Chapter 3 - Mortal Enemy

1218 Words
Chapter 3 "Go!  Go!  Go! " sumasakit na yung lalamunan ko kakasigaw dito.  Pano ba naman kasi ang ganda ng laban.  Grabe.  "Ayan na!!! " halos mapatayo pa ako kakacheer kela Andrea. Halos maghabulan lang ng score yung klase namin tsaka yung star section,pero sa ngayon kami ang lamang.  Last set na kaya talaga naman pong nakakakaba. "Quinn umupo ka nga! "-Charles Sinamaan ko naman siya ng tingin pero umupo na rin ako. Grabeeee!  Nakakaexcite to!  Hahahaha Nag-serve na si Andrea at pumasok naman, nireceive nung kabila at----- "Prrrrt! " Nagulat kaming lahat ng biglang bumagsak si Andrea.  Hala!  Anyare! "Uy!  Napano si Andrea?? "-Carlo "Tara!  Tara!  Tingnan natin! " napatakbo naman kami papunta sa pwesto ni Andrea at nakita namin siyang pawis na pawis at parang hinimatay. "Tara!  Dalin na natin----"-Carlo "Ako na. " binuhat agad siya ni Dave at tinakbo papunta sa clinic.  Medyo nabigla pa ako ng very very slight pero ng hitakin ako nila Mich,  napatakbo nalang din ako. Pagdating namin sa clinic,  agad namang inasikaso ni Madam Sky si Andrea.  Pinahiga siya agad at pinalayo muna si Dave. "Taray KISA lang ang peg. " sabay siko ko kay Dave. "Ha?  Pinagsasasabi mo. "-Dave Sinamaan ko naman siya ng tingin.  Yabaaaang. Tapos maya maya, dumating na rin yung tropapips ni Dave.  Ehem.  "Kamusta na po lagay ni Andrea Ma'am? "-Mich "Masyado siyang napagod.  Sa ngayon hindi pa dapat siya masyadong nagpapagod ng ganyan?  Masama sa kalusugan niya.  " "Po?  Bakit naman?  May sakit ba si Andrea? " Sakto namang dumilat si Andrea at pinilit na umupo.  Pawis na pawis siya at namumutla pa. "Wag mong pilitin kung hindi mo kaya. "- Dave "Kaya ko.  "- Andrea Tumingin naman si Andrea kay Madam Sky. " Pasensya na po sa abala mam,pero kaya ko na po. " tatayo na sana siya pero na-out of balance siya at napahawak siya kay Madam Sky.  Hala.  Mukhang napagod talaga si Andrea. "Hindi mo pa kaya.  Magpahinga ka muna dyan.  Ipagpapaalam kana lang ng mga kaklase mo sa mga teachers niyo. " Nakita kong napayuko nalang si Andrea at umayos na nang upo. "Maiiwan nalang po ako di----" hindi pa tapos magsalita si Dave ng pagbawalan siya ni Madam. "Pumasok ka.  Minsan kana nga lang pumasok sa klase e. "- Madam Sky "Pffft. " napatakip naman ako ng bibig.  Tong Dave na to feeling Knight in Shining Armor e.  Kala mo rin close sila ni Andrea.  Hahahaha. Siniko naman ako ni Mich at tinuro si Dave, nung napatingin ako kay Dave, ang sama ng tingin sa akin. "Ahh,  Mam, una na po kami.  Andrea, puntahan kana lang namin dyan ah." sabay hitak sakin ni Charles papalabas ng clinic. Wala naman akong nagawa kasi bigla talaga akong hinitak ni Charles, naabutan nga namin sa labas sila Angelo e. "Ikaw talaga!  Gusto mo bang mapahamak? "-Charles "Bakit ba?  Ano bang ginawa ko? " parang shunga tong si Charles e. "Hay naku Quinn. "-Mich Napakunot nalang ako ng noo.  Problema ba ng mga to? "Quinn! " "Lagot na. "-Mich Napatingin naman kaming apat kay Dave na nakakunot ang noo at papalapit sa amin. Nagagalit ba to dahil sa muntik na akong matawa sa kanya kanina?  Buti nga pinigilan ko e. Huminto naman siya sa harap ko.  Medyo ang hirap niyang tingnan kasi nga ang tangkad niya. "Uy anong problema dito? "- Ilyo "Anong problema mo??"- Dave Nagtaka naman ako sa tanong niya.  " Aba Dave, wala akong problema ah.  Bakit ikaw ba may problema kaba? " Nahalata kong medyo napangisi siya at tumingin saglit sa mga tropapips niya tapos binalik ang tingin niya sakin. "Gusto mo ba ng away? "- Dave Magsasalita sana ako kaso tinakpan naman agad ni Charles yung bibig ko. " Ahh, Dave, wag mo nang pansinin tong kaibigan namin.  Magulo lang talaga to. "-Charles Inalis ko naman din yung kamay ni Charles sa bibig ko at tiningnan tong si Dave. "Bakit ba? Ano bang ginawa ko sayo? " Kung yung iniisip ko ang dahilan, masyadong mababaw yun.  OA masyado. "Wag mo kong ipapahiya sa harap ni Andrea ah! "-Dave "Bakit pinahiya ba kita?? " Kakabusit.  Kakapang init ng dugo. Magsasalita pa sana si Dave kaso bigla na siyang hinitak ni Angelo papalayo. "Tara na,  may klase pa tayo. "- Angelo Pero habang naglalakad sila papalayo, nakatingin pa rin sakin tong Dave na to at ang sama ng tingin sakin kaya nag-behlat ako.  Muntik na nga siyang bumalik pero pinigilan na talaga siya at hinitak na rin ako ni Mich. " Kakabusit!! " "Ay naku Quinn, hindi na matatahimik buhay mo niyan. "- Carlo "E sya naman nagsimula.  Di ko naman siya inaano. " "Edi sana di mo na pinatulan.  Ay naku. "- Charles " Hayaan niyo siya. " Bumalik na kami sa room at naabutan na namin yung mga kaklase namin na nandun.  Nagtanong naman yung iba tungkol sa kalagayan ni Andrea at sinagot sila ni Mich. Napang-init talaga ulo ko.  Kakainis. Dinaan ko nalang sa pagsusulat yung inis ko.  May maganda rin palang naidudulot tong inis ko,  ginaganahan akong mag-aral. Nung dumaan naman yung klase nila Dave sa room namin, nakita ko pa siyang ang sama ng tingin sakin,  sinamaan ko nga rin ng tingin.  Leche siya. Ang yabang yabang!  Porke ba sikat siya sa school gaganun na siya?  Tampalin ko siya e. Ayun puro sulat at discuss lang,  wala namang mga exams kaya laki talaga ng pagpapasalamat ko. Nung uwian naman na, pumunta muna kami sa clinic para sana sunduin si Andrea, kaso wala na siya nung nagpunta kami dun. "Kanina pa siya umuwi.  Sa bahay nalang daw siya magpapahinga e. "-Madam Sky "Ganun po ba.  O sige po.  Salamat. " Umalis na kami ng clinic at napagpasyahan nang umuwi.   Habang naglalakad na kami papalabas ng school, nagulat ako ng may biglang tumama sa may ulunan ko. "Leche. " napahawak ako sa batok ko at nilingon kung sinong hinayupak ang nagbato ng bag sakin.  "Uy Quinn ayos ka lang?? "-Mich Nakita ko yung grupo nila Dave na nakangisi, ay mali, si Dave lang pala ang nakangisi.   AKO TALAGA HIGHBLOOD NA AH!  "Masakit? " tanong ng siraulong Dave sakin.  Nginitian ko naman siya at pinulot ang bag na binato niya sakin.  Pinipigilan pa nga ako netong tatlong kasama ko pero hindi ako nagpapigil.  Ginigigil talaga ako nito.  Bitbit ang bag niya, lumapit ako sa kanya.  May mga tao na sa gilid namin, siguro nakita yung ginawa ni Dave.  Bahala na kung may makakita saming teacher,  maturuan lang ng leksyon tong lalaking to.  Nung nasa tapat na niya ako,  nakita ko kung paano kumunot ang noo niya dahil sa mukha ko.  Nakangiti kasi ako sa kanya, yung halatang nang-iinis ba?  Hanggang sa hinampas ko sa kanya yung bitbit kong bag.  Nagulat siya, I mean, nagulat silang LAHAT sa ginawa ko.  gusto niyang magpasikat?  Sige pagbibigyan ko siya. Aba, binuhos ko lahat ng pwersa ko para maihampas sa mukha niya tong bag niya.  "Dave! "- Ilyo "Masakit? " binalik ko ang tanong niya sakin kanina.  At dahil dun, halata mong inis na inis na siya dahil nga namumula na ang mukha niya.  Bigla niyang hinawakan ang kwelyo ko.  Tsk.  Bakla talaga.  "Gusto mo ba talaga ng away?  HA??! " "Dave!  Tama na yan."-Angelo Kikiligin na sana ako kaso panira talaga tong Dave na to. Pinipigilan naman nila Charles si Dave kaya binitawan niya na ang kwelyo ko.  Pero yung tingin niya sakin ganun pa rin.  "Kung may gusto ka sakin, sabihin mo lang di yung gumaganyan ka. "-Dave "Ay yuck!  Kapal ng mukha mo. " "Quinn, tama na. "-Mich May gusto raw sa kanya?  Hanep!!  Kinuha niya naman yung bag niya at sinabit ulit sa likuran niya.   Ang sama lang talaga ng tingin niya sakin.  Yung parang kakainin ako ng buhay?  Ganun.  "Umayos ka. "-Dave Nag-make face nalang ako bago niya ako nilagpasan.  Aalis na nga sana sila ng biglang......  "Dave Carl Yumang and Quinn,  go to my office, NOW!! " Pucha naman. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD