Chapter 5- The Secret

836 Words
Chapter 5 Tamad na tamad talaga akong pumasok ngayon. Grabe yung katawan ko parang may nakapasan saking isang malaking bato. 7 na rin ako nakauwi kagabi. Pucha. Isang buwan magiging ganun ang buhay ko? Wala na. Di na talaga ako tataba. Yawqna. Pagkapasok ko sa room, naupo na agad ako at dumukmo. Huhu. Kailangan ko pa ng 8 hours of sleep. Or more. Naramdaman ko namang may kumalabit sakin pero di ko pinansin. Istorbo. "Oy Quinn. " - Charles Tsk. Si Charles lang pala. "Tahimik Charles. Tulog muna ako. " "Hanep kakarating mo lang matutulog ka agad. "-Charles Di naman na ako nagsalita pagkatapos nun. Gusto ko talagang matuloooog. Dapat nga di ako papasok kaso baka bungangaan lang ako maghapon ni ina kaya minabuti ko nang pumasok. Maya maya naman, narinig kong nagkaingay ang mga kaklase ko. Namaaaan. At dahil maaga pa naman, tumayo na muna ako para dun muna ako sa library. Doon paniguradong walang iistorbo sakin. Lalabas na sana ako ng room ng makita ko si Dave. Tsk. Kaya pala nagkaingay sila. Naalala ko pa yung sinabi niya sakin kagabi, about sa deal. Leche siya. Siya lang naman nakaisip nun. Magtutuluy tuloy na nga sana ako sa paglabas ng bigla akong hawakan sa braso ni Dave. "Hello Quinn! "-Dave Tiningnan ko lang siya na para bang may ginawa siyang katangahan sa buhay niya. Alisin ko na pala yung word na "parang". Para syang tanga. Sorry for the word. Ewan ko ba. Gigil na gigil talaga ako sa lalaking to. Tinanggal ko naman yung kamay niya sa braso ko pero binalik niya ulit. At sa pangalawang pagkakataon, mahigpit na. Lumapit siya sakin at bumulong. "Tandaan mo yung deal natin. " "Ikaw lang ang may gusto nun shunga. Pumayag ba ako? " Tiningnan niya lang ako at lumayo ng kaunti sa akin, pagkatapos ay tinawag si Angelo. "Angelo! "-Dave "Okaaaay! " hinitak ko agad si Dave at nilapit kay Andrea. Pasensya na Andrea. "Andrea hi daw sabi ni Dave. Mabait to. " pagkatapos kong sabihin yun, iniwan ko na si Dave at tumakbo na papuntang library. Ayst! Kakabwisit talaga. Bakit pa magpapatulong sakin e kayang kaya niya na yun. Kaduwagan lang e. Pagkarating ko sa library, medyo hinihingal hingal pa ako. Humanap na ako ng pwede kong pwestuhan. Meron pa akong 30 minutes para matulog.  "Quinn. " "Ay pucha! " Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa taong to. Buti nalang hindi nagalit si Ms. De Pano "Ano na naman ba Charles? Matutulog ako e. " "Guguluhin ko buhay mo bakit may problema ka? "-siya Tinaasan ko lang siya ng kilay. Bakit ba napapaligiran ako ngayon ng mga taong to?? Please lang sa ibaaang araw nalang. Kaineys. "Susuntukin kita Charles. " Tapos tumawa lang siya. "Pero seryoso, may sasabihin kasi ako sayo. " Tiningnan ko naman siyang mabuti. Mukha namang seryoso talaga siya sa sinasabi niya. "Ano yun? " "Nakausap ko yung tropa ko dun sa Southern Highschool. May sinabi siya sakin. " Tahimik lang ako na nakikinig . Siguro mga isang oras o higit pa ang byahe kung sasakay ka ng bus. "Kilala niya si Andrea,at sinabi niya sakin kung bakit siya lumipat dito. " "Hanep naman Charles di mo pa ako diretsuhin e." "Nabuntis daw si Andrea ng kaklase niya doon, tapos ang balita, pinalaglag daw niya yung bata dahil ayaw daw ng magulang nung lalaki kay Andrea. " Halos mapanganga ako sa sinabi ni Charles. "Siraulo ka Charles wag kang magbiro ng ganyan. " Kakalatukan ko talaga to kapag niloloko niya lang. "Shunga ka talaga!  Mukha ba akong nagbibiro?" Tiningnan ko naman siya mabuti at tumango.  "Quinn seryoso ako.  Hindi ako mag iimbento ng kwento. Sayang effort dun. " Pero minsan naiisip ko rin yan e.  Bakit nga ba nag transfer si Andrea?  Tsaka para ngang may something sa kanya di ko lang talaga malaman kung ano.  Nahihiya naman akong itanong kasi ilang araw palang naman namin siya nakakasama.  "What if totoo yun Quinn? " Tiningnan ko naman si Charles. "O e ano ngayon kung totoo?" Napanganga lang si Charles sa sinabi ko.  Na para bang hindi niya malaman kung matino paba ako o hindi na. "Para namang shunga kausap to kakainis. " Hinawakan ko naman sa balikat si Charles tapos lumapit ng kaunti sa kanya.  Mahirap na baka may makarinig samin, medyo kilala na rin kasi si Andrea sa school magmula nung nalaman nila na may gusto sa kanya si Dave.  "Obserbahan muna natin siya.  Tingnan natin kung talagang totoo ba yung sinabi niyang kaklase mo dun sa Southern High,  ngayon kung may something na talaga, dun natin siya tanungin, kasi mahirap yan Charles personal niyang buhay yan e. " "Oo nga.  Wala naman tayong balak na ipagkalat yun or siraan siya sa iba, ang sakin lang, kung gusto niyang maging kaibigan natin siya, maging honest sya satin, hindi naman natin siya aawayin dahil sa nagawa niya, kung totoo man. "-Charles Tumango naman ako.  Sabagay may point naman si Charles sa sinabi niya.  "Gumawa tayo ng plano, para mapaamin natin siya. "-ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD