Chapter 4- The Deal

690 Words
Chapter 4- The Deal "I do not tolerate those kind of attitudes here in my school, so for your punishment, you will clean the Covered Court every afternoon for the whole month. " "Mam naman. "- Dave Tinaasan lang siya ng kilay ni Ms.  Francisco kaya hindi na siya nakakibo.  Potek laki laki ng court ay.  Pano pa ko tataba neto?  Tiningnan din ako ni Ms.  Francisco kaya napatango nalang ako, ano pabang magagawa ko?  Principal siya, estudyante lang ako.  Lumabas kaming dalawa ni Dave ng parehas nakasimangot.  "O Quinm, ano sabi? "-Mich "Punishment. " "Anong punishment? "-Carlo "Lilinisin namin yung court sa hapon sa loob ng isang buwan. " "Aray rugoooo.  Goodluck sayo. "- Charles Hayyyyy. ------ Kung dati excited akong mag-uwian, ngayon parang gusto ko nalang maupo sa room, o kaya ako nalang maglinis ng buong room, wag lang ng court, tapos kasama ko pa yung baklang yun.  "O Quinn,  pano ba yan?  Mauna na kaming umuwi. "-Charles "Wag na masyadong mainitin ang ulo ha. "-Mich Tumango nalang ako bago sila sabay sabay na umalis ng room.   Habang nililigpit ko ang mga gamit ko, biglang lumapit sakin si Andrea. " Ahh, Quinn. " Napatingin naman ako sa kanya agad.  Pucha latang lata talaga ako.  "Okay ka lang ba? " Napailing naman ako.  "Pinarusahan kasi kami ni Dave, maglilinis kami ng court. Busit kasi yun. " "Ah makakasama mo ba si Dave? " "Oo.  Bakit? " Nakita ko naman yung hawak niyang panyo. "May ibabalik lang sana ako sa kanya.  Pinahiram niya to sakin nung nasa clinic ako." "Ganun ba.  Sige tara,  nandun siya sa court. " Sabay na kaming nagpunta sa court.  Tahimik nga lang siya habang naglalakad kami.  Nahihiya naman akong daldalin baka kung anu ano lang masabi ko.  Pagkarating namin sa court,  nakita na namin siya agad na nagliligpit ng mga bola, at nung napatingin siya samin, I mean kay Andrea,  nabitawan niya yung mga hawak niyang bola at dali daling lumapit sa kanya.  "Andrea, bat nandito ka? "-Dave Sura!  Kala mo mabait!  Inabot naman ni Andrea yung panyo sa kanya.  "Ibabalik ko lang sana to sayo.  Salamat. " Kinuha niya naman yung panyo at ngumiti.  "Walang anuman. " Infairness, gwapo nga talaga tong si Dave,pero mas gwapo pa rin si Angelo.  Nakakabusit lang talaga.   Napatingin naman sakin si Dave kaya tinarayan ko lang siya. Ano feeling niya babatiin ko siya?  "Ahh, sige Quinn, una na ako.  Ingat ka.  Bye. "-Andrea Nagbabye nalang din ako kay Andrea. "Close kayo? "-Dave "Paki mo?" nilagpasan ko nalang siya at nilapag na ang bag ko sa upuan.  "Alam mo ikaw, para kang hindi babae. "-siya Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Alam mo ikaw, para kang hindi lalaki. " Kumuha na ako ng walis para matapos na tong kalokohang to.  "Close pala kayo ni Andrea. " Hindi ko na siya pinansin.  Ulit ulit.  Nagwalis nalang ako.  Tapos nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sakin.  "Tumabi ka nga!  Nagwawalis ako e. " ang kaso talagang hindi siya umaalis. "Pwede ba Dave?  Gusto ko nang umuwi ka----------" "May gusto ka kay Angelo diba? " Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya.  "A-ako?  Wala ah! " "sus!  Kunwari ka pa.  Halata naman. " "Lumayas ka dyan, nagwawalis ako. " pero tinapakan niya lang ang walis ko.  "Let's make a deal. " Kumunot naman ang noo ko.  "Deal? " Tumango naman siya at kinuha ang walis na hawak ko.  "Kaibigan mo si Andrea, kaibigan ko si Angelo.  Magtutulungan tayong dalawa para mapalapit tayo sa mga taong gusto natin. " "Tigilan mo nga ako Dave, wag mo kong idamay sa kabaduyan mo. " Crush ko lang naman si Angelo.  At saka, hindi ako desperadang babae na gagawin ang lahat para lang mapansin niya ako.   "Kung hindi ka susunod sa deal, sasabihin ko kay Angelo na gusto mo siya. " Hinampas ko nga.  Kakabwisit e.  Dadamay pa ko sa ganun niya.  "Tigilan mo ko Dave. " "Aray ko naman!  Bat ba kasalbahe mo?? " "Mas salbahe ka! " "Tutulungan na nga kita kay Angelo e. "-Dave "Kahit di na. " "Ahh basta, kapag di ka sumunod, ganun ang gagawin ko. " sabay alis sa harap ko at nagpunta sa storage area.  Sinundan ko naman siya.  Aba.  Hindi naman ako pumayag ah.  "Ayoko nga Dave.  Bakit idadamay mo pa ako sa paganyan ganyan mo?  O sige, tutulungan kita kay Andrea pero wag mo nalang sabihin kay Angelo leche ka rin e. " "Para may panakot ako sayo. "-Dave "Ayst! " Nagpapadyak nalang ako papalabas ng storage area at kinuha ulit ang walis ko.  Bwisit talagaaaaa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD