  FEELING MO MAGANDA KA SA GINAGAWA MO? " "O FEELING MO RIN GWAPO KA SA PAGGANYAN MO? " tapos hinampas hampas ko ulit sya.  "Aray!  Ano ba!! " Hinawakan niya yung pang-mop at hinitak papalayo sakin, e ang higpit pa naman ng hawak ko, kaya ang ending......  *Boogsh!  "Aray. " Nasubsob ako sa sahig.  "Leche talaga. " at ang mayabang pinagtatawanan ako.   "Cute ka palang masubsob no?  Hahahahahaha. " sinamaan ko lang siya ng tingin tapos tumayo na at iniwan sa kanya yung pang mop.  Kinuha yung bag ko at nagtuluy tuloy ako ng lakad.  "OY SANDALI LANG! "-Dave Bahala ka dyan.  Marami akong iniisil ngayon baka makaisa ka.  Naalala ko na naman yung sinabi ni Andrea kanina.  "Kung may mabalitaan man kayong kaya ako umalis sa Southern High ay dahil nagpalaglag ako, hindi yun totoo.  Yun kasi ang pinakalat ng pamilya ng nakabuntis sakin. Pero ang totoo, binuhay ko mag-isa ang anak ko.  At kayo, at ang pamilya ko lang ang nakakaalam nun, kaya sana wag niyo nang sabihin sa iba dahil ayokong makarating to sa pamilya ng taong nakabuntis sakin. " Wooh!  Sakit sa head!  "Oy ano ba! " Lumingon naman ako agad kaso.  "Oops!  Bat ba para kang lalaki kung kumilos ha? " Nasa likuran ko na pala sya at paglingon ko e nauntog ako sa katawan niya dahilan para ma-out of balance ako, pero buti nalang nahawakan niya ako bigla kung hindi malamang natumba ako.  Ay naku naman talaga.  Sumasakit ulo ko sa inyo! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD